[7]

91 0 0
                                    


02/12/16

Chapter 7:

UNWANTED HELP

All throughout the class, Gluta didn't listen to her teacher on front. Literally NOT listening. Hindi iyong karaniwang nakikinig siya pero wala nga lang pumapasok sa kanyang utak. Ngayon hindi talaga. Nasa ibang bagay umiikot ang isip niya.

Ang uncle niya kasi! Kung makapanghusga...si Francis may gusto daw sa kanya?!

For the fifth time since that morning, Gluta took a glance (with a grim) at Francis who was all attention to the book at his desk.

Imposible, she shook a head. Walang gusto sa kanya si Yabang. Through their highschool years, never had she hinted that Francis could like her or would like her with all the mean words she'd received and still receiving.

Ibinalik niya ang tingin sa kanyang libro subalit agad din iyong nawala roon nang sulyapan niya ulit sa huling pagkakataon ang binata. Nakakaloka talaga, she protested in her thoughts.

Just as she gave the ridicule up, her teacher called a name.

It was none other than her.

Nag-angat siya ng mukha. "Po?"

"You're not listening, Castillo," walang anu-ano'y sabi ng kanyang guro.

"Po?" ang tanging nasabi lang niya.

"I said, you're not paying attention," ulit naman nito.

Napamaang siya't nilibot ng tingin ang buong classroom kung saan sa kanya na nakatuon ang mga mata ng lahat ng kanyang mga kaklase--except for Francis na nasa libro pa rin ang mga mata.

Pagpapatuloy ng kanyang guro, "Akala mo siguro hindi ko napapansin, Castillo, but instead of working with your book you've been ocassionaly looking at Hernandez."

With that, her lips instantly formed into O.

Nagsimulang magkantiyawan ang mga lalaki niyang kaklase, ang ibang sutil tumawa pa.

Her neck started to heat up from embarassment. Hindi talaga siya nag-iisip. Makailang ulit ba naman niya ninanakawan ng tingin si Yabang siyempre mapapansin iyon ng kanilang guro. Buti na lang sana kung iyong teacher nila sa Physics ang nandoon sa harapan, paniguradong ligtas pa siya dahil social media ang inaatupag nun kapag may ginagawa silang seatwork.

Di pa naawat ang kanyang mga kaklase sa ingay ng mga ito at parang gusto na niyang umuwi ng wala sa oras kahit first period pa lang iyon ng klase.

"Class, quiet!" suway ng kanilang guro. Tiningnan siya nito ulit. "Castillo, gusto mo bang magpaliwanag?"

Hindi siya nakasagot sa sobrang ilang at sa pag-iiba ng temperatura sa kanyang paligid. Gusto niyang uminom ng soda na may maraming yelo.

"Maam, di na po ata matiis ni Glutilda ang taglay na karisma ni Francis," sabat ng kanyang kaklase na siyang palaging pasimuno ng kalokohan sa room nila.

Tawanan naman ulit ang mga kaklase niya na animo'y isang comedy show ang nagaganap sa oras na iyon.

Tsk. Gluta looked on her lap, hiding her face with her unkept hair. Kainis.

"Mr. Galang, please," suway ng kanilang guro sa alaskador niyang kaklase. "Don't answer when your opinion is not asked."

"Sorry, maam," ngiti lang nito.

"Okay, class," sabi ng guro nang hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili, "back to your books. Supposedly, that should be your assignment. Pero dahil hindi ko nasabi sa inyo kahapon, after reading the whole selection, you can proceed answering the questions right away, if not, do it at home. Clear?"

GLUTA AND THE SEVEN UNCLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon