PROLOGUE

570 1 0
                                    

08/08/15

P R O L O G U E

Ang buhay ni Gluta ay parang fairytale...

Kung bakit? Bakit nga ba?

Ang kanyang Uncle Ullysis lang ang parating nagsasabi sa kanya ng bagay na iyon. Kapag tinatanong niya hindi naman siya nito sinasagot. Isa iyong misteryo na tumatak na sa kanya sa murang isip pa lamang. Dahil ba sa maganda siya at kasing puti ng nyebe ang kanyang balat?

Ang tingin naman niya, sinasabi lang nito iyon kasi naniniwala ito sa mga kuwento sa libro, sa mga fairytales, gaya ng paniniwala nitong may ipapadala ang mga diwata sa langit na isang fairy godmother na gagawin itong babae para malayang umibig sa pinapangarap nitong lalaki.

Ayon naman sa Uncle Matthew niya isa daw siyang diyamante sa buhanginan. Madalas libro ang hawak nitong uncle niya o di kaya'y bolpen at nagsusulat. Maybe it was a line from a book he read.  Mas tamang tawagin na library sa dami ng libro at mga kung ano-anong papel ang kuwarto nito. Kaya ayaw niyang naliligaw doon, parang mahihilo siya at aantukin. Haay. Kung pinamanahan man lang sana  kasi siya ng mga ito ng kunting katalinuhan, siguro ay mangunguna sa klase at hindi ang mayabang niyang katabi sa classroom. Bakit kasi kailangan top one ang naging seatmate niya tapos siya naman ang pinakakulelat? Nakakapanliit kaya iyon!

Saksakan ng talino pero hindi tamad na turuan ang isang slow learner na kagaya niya?  Yan ang kanyang Uncle Nate, hindi lang uncle kundi teacher din. Ang astig no?  Kahit ilang beses na siyang sumuko sa tuwing magtu-tutor ito hindi pa rin ito mawalan ng pag-asa. Palagi itong nangunguna sa klase at sa kahit anong exam. Sigurado siyang magtatagumpay ito sa buhay kaya naman ngayon pa lang sumisipsip na siya sa kanyang Uncle Nate. Paano ba naman kasi. Sabi ng mga kaklase niya wala daw siyang mararating. Sabi naman niya: di bale na may Uncle Nate naman ako!

Drink moderately daw. Pero sa Uncle Roland niya mas tumpak na drink everyday. Araw-araw, gabi-gabi, alak ang hawak nito. Simula kasi nang hiwalayan ito ng mala-Anne Curtis sa ganda na girlfriend ay nagpakalunod na ito sa pansamantalang tulong ng alak. Payo ng Uncle Ullysis niya may babaeng nakalaan at mas magmamahal dito pero katwiran naman ng Uncle Ronald niya hangga't hindi pa dumadating ang babaeng iyon eh sa alak muna nito itutuon ang paghihintay. Lahat sila naaapektuhan sa pagiging lasenggo nito. Minsan pa nga silang naputulan ng kuryente dahil sa ginastos nito sa beer ang pambayad nila sa Meralco.

Sa lahat naman ng tiyuhin ni Gluta si Uncle Steven ata ang ibang salita ng 'bawal'. Ang daming hindi puwede rito na akala mo'y isang hukom sa kanilang bahay. Di puwedeng magsayang ng kanin. Kailangan walang matitira ni isang butil sa plato bago dalhin sa lababo. Di puwedeng may ilaw na nakabukas pa kapag alas diyes na ng gabi. Di rin puwedeng tatamad-tamad, kailangang makapaglaba sa araw ng paglalaba mo dahil may susunod na gagamit ng mga hanger at limitado ang espasyo ng sampayan. Kay Gluta? Di puwedeng abutan ng gabi sa labas ng walang paalam at hanggat di nakakatapos bawal lumablayf. Hoosh.

Pagdating naman sa mga babae, matinik ang kanyang Uncle Iggy. Hari kasi ng pambobola at may pagkakomedyante kaya madaling napapalambot ang puso ng mga babae. Liban dun super guwapo rin nito, hunk ang mga datingan. Eto na ata ang present version ni Eros. Pati tuloy si Gluta nililigawan ng mga nagkakagusto rito.

At siyempre hindi magpapahuli sa mga ito ang super-duper-uber bait niyang uncle. Walang iba kundi ang kanyang Uncle Aaron! Amen. Ito iyong tipo ng tao na sa sobrang bait eh akala mo nanggaling sa bibliya o kaya'y anghel na nagmula sa kaharian ng Diyos (parang si Nathaniel ng channel 2). Sa pagkamatuwid nito kaya nitong pantayan ang mangilangilan na ginagawaran ng pagkasanto. Dahil sa kanyang Uncle Aaron nagagawa niyang pahabain pa lalo ang pagpapasensya niya sa kaklase niyang matalino nga mayabang naman.

May nakalimutan pa ba ako? Ay siyempre! Ako nga pala si Glutilda Grazilda Castillo, tinatawag sa pangalang Gluta. Ulila sa ina simula pa nang kapanganakan ko. Walang ama dahil gago siya para pabayaan ang ina ko. Walang kapatid, makungkot, pero ayos lang may pitong uncle naman ako na nagpalaki sa akin! Yehey!

Snow White and the Seven Dwarfs? Mas masaya kuwento ko kumpara dun. Ako kaya si Gluta, ang nag-iisang prinsesa ng pitong Castillo brothers!

GLUTA AND THE SEVEN UNCLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon