08/12/15
Chapter One:
HER ANTONYM
"Last five minutes."
Naalarma si Gluta pagkadinig sa kanilang English teacher. May activity sila ng araw na iyon at one-third pa lang ng kabuuan nito ang kanyang nasasagutan! Triple niyang binilisan ang pagbabasa ng mga tanong para may masulat agad siyang letra ng sagot. Ang kaso, kung hirap nga siya nung iniintindi niya ang mga tanong kumusta naman kung ngayon ay pinapasadahan lang niya ang pangungusap? Product? She wrote any letter. Bahala na. Basta matapos, ayos na iyon.
"Two minutes."
Naman. Malapit na 'to. Hindi na niya binasa ang mga tanong, diretso agad siya sa pagsagot ng titik.
"Tapusin mo man yan sa hindi," sabi ng baritonong boses sa katabi niyang upuan, "wala pa ring magbabago."
Gusto mang itusok ni Gluta rito ang hawak na bolpen, nagpatuloy pa rin siya ginagawa. "Manahimik ka diyan, Francis, walang humihingi ng opinyon mo."
"Kinakalawang na kasi ang utak..." bulong nito pero umabot pa rin sa pandinig niya.
She gritted her teeth. Dati wala sa kanya kung mahina siya sa klase pero simula nang maging katabi niya ang mahangin na si Francis biglang nagbago ang pananaw niya. She realized that being always the lowest wasn't alright. May iisa at iisang tao kasi na maglalakas loob na tapakan ang pagkatao mo.
Nang maitawid niyang masagutan lahat, taas noo siyang nag-angat ng mukha at sumalubong sa kanya ang nakatinging guro. Siya na lang pala ang hinihintay nito. "Are you done, Castillo?" tanong ng guro.
Ngumiti siya. "Yes, maam."
Pagkatapos ng klase, hinintay niya sa labas ng school ang kanyang sundo. Mula sa di kalayuang kolehiyo ay dadaanan siya ng kanyang Uncle Aaron. Nasa 3rd year na ito ng kursong HRM at sa susunod sabay silang ga-graduate nito. Iyon ay kung magiging mabait sa kanya ang 4th year high school sa susunod na taon at maipapasa niya lahat ng subjects.
"Gluta," tawag ng kanyang kaklase na dumaan, "si Francis pala ang pina-check ni maam ng activity paper natin kanina."
Ano?!
"Pero alam mo naman," dugtong nito at nabuhayan siya ng loob. Siyempre alam niya. "Pinasa niya sa akin ang trabaho."
Napatango-tango siya. Malino ang mayabang na katabi niyang iyon pero hindi kasing sipag ng henyo niyang Uncle Nate.
"Ingat ka, Hannah," sabi niya nang humakbang na ito paalis at nginitian naman siya bilang tugon.
Ngunit nakakadalawang apak pa lang ito ay hinarap siya ulit, "Nga pala, Gluta."
"Bakit?"
"Si Francis nga pala ang magtsi-check ng sayo," sabi nito at nanlaki ang mga mata niya. Nahihiyang tinuloy nito ang sasabihin, "Sabi niya kasi...mahihirapan daw akong i-check ang papel mo."
Animo'y may spring ang kanyang inuupuan, agad siyang tumayo at parang may emergency na tinanong ang kaklase, "Nasa classroom pa ba si Francis?"
Pagkatango ng kaklase ay tumakbo siya pabalik ng J.E. High. Lintik na. Mas lalong bababa ang score niya kapag si Yabang ang humawak ng kanyang papel. Naka-attach pa naman dun ang assignment nilang essay. Siyempre si Francis iyon kaya pinagkakatiwalaan ng kanilang guro. Pero sa kanya mas may tiwala siya kay Hannah kumpara sa mahangin na iyon.
Humahangos niyang dinatnan si Francis na mag-isa na lang sa classroom. Nakuha niya ang atensyon nito at nag-angat ito ng dulo labi nang makitang siya ang dumating. Dumako ang tingin niya sa desk at nakita niyang may papel doon. Ang papel niya!
BINABASA MO ANG
GLUTA AND THE SEVEN UNCLES
Teen FictionGluta with her seven handsome uncles as her parents.