Chapter 2

1.2K 16 6
                                    

SUMMER ZOEY SAAVEDRA -------->>>>>>>

SUMMER'S POV:

*Play song:THE ONE THAT GOT AWAY*

Aish!Sakto naman oh?!Tamang tama yung kanta dito sa sinasakyan kong taxi.Naalala ko nanaman si Kiel,siya kasi ang the one who got away ko eh!Kawawa lang?Tch.Honestly,until now...leaving Ezekiel was my biggest regret I've done in my life.Ang drama lang?

"Miss,sa may Taft nalang po tayo dumaan ha.Traffic po dito eh!"nasira ang pagmumuni muni ko dahil kay manong driver.

"Bahala ka manong..Kung san ka masaya."bored na sabi ko,panira kasi ng moment.

Napakamot nalang siya ng ulo,malamang naweirdohan sa sagot ko.Tch.Like I care,siya may hawak ng manibela ako tatanungin?

Umidlip muna ako saglit,papunta kasi ako sa boutique namin ng bestfriend ko eh.Oo,kahit papano successful na naman ako.Kauuwi ko lang last year galing France dun ako nagaral ng fashion designing at nagkaroon ako ng dalawang bestfriends dun,sina Megan at Kier.Lintek ang pangalan ng isa kong bestfriend noh?!Kulang nalang ng L...magiging Kiel na!Ang awkward nga kung minsan eh!Kaso mga walanghiyang yun!Di man lang ako sinamahan nung umuwi ako dito sa Pinas?!Tch.Kung sabagay,uuwi narin naman sila dito sa isang araw eh!Edi masaya.

"Nyeta!Traffic din pala dito?!"nagising ako sa reklamo ni manong driver,dito niya pa ako dinaan eh traffic din naman!Tumatakbo metro oh!

"Tsst..Sige na manong!Lalakarin ko nalang!"sabay abot ng 500 peso bill dun sa driver,hindi ko hinintay ang sukli at bumaba na.

"Damn it!Mageemail pa ako ng designs ko eh!"inis na reklamo ko habang nagmamadaling naglalakad.

Patawid na sana ako nang biglang........

*Engggkkk!!!*

"Ay tekla butiking bakla!!"bulalas ko sa sobrang gulat naglalaglagan pa mga gamit ko.

"Hoy!Leche ka ha!Papatayin mo ba ko?!"inis na reklamo ko habang pinupulot ang mga gamit ko.

Aba't hayop na to!Walang balak bumaba para kamustahin ang nabangga niya?!Walang puso!

Sa sobrang inis ko ay lumapit ako sa may gilid ng kotse niya at kinakalampag ang bintana niya.

"Walangya ka!Anong tingin mo ha?!Ikaw may ari ng daan?!Lecheng to!Lumabas ka diyan hoy!"galit na sabi ko habang kinakatok ang bintana niya.

Imbis na bumaba siya ay pinaharurot lang niya ang kotse niya,di man lang ako pinansin.Linchak!Palibhasa luxury car yung gamit niya akala mo siya na ang hari ng daan!

Imbyerna akong pumasok sa boutique namin at agad akong sinalubong ng mga empleyado ng boutique pati yung secretary ko.

EX-BOYFRIEND'S REVENGE [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon