09/16/15
Chapter Two:
DON'T ASK HIM
Anong nangyayari sa karma? Siya na nga itong minamaliit ni Francis siya pa itong napahiya sa harap nito. Hindi dapat ganu'n. Siya ang api. Nasaan ang hustisya?
Basa ang palda niya at maputik. Pati ang mga binti at palad niya, maputik din.
"Alam mo nang madulas," umpisa ni Francis sa galit na tono pagkatapos ng pumagitnang katahimikan sa pagitan nila, "hindi mo ginagamit yang utak mo."
Gluta twitched her lip and whispered, "Akala ko ba wala akong utak..."
Minsan din pala hindi gumagana ang kukote ng Yabang na 'to.
Bumalik sila sa silungan.
Kinuha niya ang panyo sa bag saka pinunas sa binti. Nang medyo puno na ng putik ay binasa niya sa ulan para mahugasan. Piniga niya saka pinanmunas ulit sa paa niya. Inulit-ulit niya hanggang sa kahit papano'y naalis ang mga putik.
Pagtingin niya kay Francis naasar siya nang makitang nakatingin rin ito sa kanya. Mukha pa lang nito laking pang-asar na sa kanya. Nagtataka tuloy siya kung bakit madaming nagkakagusto rito. Guwapo't matalino saka mayaman pa. Sabagay. Pero kahit na. Kung kasing-ugali ni yabang ay huwag na. Sa gilid na si Gluta. Magpapaubaya na siya ng buong, buong puso.
"Iyong damit mo," sabi nito at tiningnan niya ang likuran niya. Maputik rin sa bandang ibaba.
Naku. Bakit pa kasi nadulas?
"Eto." Inabutan siya ni Francis ng nakatuping itim na t-shirt.
Gluta looked at it with horrifying eyes. "Ew." She forwardly fanned her hand. "Ayoko nga. T-shirt mo yan, eh."
"Utak ipis talaga."
Siya magsusuot ng pagmamay-ari ni Yabang?! Naku, kahit pa siya gumulong kanina sa putikan hindi niya tatanggapin ang nakakapagtakang kabaitan ng isang utak parachute. Malay ba niya kung may kapalit iyon. Huwag siya. Huwag siya ang maisahan ni Francis. Di man siya matalino pero puno naman ng wisdom ang utak niya galing sa panonood ng mga teleserye.
Anong da-moves iyon? Papaboran ang bida saka sasakalin sa leeg ng kontrabida. Naku, naku, naku.
"Wala ka bang puwedeng tawagan para makalabas tayo dito?" inis na tanong niya.
"Meron."
"Eh di tawagan mo na!"
"Wala akong cellphone."
"Wala?!" bulalas niya.
"Meron," sabi ni Francis, "nasa kotse."
Binasa ulit niya ang panyo sa ulan. "Kotse ba ang gumagamit ng cellphone o ikaw?"
"Naiwan ko."
"Ba't mo naiwan?!" asar niyang tanong. "Dapat sa bulsa mo iyon nilalagay o kaya naman sa bag. Para 'pag may mga ganitong emergency may magagamit ka sana." Nagtaas siya ng kilay, "Akala ko ba matalino ka?"
Sinulyapan niya ito kung naasar sa sinabi niya. Ngunit nabuwisit siya lalo ng makita itong nakangiti.
May saltik talaga 'tong yabang na 'to.
Sa kotse ni Francis, nakasimangot si Gluta na nakaupo sa tabi nito. Paano wala siyang choice kundi suotin niya ang pinahiram ng binata. Hindi kasi siya nito pasasakayin ng kotse kapag madumi ang damit niya. Iyong t-shirt kasi niya ay hiniram ng kanyang kaklase kaya jogging pants lang ang kanyang naipampalit.
Pwede naman siyang mag-commute na lang pero hindi siya pinayagan ni Francis dahil gusto nitong siguraduhin na maisasauli agad ang t-shirt nito.
Pangalawa, pwede rin naman niyang tanggihan ang alok ni Francis kaso iiwan daw siya nito roon sa school mag-isa kapag nag-inarte pa siya. Ayaw naman niyang doon magpalipas ng gabi dahil sa bukod sa pag-aalalahanin niya ang kanyang mga uncle, nuknukan din ng kaduwagan ang prinsesa ninyo. Kunting kaluskos lang ay baka maiyak at manginig na siya sa takot.
BINABASA MO ANG
GLUTA AND THE SEVEN UNCLES
أدب المراهقينGluta with her seven handsome uncles as her parents.