01/08/16
Chapter 6:
NOT AGAIN
Kay Gluta na nga napunta ang mga gawain binubwisit pa siya ng mga di magagandang biro ng kanyang dalawang uncle. She knew they didn't mean to ruin her day, but unintentionally or not they still did. Alam naman niyang concern lang ang kanyang mga tito pero kapag si Francis na talaga ang nakahain bumabaliktad na agad ang bituka niya.
Francis could still piss her even in their house, totally poisoning her; Gluta couldn't fathom that.
Sana lang ay di na ulit mabanggit pa ang pangalan nito sa bahay nila. Baka kasi sa sobrang hangin ni Yabang ay pati tirahan nila tangayin mula sa kanya.
Inuna na lamang niya ang kuwarto ng kanyang Uncle Steven at Uncle Aaron. Iyon kasi ang may pinakakunting kalat na madali naman niyang matatapos. Estima niya walang pang kinse minutos ay gawa na niya ito.
Gising na ang Ucle Steven niya nang pumasok siya roon. Nagkakape ito at nagbabasa ng diyaryo. "Oh Gluta," sabi nito pagkabukas niya ng pinto, "nag-almusal ka na?"
"Opo, uncle." Dumiretso siya sa higaan nito't pinalitan ng punda ang mga unan.
Maaga siyang nagising nun para maghanda ng almusal at nang makapagsimula siya sa mga toka niya at toka ng kanyang dalawang uncle. Sinangag niya iyong natirang kanin kagabi saka gumawa ng omelette pamares nito.
"Kayo po, uncle, ba't nagkakape lang po kayo?" tanong niya. "Gusto niyo po bang igawa ko kayo ng sandwich?"
"Ako na lang, kuya, gagawa," singit ng Uncle Aaron niya na kababangon lang at mukhang nagising sa kanilang ingay. Humikab ito, "Good morning, kuya. Good morning, Gluta."
"Morning, uncle," bati niya, "may bible reading po kayo ngayon?"
"Mamaya pa," sabi nito.
Bibilisan niya ang paglilinis para makasama siya rito. Isang beses na kasi siya nitong isinama at nang naroon siya't nakinig tungkol kay Hesus nabuhayan siya ng loob at natuto tungkol sa kung ano ang dapat na pakikitungo niya sa kanyang sarili at sa ibang tao. Doon niya naisip na hindi na lang dapat niya pansinin ang panliliit sa kanya ni Francis dahil kung ano ang sinabi nito sa kanya ay naglalarawan sa kung ano ito at hindi sa kung ano siya. Bukod dun gumagaan din ang pakiramdam niya. Nawawala ang kanyang mga alalahanin.
"Uncle," sabi niya sa kanyang Uncle Aaron, "pwede bang ako rin igawa mo ng sandwich?"
"Oo naman," sagot nito at saka sila iniwan roon.
Nang ginawa niya ang higaan ng kanyang Uncle Aaron ay nakaramdam na siya ng kunting pagod. Medyo masakit na ang kanyang balikat. Kung gaano kasi kalakas ang mga binti niya ay siya namang hina ng kanyang mga balikat at braso. Her shoulder's endurance were nothing compared to her legs.
Huminto muna siya sandali saka ipinahinga ang mga braso.
Pinanood niya ang Uncle sa pagbabasa nito. Lahat ng diyaryo sa isang linggo ay isang bagsakan nitong binabasa pagdating ng linggo. Kapag working days kasi ay maagang-maaga itong umaalis para hindi maipit sa traffic.
Kumuha ulit ito ng bago at napaisip siya. Bakit siya hindi palabasa? Bakit lahat ng kanyang uncle ang sipag-sipag magbasa siya hindi?
"Uncle," tawag niya, "gusto mong masahe?"
"Wala ka na bang gagawin?"
"Hmmn, meron," sabi niya, "kaso break muna."
"Bahala ka," sagot nito.
Minasahe niya ang sentido nito para hindi sumakit ang ulo sa ginagawa kahit alam naman niyang hindi iyon mangyayari. Siya lang kasi ang parang sasakit ang bungo kapag nagbabasa. Ganun katamad ang kanyang utak. Kahit pa siguro bote-bote ng bitamina para sa utak ang kanyang maubos walang magbabago.
BINABASA MO ANG
GLUTA AND THE SEVEN UNCLES
Roman pour AdolescentsGluta with her seven handsome uncles as her parents.