Bumangon ako para mapag-higanti ko ang aking sarili ngunit sadyang mabilis si Matthew. Sumisigaw-sigaw lang si Mmatthew. Galit na galit siya kay Arbie. Ngunit ng tiningnan ko si Arbie ay parang nagulat lang sa nangyari.
Ni hindi man lang ako inalalayan o kinamusta kong ok lang ako.
“Tang-ina naman Arbs. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa akin. Bullshit!” sambit ko kay Arbie habang inaayos ang sarili.
Nakita ko naman na may mga tao sa labas na nakatingin sa amin. Umalis ako at iniwan si Arbie.
Pumasok ako sa ospital at inayos ang sarili. Mabuti nalang at may extra scrub suit pa kaya kinuha ko nalang ito at pinalitan ang clinical uniform ko na nabasa ng coke. Pinagmasdan ko naman ang sarili ko sa salamin at hindi naman napuruhan ang mukha ko. Buti nalang hindi nasugatan kong hindi ipapablotter ko talaga si Matthew.
Lumabas na ako ng quarter at bumalik sa ER. Nan doon na rin si Arbie.
“Bro. sorry hindi ko to ineexpect.” Paliwanag ni Arbie.
Nakita kong mangiyak-ngiyak si Arbie at instead na galit ang nabitawan kong emosyon ay awa naman ang lumabas sa bibig ko.
“It’s okay bro. Malakas ka kasi sa akin.” Sambit ko na may pagaalinlangan.
Niyakap ako ni Arbie at mistulang natulala ako sa kanyang inasal. Sadyang itinulak ko siya kasi baka may makakakita sa amin.
Sa di kalayuan ay nakita ko ang babaeng kasama ng patient kong intoxicated. Dumaan siya sa aming kinaroroonan at sadyang matalim ang kanyang paningin sa amin.
Hindi ko na siya pinansin dahil kaharap ko si Arbie. “Ano ang problema non?” tanong ni Arbie.
“Hayaan mo na. Folk lang iyon ng patient ko kanina.” Mahinahong sagot ko kay Arbie.
“Bro. I’m really sorry for what happened. Para maging okay ka, ibibigay ko sa iyo ang lahat na hihilingin mo para naman makabawi ako.” Mahabang paliwanang ni Arbie.
Medyo natauhan naman ako sa kanyang pinagsasabi.
Parang gusto kong sabihin na pwede bang maging kami? Ngunit patuloy pa ring pumapasok sa isip ko ang mga binitawang salita niya.
Paulit-ulit itong bumabalik sa isip ko na parang isang sirang plaka.
I will never fall in love…
Never been…
Never was…
And never will be…
Ang mga katagang iyon ang tanging kumokontrol sa feelings ko sa bestfriend ko. Mas lalo pa itong tumindi ng nakita ko ang nangyari sa patient ko ng dahil lang sa bawal na pag-ibig na ito.
Bawal nga ba? Sa isip ko.
“It’s okay Arbs. I will always be your friend” ang tanging lumabas sa aking bibig.
Napahinto naman kami sa ganong sitwasyon ng biglang niyakap ulit ako ni Arbie. Niyakap niya ako at hindi ko na siya tinulak. Bahala na kung may makakita sa amin basta ang importante ay sinasamsam ko ang bawat segundo na pagyakap ng pinakamamahal kong best friend. Si Arbie.
Habang nakayakap siya sa akin ay may ibinulong naman siya.
“If only I know how to teach my heart.” Nang narinig koi yon ay bigla ko namang tinulak si Arbie papalayo.
“Ano ba yan bro? Isang shot lang iyan” sambit ko sa kanya at humalakhak.
Medyo masakit para sa akin ang mga sinabi niyang iyon pero ano ba ang magagawa ko kung hanggang best friend lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin. Pero kahit ganon lang ang magiging estado namin. Patuloy pa rin akong umiibig na palihim sa kanya.
Habang may panahon pa ay gagawin ko ito at ipaparamdam sa kanya indirectly na mahal ko siya.
“Sige bro, may duty pa ako eh” pabalang kong sambit kay Arbie.
“Off mo ba bukas?” tanong ni Arbie.
“Oo, may gigs kami bukas sa pirates. Punta ka ha?” dagdag kong salita.
Umalis na rin si arbie at pumasok na rin ako sa ER.
Nang sumunod na araw ay tinawagan naman ko ni Arbie.
“Bro, I met this guy yesterday. He looks awesome. Half pinoy half Latino.” Si Arbie sa kabilang linya.
Hay nako panibagong biktima naman ng best friend ko. Hindi na ako nagulat sa mga ginagawa niya at palagi nalang ganito ang sistema naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Novela JuvenilIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?