12/20/15
Chapter 4:
Kinabukasan ng uwian inis na napahintay si Gluta sa kung saan malapit ang sasakyan ni utak parachutte. Kung tao lang ang poste na nakatayo sa gilid niya ay malamang na ginawa na siya nitong baseball sa ginagawa niyang pagsipa ng walang tigil rito.
Nagsasayang siya ng oras para sa isang walang kwentang taong tulad ni yabang. Sus. Nasa bahay na sana siya ngayon at gumagawa ng gawaing bahay. Para sana mamaya kapag oras na ng inaabangan niyang gameshow ay bakante na siya. Kailangan pa naman niyang bumawi dahil natalo siya ng uncle aaron at uncle ullysis niya nung last nitong episode. Tuloy pati iyong mga toka nitong pagwalis sa bakuran tuwing umaga at pagdidilig ng halaman ay napunta sa kanya!
"Bwisit!" sabi niya sabay sipa ulit sa poste. Ngayon sumakit ang paa niya sa lakas na kanyang pinakawalan. Napaikang-ikang siya sa sakit.
"Nangyari sa'yo, utak-ipis?"
She paused, balancing with her foot lifted off the ground. Pinaningkitan niya ng mata si Francis, "Bakit ngayon ka lang?!"
"Bakit?" tanong lang nito. "Hinihintay mo ko?"
Siya'y natigilan ulit. Ano itong nasabi niya? May saltik pa naman ang binata. Baka isipin nitong isa siya sa mga nagkakagusto rito. Naku! Kahit si yabang na lang ang huling lalaki sa buong uniberso, magpapakatandang dalaga na lang siya.
Umirap siya rito. "Hindi ah. 'Yang mukhang 'yan."
Francis asked her, "Ano bang meron sa mukha ko?"
Gluta spat without a pause, "Mukhang tsonggo."
"Talaga?" sabi nito, "kung ganun ang mukhang tsonggong 'to, hinihintay mo?"
Natawa siya. "Inamin mo rin sa wakas na tsonggo ka."
"Anong kailangan mo sa akin, utak ipis?" tanong ng binata. "Kailangan ko nang umalis."
"Wala ," halukipkip niya. Kailangan daw? Kelan pa siya nagkaroon ng kailangan sa isang mayabang na akala mo'y kasingtalino ng kanyang Uncle Nate?
Hindi ito naniwala sa kanya kaya sandaling itong naghintay. Subalit ng manatili siyang tahimik at nakatingin sa ibang direksyon ay lumakad na paalis si Francis.
Argh! Hindi na siya sa susunod tatanggap ng tulong mula rito. Ang hirap-hirap. Ayaw niya ng ganitong meron siyang utang na loob sa isang taong kanyang kinamumuhian.
Sinigurado niyang malayo na ang agwat niya sa binata bago sumunod sa likuran nito. Habang nakabuntot ay kasinghaba ng torotot ang nguso ni Gluta. Unang-unang gusto niya sa lahat ay ang malayo sa landas ng isang yabang na utak parachute na mukhang tsonggo tapos ngayon binabagtas niya ang tinatahak nito. Maisauli lang talaga niya ang pants nito at iiwas na siya sa hinayupak. Kahit ilang beses pang ipamukha nitong wala siyang utak hindi na lang niya papansinin.
Pagbukas ng sasakyan ng binata ay nagsalita ito saka siya nilingon, "Akala ko ba wala kang kailangan?"
Inismiran niya ito. "Wala naman talaga!" Asar na inabot niya dito ang hawak na paper bag saka nagmartsa palayo sa lugar na iyon.
"Panira talaga ang unggoy na 'yon," sabi ni Gluta sa sarili sabay bilis ng mga paghakbang. Isang oras na ang nakalipas ng umuwi ang Uncle Aaron niya. Pinauna niya ito kasi ayaw niyang pati ito maghintay kay Yabang. At ayaw din niyang may mabanggit ito sa kanyang Uncle Iggy. Minsan na kasi niya itong narinig na pinag-uusapan siya. Ang uncle niyang chickboy tinatanong ang Uncle Aaron niya kung meron daw bang umaaligid sa kanya.
Tiningnan ni Gluta ang oras sa cellphone at nagdiwang siya ng makitang kaya pa niyang makahabol sa inaabangang gameshow. May kinse minutos pa siya bago iyon mag-umpisa. 'Pag nag-jeep siya aabutin siya ng trenta minutos dahil ma-trapik sa oras na iyon. Hindi na lang siya magko-commute.
BINABASA MO ANG
GLUTA AND THE SEVEN UNCLES
Teen FictionGluta with her seven handsome uncles as her parents.