11/22/15
Chapter 3:
EMPTINESS
Pagkarinig lang ni Gluta sa Uncle Roland ay agad na natuon ang mga mata niya kay Francis na nakatingin din sa kanya. Gusto ni Gluta masuka sa ideyang manliligaw niya ang saksakan ng yabang at utak parachutte.
Agad niyang tinapos ang nakakagimbal na akala ng kanyang tito. Pumagitna siya sa kanyang uncle at kay Francis. "Mali kayo ng akala, Uncle Roland. Ang taong yan--"
"Opo."
Natigagal si Gluta nang magsalita si Francis sa kanyang likuran.
Dahan-dahan siyang humarap sa binata dala ng hindi niya inaasahan ang sinabi nito. May saltik talaga ang yabang!
"A-anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. She held her breath, hoping she could also hold the tears back. Francis was pushing his stunts too far. Maski sa sarili niyang teritoryo gusto nitong ipakita sa kanya na kaya nitong gawing impyerno ang kanyang buhay.
Mula sa pagkakatitig sa kanya ay nag-angat ng mukha ang binata. "Biro lang po," ngiti nito sa kanyang tito. Mabilis siya nitong sinulyapan saka nagpaalam na sa kanyang mga uncle.
Doon pa lang ulit nakahinga ng maluwag si Gluta saka napapikit sa kamalasang inabot niya ng araw na iyon.
Tumingala siya sa ilalim ng malawak na kalangitan. Lord, alisin niyo na po sa buhay ko si utak parachutte.
Nang makaalis na ang sasakyan ay saka pa lang hinarap ni Gluta ang Uncle Roland at Uncle Aaron niya ng nakasimangot. "Sorry po. Ginabi po ako ng uwi."
"Hay," ang Uncle Roland niya. Kapag hindi ito lasing, spoiled siya rito. "Pinag-alala mo kaming lahat. Lagot ka sa Uncle Steven mo."
"Si Kuya ang nag-utos na hanapin ka agad," dugtong ng Uncle Aaron niya.
Hala. Lagot talaga siya. Pinag-alala niya lahat ng kanyang mga tito. Lagot siya lalo na sa Uncle Steven niya. Grounded siya nito panigurado! Baka hindi na siya nito pagimitin ng computer. O kaya baka i-ban siya pati sa panonood ng tv. O kaya naman ipagbawal siyang kumuha ng malamig na tubig sa ref o pagamitin ng electric fan sa gabi. Magpapaypay siya! Salot talaga ang Francis na iyon!
Pagpasok nila sa bahay ay halos lumuwa palabas ng kanyang dibdib ang puso ni Gluta. Kumawit siya sa braso ng kanyang Uncle Roland, naghanap ng karamay. "Uncle," she said, "aburido ba talaga si Uncle Steven?"
Ang kanyang Uncle Aaron ang sumagot sa kanya. "Oo. Masakit pa ata ang ulo kasi bayaran na naman na naman ng mga bills."
Lalong umasim ang kanyang mukha. Wrong timing talaga ang kamalasan niya ng araw na iyon.
"Sabihin mo na lang kung ano ang totoong nangyari." Ang Uncle Roland niya sa malungkot na himig.
"Na kasama ko ang yabang na iyon?!"
"Oo," sagot nito.
"Mayabang yung kaklase mong iyon?" tanong naman ng Uncle Aaron niya. "Hindi halata sa mukha."
Agad niyang tinanggal ang pagkakabit ng kamay sa braso ng uncle niya at lumipat doon sa tabi ng kanyang Uncle Aaron. Nakaismid siyang nagpaliwanag, "Naku, Uncle Aaron..yang Francis na iyon sooobrang yabang. Lahat ata ng kayabangan sa mundo pinakyaw na nun. Hmp! Akala niya siya lang ang matalino. Mas matalino pa sa kanya si Uncle Nate sa kanya."
Simula ngayon mag-aaral na ako ng todo para kahit papano tumalino naman ako. Kaso 'pag naiisip iyon ni Gluta nagbabaliktanaw sa kanyang isipan ang mga sandaling sinubukan niyang mag-aral pero wala siyang napala. Di kaya pampalubag-loob lang iyon ni Maam sa mga katulad kong walang laman ang utak. Posible nga kayang walang taong bobo, tamad lang. Bumuntung-hininga siya. Sabagay. Tamad naman kasi akong mag-aral. Para kay Gluta, sapat nang makatapos ng pag-aaral. Hindi naman kasi lahat ng tinuturo sa eskwelahan e magagamit niya 'pag nagtrabaho na siya. Kabilang dako katwiran ng kanyang uncle ay dapat na magkaroon siya ng kamalayan tungkol sa ibang bagay.Iyon siguro ang dahilan kaya jack of all trades ito.
BINABASA MO ANG
GLUTA AND THE SEVEN UNCLES
Teen FictionGluta with her seven handsome uncles as her parents.