Chapter 13-"Mcdo" (Edited)

23.2K 460 17
                                    

Nathalie POV

*Tok* *tok*

"Ugh!! COME IN!" kay aga aga! Katok ng katok.

"Ma'am. Hi-hinihintay na po kayo ni madam sa kusina. B-breakfast n-na d-daw po" sabi nung katulong. D*mn, hindi ba nila kaya na sila na lang yung kumain? Lagi na lang dapat ako kasama.

"pagkabilang ko ng tatlo dapat wala na kayo dito " cold kong sabi sa kanila. Kasing bilis naman ng ahas sila nagsitakbuhan. Istorbo, ngayon na nga lang yung araw ng pahinga ko dahil dyan sa mga lintek na project na yan.

Matutulog na lang ulit ako.

<.<

>.>

^.^

Ugh! I can't sleep anymore! D*mn it to hell.

Tumayo na lang ako sa kama ko. Ginawa ko na lang and morning routine ko..

*ligo*

*bihis*

*ayos*

*tok* *tok*

"Pasok"

"Young lady? Kakain na po ba kayo?" tanong sakin nung maid na pumasok sa kwarto ko.

"Oo! Ang kulit nyo! Bababa na ako!" sigaw ko dun sa maid. Pagkatapos nun tumakbo na lang palabas yun maid.


***********************************************

*kusina*

"Morning ma, morning pa" sabi ko sa kanila nung makita ko na sila sa kusina.

"Nak? Ano naman g-ginawa mo dun sa katulong natina?" Tanong sakin ni mommy. Pansin ko lang ha. Bakit mukhang kinakabahan sila lagi ni daddy this past few days. May problema ba sila??

"Wala lang. Ma? May problema ba kayo?" tanong ko sa kanila. Pero nag iwas lang sila ng tingin

"Ma! Pa? Ano ba, kausapin nyo nga ako" sabi ko sa kanila pero bigla na lang iniba ni daddy yung topic namin.

"Nak. Ayan oh bacon, pinaluto talaga namin yan para sayo" sabi ni dad. Nung tumingin naman ako kay mommy nag nod lang sya tapos ngumiti pero halata naman sa ngiti nya na peke lang to.

"Okay" hindi ko na sila pipilitin. Kung ayaw nila sabihin, edi wag. Sinasayang ko lang oras ko sa walang kwentang bagay.

***************************************************

"Akyat na po ako" sabi ko sa kanila nung natapos ko na yung pagkain ko.

"Uhhmm. A-anak?" Sabi ni mommy tapos tinignan ko lang sila. Pero may kakaiba kay mom, nakita ko na may hawak syang red na papel tapos nanininig yung kamay nya.

"May sasabihin ba talaga kayo? Marami pa ako gagawin" sabi ko sa kanila tapos umalis na ako and dumiretso na ako sa kwarto ko.

*****************************************************

*criing* *criing*

"Hello?" Sagot ko dun tumatawag sakin

"Hey. I'm so bored right now" rinig kong sabi ni Angelica sakin sa kabilang linya.

The Come Back Of The Awaken Demon(Phoenix Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon