[5]

117 0 0
                                    


01/04/16

Chapter 5:

The news brought a shock to them. Kay Gluta, sa Uncle Aaron at Ullysis niya, at siyempre sa Uncle Iggy niya na hindi pa handang maging ama.

Naisip niya kung iyon na ba ang tamang panahon para sa kanyang uncle na magseryoso sa isang babae. Kung iyon na nga ba ang ikatatahimik ng buhay niya bilang pamangkin nito. Maliban kasi sa paghahabol ng mga naging karelasyon nito ay nadawit rin siya sa walang katapusang habulan. Pati siya nililigawan ng mga nagkakagusto rito. Paano, siya lang ang access ng mga ito sa kanyang uncle. Ang ibang uncle niya kasi hindi ng mga ito kayang lapitan. In other words, siya lang ang kayang utuin ng mga ito.

Kapag lalabas nga siya ng bahay palagi siyang nakaalerto sa mga babaeng susulpot na lang bigla saka aayain siya kung saan-saan lang para makapagtanong tungkol sa uncle niya.

Isang beses, noong katatapos lang ng klase niya at pauwi na ay may isang magarang kotse na bigla na lang humarang sa harapan niya. Akala niya nun ay masasagasaan na siya. Kinalampag niya ang sasakyan sa sobrang inis saka naman lumabas mula doon ang isang babaeng naka-make up at naka-evening dress. Mukhang may dadaluhan itong event o ano. Hindi niya noon kilala ito kaya akala niya ay tatarayan siya ng bonggang-bongga hanggang sa tinanong siya nito, "Ikaw ba si Glutilda? Glutilda Castillo? The only niece of Iggy?"

Takang napatango siya nun at walang anu-ano'ysaka hinigit siya ng babae papasok ng kotse.

Next thing she knew, she found herself attending an elite party. Sa isang iglap ay bigla na lang siyang pinalibutan ng magaganda at mga guwapong nilalang. Meron nga siyang mga kilalang celebrities at mga pulitiko na naroon. Bigatin ang babaeng kumidnap sa kanya at hindi basta-basta.

Paano kaya nito nagustuhan ang kanyang uncle? Eh madami naman itong nakakasalamuhang prominenteng tao sa social circle nito. Hindi naman sa minamaliit niya ang uncle niya pero kasi hindi naman sila kayamanan. Tapos ang uncle niya sa empleyado lang sa isang hotel. Kumbaga wala pa itong sinabi. Iyon ay sa tingin lamang niya. Ano bang alam niya?

Nagplano siyang tumakas ng gabing iyon kasi hindi naman niya gusto ang mga ganoong sosyalan. Saka tinadtad na siya ng text ng kanyang mga uncle na umuwi na daw siya. Ang kaso hindi siya tinantanan ng babae tungkol sa kanyang Uncle Iggy.

Nang makauwi na siya? Ayon. Naabutan niyang sinesermunan ng kanyang mga uncle ang Uncle Iggy niya.

"Uncle," pumasok si Gluta sa kuwarto at nadatnan niyang nakatanaw ang Uncle Iggy niya sa may bintana. Hindi pa siguro ito makatulog.  Mukhang malalim ang iniisip nito.

Apat sila sa iisang kuwartong iyon. Malaki kasi iyon kumpara sa ibang dalawang kuwarto ng bahay na iyon. Siya, ito, ang Uncle Ullysis, at Uncle Aaron ang gumagamit nito.

Kapwa tulog na ang dalawa. Sila na lang itong gising.

"Bakit?" sulyap sa kanya.

Lumapit siya rito. "Ayos lang po ba kayo?" tanong niya at tumango naman ito. Alam niyang ito'y nagsisinungaling. "Ang saya! Magkakaroon na ako ng pamangkin! Ano kaya? Magiging babae kaya o lalaki?"

Walang ngiti o reaksyon na nakita si Gluta sa uncle niya. Malayo sa napapanood niya sa mga palabas na hindi mapaglagyan ng tuwa ang isang magiging tatay. Wala pa talagang balak itong magseryoso.

"Uncle, may mahal ka na bang iba?" kuwan ay tanong niya.

Hindi ito nagsalita.

"Iyong totoong mahal, uncle, ha" pagtatama niya. "Iyong kaya mong talikuran lahat para lamang sa taong iyon. Iyong kahit sa kabilang buhay siya pa rin ang gugustuhin mong makasama."

GLUTA AND THE SEVEN UNCLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon