SUMMER'S POV:
FLASHBACK(4years ago... )
"Zoey..I'm getting married.."
"Zoey..I'm getting married.."
Paulit ulit ang mga salitang yan sa isip ko.Pakiramdam ko namanhid akong bigla sa lamig na nararamdaman ko dahil basa narin ako ng ulan.
Napapikit ako at pumilit paring magsalita kahit hirap nako,pinipigil ko kasing umiyak.
Marahas kong hinigit pabalik ang kamay ko at humarap sakanya.
Ngumiti ako ng sarkastiko.
"Ano naman ngayon ha?Ano sa tingin mo pipigilan kita?Tch.."I rolled my eyes."Buti nga yun eh!Matatali kana.Hindi mo na ako magugulo pa."sarcastic na sabi ko.Sa totoo lang.. parang unti unti naring nadudurog ang puso ko,pinipilit ko lang maging matapang pero gusto kong yakapin ngayon si Ezekiel at sabihing..'Hindi..Akin ka lang..Akin lang..Wag mong ituloy..Mahal kita.'..
Tumawa ng walang humor si Ezekiel,halatang nasasaktan siyang talaga sa mga ginagawa at sinasabi ko.Nakikita ko naman na lumuluha siya kahit pa pareho kaming nababasa ng malakas na ulan.
"Yan ba talaga ang gusto mo,Zoey?Talaga bang gusto mo nang mawala ko sa buhay mo?Wala ba talaga kong halaga sayo."punong puno ng sakit na pagkakasabi niya.
I cleared my throat...
"Oo..Gusto ko nang makawala sayo.Kaya pwede ba?!Tapusin nalang natin to?!Hindi mo dapat ako minahal!Hindi dapat kasi niloko lang kita!"please...hindi ko na kayang makitang nasasaktan ka.Mas kakayanin ko kung ako lang.Tama na to.
Pinipigil niya talaga ang pagiyak.Alam kong,ayaw niya ng ganon..para kasi sakanya nakakabading daw tignan.Pero ngayon...nakikita kong umiiyak siya sa unang pagkakataon?Alam ko..Alam ko kung gaano kasakit sakanya ang lahat ng ito.
Tumingin siya sakin.Kita ko sa mga mata niya ang lungkot.Sobrang pagkalungkot.Hindi ko siya kayang tignan..kaya umiwas nalang ako ng tingin.
Mula sa peripheral vision ay nakita kong napaluhod siya sa harap ko.Agad akong napapikit,alam ko na kasi ang gagawin niya.
Bigla niya kong niyakap,bale sa may bewang ko siya nakayakap kasi nakaluhod siya sa harap ko.
"Zoey...alam ko na,hindi mo talaga ako mahal.Hindi mo rin ako matututunang mahalin.Kaya hayaan mong ako nalang..Zoey,kahit ako nalang...ako nalang ang magmahal sayo.Zoey,hindi ko kayang magpakasal sa iba.Kasi ikaw lang ang mahal ko...kapag ginawa ko yun,parang namatay narin ako.Zoey please...wag mo nalang akong iwan.."pagmamakaawa niya habang umiiyak na nakayakap sakin.
"T-Tumayo ka.."inalalayan ko siyang makatayo,at doon..nagsimula narin akong maluha..pero hindi halata dahil nababasa naman ako ng ulan.
"Zoey....please.."he's pleading while holding my hand.

BINABASA MO ANG
EX-BOYFRIEND'S REVENGE [Under Editing]
RomantizmMinsan na nga lang makahanap ng ideal guy pinakawalan pa... Pero paano kung sa pagbalik niya ay may iba na siya? Edi ngayon naglalaway ka? Pero paano kung siya pala ang BOYFRIEND ng BESTFRIEND mo? Masasaktan ka kaya? Lalo na kung iparamdam niya sayo...