[9]

109 1 0
                                    

08/28/16

Chapter 9: Suspected Conspiracy

No matter how Gluta hated giving her contact number,  she still keyed it on Francis' phone. Hindi niya alam kung bakit. Parang may bumulong sa kanya na ibigay iyon. She's not sure if it was some kind of demonic power coming from her enemy.

Pagkakumpleto niya sa mga numero, ilalagay na sana niya ang kanyang pangalan nang agad naman kunin ng binata ang cellphone nito mula sa kanya.

"Ako na," sabi nito.

Gluta's brows meet. Hmp! Alam na niya ang gagawin nito. Utak-ipis ang isi-save nito sa phonebook. Ano pa bang aasahan niya diba? Kapag lang talaga pati sa text di siya nito palampasin, magpapalit siya ng sim card. Kahit isang daang beses pa para lang sa kanyang katahimikan hindi siya manghihinayang ng pera.

She saw Francis smiled towards the phone after tapping the screen, and it just confirmed what she was thinking.

"Handa mo yang utak mo," sabi ng binata sa kanya at para na namang nag-aapoy ang tenga niya  rito. "Ayoko sa lahat yung paulit-ulit. Baka wala pang isang buwan pareho na tayong mangailangan ng magtu-tutor."

Ginaya niya ito ng nakanguso at naniningkit na mga mata.

Kumunot-noo ang binata rito, "Tsk. Wala na ngang kagusto-gusto sa iyo pinapapangit mo pa ang pangit mong mukha."

Natigilan siya  sa sinabi nito. "Nagsalita!" Hinimpas niya rito ang hawak na payong sa sobrang inis.

Bwisit talaga.

She marched away like an angry troll. Halos patakbo na siyang maglakad patungong gate pero naabutan pa rin siya nito. Hihirit sana siya ng pwedeng ipambato rito, makaganti man lang bago siya umuwi, kaso nilagpasan lang siya nito.

Gluta watched his tall frame walked afront. Kahit nakatalikod ang binata makikilala pa rin niya ito kung sakali. Sa loob  ba naman ng ilang taong pagpapahirap sa kalooban niya nakabisado na niya ang tungkol dito. It might be weird but even his scent, she knew when Francis changed one.

Bakit ko pa kaya nakilala ang utak parachutte na 'to? Hayahay siguro ang buhay ko ngayon, sabi niya sa sarili.

Her feet stopped abruptly when Francis took a serious glance back at her. The glance became deep stare causing her blood to rush to her face.

Di niya alam kung bakit siya natakot bigla. Siguro dahil nahuli siya nitong nakatingin dito. Nagigimbal pa naman siya kapag naalala niyang napagbintangan siyang may gusto rito.

Buti na lang at binalewala nito iyon.

Ganunpaman di pa rin siya tumakbo palayo kundi ay lumakad pa rin siya ng normal.

It was an odd feeling. She didn't feel any hatred following at his back, instead she's shy. Hindi niya alam kung bakit na naman.

Iyong isip niya sinasabing tumakbo na siya palayo pero ang kanyang mga paa ay nanatili sa banayad nitong mga hakbang na para bang walang Francis sa harapan na gusto niyang iwasan. Na para bang wala doon ang taong kanyang kinaiinisan sa mga nagdaang taon.

Nakita niya ang Uncle Aaron sa di kalayuan, naghihintay sa kanya. Mukhang maaga itong nakalabas ng eskwela at hindi na niya kailangang maghintay ngayon.

"Uncle," tawag niya ng malapit na siya rito.

Imbes na siya ang tapunan ng tingin nito ay napakunot-noo siya ng makipagkamay ito kay Francis.

"Kumusta po?" dinig niyang sabi ni Francis sa uncle niya.

Gluta turned her mind back from the past few days. When did her Uncle Aaron and Francis get acquainted? Nasaan siya ng mga huling araw at parang ang dami niyang di alam?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GLUTA AND THE SEVEN UNCLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon