[8]

83 0 0
                                    

04/17/16

Chapter 8:

YOUR DIGITS

It had been suffocating. Akala ni Gluta sanay na siya pagkatapos ng tatlong taon na kanyang pagtitiis. Hindi pa pala. Hanggang ngayon pala ay liit na liit pa rin siya sa kanyang sarili dahil sa hindi siya matalino.

At si Francis. Wala talaga itong balak na patahimikin ang buhay niya.

Idaan na lang kaya nila sa takbo ang lahat para matapos na. Wala namang binatbat sa kanya si Francis pagdating sa running. Doon man lang ay malampaso niya ito.

"Gluta," his Uncle Nate said. Pinatay nito ang tv nang marinig siyang umiiyak. "Gluta. Bakit?"

"U-uncle," she sobbed and felt his uncle's hand on her shoulder.

"What is it?" sabi nito. "Sabihin mo, anong nangyari?"

Gusto niyang ilahad dito ang mga nangyari kaso hindi niya magawa dahil sa kanyang paghikbi.

Her Uncle Nate sighed, "Sige. Bago ka magsalita, subukan mo munang kalmahin ang sarili mo."

Gluta did. She took deep breaths and told her uncle about the whole afternoon.

"Klaruhin ko lang," sabi ng kanyang uncle. "Dahil hindi kapani-paniwala na maaaring may gusto sa 'yo ang kaklase mo, hindi ka nakapag-focus sa lesson mo kanina..."

Tumango siya saka ngumiwi, "Imbes po na magbasa ay sulyap ng sulyap po ako sa kanya."

Inis na inis siya sa sarili. Dapat ay hindi na lang niya binigyang-pansin ang tungkol sa bagay na iyon. Pakialam ba niya kung may gusto o wala sa kanya si Yabang! Ang sigurado siya kahit anong mangyari, magkaroon man ng forever, mawala man ang mabigat na trapiko sa Metro Manila, at hindi man mangolekta ng buwis sa Pilipinas, isa lang ang hindi magbabago at iyon ay ang pagkamuhi niya sa isang mukhang tsonggo na utak parachutte na may saltik at sobrang yabang.

Magkagusto na siya sa lahat huwag lang kay Francis Hernandez.

"Tapos pinatawag kayo ng guro ninyo sa office nito--"

"At magiging tutor ko ang tsonggo na iyon," putol niya rito.

Hinagod ng kanyang uncle ang baba nito. "Iyon ang dahilan kung bakit ka umiiyak?"

"Opo," sabi niya sabay tulo ng kanyang mga luha.

"Alam mo, Gluta, kung titingnan natin, hindi ikaw ang dehado sa sitwasyong yan," sabi nito at napatigil siya hindi dahil sa realisasyon kundi sa disappointment na hindi sila nasa parehong bangka ng Uncle Nate.

His genius uncle didn't understand her.

Sabagay. Wala naman itong alam tungkol sa pang-aapi sa kanya ni Francis. Sa Uncle Ulyssis lang niya pala kinukuwento lahat.

"Ayaw mo nun," patuloy nito, "may tutor ka na."

"Pero nandiyan ka naman uncle, eh."

"Sabi mo diba top one itong kaklase mo?" sabi nito. "Ayaw mo nun tatalino ka ng sobra dahil dalawa na kaming topnotchers na magtuturo sa'yo."

"Ang OA mo naman, uncle," ngiti niya kahit di pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. "Limang check nga lang sa exam iyong na-improve ng pagtuturo mo sa akin."

Tumawa ang uncle niya. "Ang bait talaga ng pamangkin ko at na-a-appreciate ang effort ng kanyang tito."

"Hindi ko kailangan ang yabang na iyon," pinal niyang sabi rito saka pinunasan ang mukha.

Yinakap siya ng Uncle Nate niya. "Tahan na."

Nag-isip siya kung merong paraan para hindi niya maging tutor si Francis. Pakiusapan niya kaya ito? Hindi naman malalaman ni Mrs. Fajardo kung tinuturuan ba siya ni yabang o hindi. Basta kailangan lang niya maitaas ang mga grades niya.

GLUTA AND THE SEVEN UNCLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon