A/N : Picture po ng mga GDG. PaVOTE po. Thank you po :)))
Dedicate ko po to kay ate Alyloony :) IDOL ko po kasi sya sa pag gawa ng story. Sana po magustuhan nyo po itong story ko :DDDD
===========================================================
Christian POV
Nandito na ako sa room. Kaingay na naman nila. Wala pa kasi yung teacher namin. Katagal naman kasi nung matanda na yun.
"Sino kaya yung hot chicks daw na nagtransfer dito??" tanong ni Daniel. Oo nga pala, kumakalat daw dito sa school na may transfer daw. And super hot daw. Mapapalitan na nga daw yung campus princess namin eh.
"Tumahimik nga kayo!!!" sigaw naman ni Candice. Kanina pa sya nagagalit dyan. Sabi pa nga nya never daw matatalbugan yung ganda nya ninuman. Sya lang DAW ang pinakamaganda.
Napailing na lang kami ng mga GDG. Natatawa kasi kami kay Candice, super inis na talaga nya. Yung tipong naging kamatis na yung mukha nya sa sobrang pula.
"Woah!! Classmate natin yung chicks guys!!" sigaw nung isang kong classmate na lalaki. Mga chickboy kasi tong mga classmate ko eh. Dinaig pa kami.
"Really!?Ang lucky naman natin" sabi naman nung girl. Angelica yung pangalan nya. Sya yung dating kaibigan nung nerd kaya lang nung nawala yung nerd. Nag iba na sya kaya hindi na sya yung naging campus princess namin. Kaya ang pumalit sa kanya ay si Candice. Panget naman nun -_______-
"Good Morning class" sabi nung teacher namin nakakapasok lang. Kaya bigla kaming natahimik.
"Good morning ma'am" sabi namin.
"Siguro nabalitaan nyo na classmate nyo ang bagong transfer dito?" tanung ni ma'am samin. Obvious ba? Malamang. Kalat na nga eh
"YEEEEAAAAAHH !!!" sabi naman nung mga classmate ko. TSK....kaadik naman ng mga to.
"Well. Magpapakilala na sya sa inyo ngayon" sabi nung ma'am namin kaya mas lalong umingay sa room namin. Ang eardrums ko! Basag na! Argh
Nathalie POV
Narinig ko naman yung hiyawan sa loob ng room. Hindi muna ako papasok agad agad, syempre dapat engrande ang entrance ko no. Hahahaha, ang dami na agad nahumaling sa aking taglay na kagandahan.
"Pasok ka na" sabi nung ma'am ko. Hindi pala nila alam na ako yung may ari nung school. And YES! You heard it right. Nakapangalan na sakin itong school KO. Pero si mommy pa rin yung nag aasikaso ng lahat, at nag de-decide, minsan naman nag susuggest ako sa kanya.
Pumasok na ako sa room namin. Ganito ang mga itsura nila oh o.O
Tsk. Alam kong maganda ako, wag nyo nang titigan. Nakita ko naman si bessie, sinusuri nya ako ng mabuti. Hindi pa nya siguro ako makilala. And then tumingin naman ako kay Candice, super pula na nya sa inis. Hahahaha, takot siguro makuha ko yung trono nya.
Sayang naman si bessie, nawala yung trono nya. I'll make sure na mababalik yun sa kanya. I promise.
"Introduce yourself" sabi sakin ni ma'am. Bigla naman nanahimik lahat.
"Before I introduce myself. I would like to say na namiss ko talaga tong school na to" sabi ko naman sabay ngiti.
Christian POV
BINABASA MO ANG
The Come Back Of The Awaken Demon(Phoenix Princess)
ActionI AM TRULY SORRY EVERYONE - Author