Chapter 14.2

958 14 3
                                    

SUMMER'S POV:

Mmmm..

Ang sarap ng simoy ng hangin...

Amoy na amoy ang tubig dagat..

Nakakarinig din ako ng hampas ng alon....

Para kong nasa probinsya..

Napakapeaceful naman dito..

"BESTIIIIEEE!!!"narinig kong may sumigaw.

Sabi ko nga peaceful..=___=

Agad akong napapitlag at instant nawala ang antok ko.

Sunog?!Waaah!May sunog ba?!Magnanakaw?!Kyaaahh!!

*BLAAG!*

"Aray!"daing ko sabay hawak sa ulunan ko.Nauntog ako dun sa may bubong nung van sa sobrang taranta ko.

Nananiginip lang pala ko.Teka?!Anong ginagawa ko rito?!

"Bestie!Buti naman at gising kana!Balak kana namin sanang iwan dito sa kotse e!"masayang bungad sakin ni Megs sabay kapit sa braso ko.

"Anong ginagawa ko dito?!Bat dito ko natulog?"tanong ko habang hawak parin ang ulo ko.Leche.Nahilo yata ako ha!?

Bumungisngis naman siya kaya lalo kong kinabahan.Alam ko ang mga ganyang pagmumuka ni Megan,alam kong may kawalanghiyaang nagawa yan kapag gumaganyan!>°

"Eh kasi...bestie,kinikidnap ka."hindi makatingin ng diretso sakin si Megs at halata kong may kalokohan nga siya.

Tumingin muna ko sa labas ng kotse.At leche!Di ako nanaginip!Nasa beach nga kami!!??

Anong lugar to?!

Malamang beach.Adik ko e!

"What?!Stop that,Megan Louise!I'm asking you!Where the hell are we?!!"iritadong sabi ko.

Napakagat sa lower lip si Megs at mukang naguilty naman.

"You're here in the one and only paradise!!"narinig kong may maarteng nagsalita-Si Cherra.-__-

Teka?!Bakit kasama namin siya?

"Hoy bading!Anong ginagawa namin dito!?Aalis na kami!"bumaba nako sa kotse.

"Eee..Bestie naman e!Dito muna tayo!"parang batang nangungulit si Megs sakin hinihila pa yung braso ko.

"Lintek Megs!?Pano mo ba ko nakaladkad dito?!"iritadong sabi ko.

"Eh kasi nga!"parang batang nagpapadyak pa siya.

"Ano?!!"medyo tumaas na ang boses ko.

Bago pa makasagot si Megan ay inunahan na siya ni Cherra.

"Aish!Nagkaamnesia ka ba?!Nakalog ba utak mo sa biyahe?Ay gurabee!!Binuhat ka ng boylet mo!"sarcastic na sabi niya.

Napakunot noo naman ako.

"Ano?!Boylet?Teka nga!Binuhat ako?!Bakit di man lang ako nagising?!Baka mamaya pinagdrugs niyo ko ha!"binatang ko.

"Naku bestie hinde!"sabi naman ni Megs.

"Naku teh!No need.Dahil kahit halayin kapa siguro sa pagtulog mo di ka magigising sa sobrang tulog mantika ka!Imbyerna ang beauty ko sayo ateng!"kunwari pa ay nakukunsumi sakin si Cherra pinapampampay pa niya yung kamay niya.

(___ ___)""

Oo nga..Tulog mantika ako.Di ako madaling magising kahit siguro buhusan pa ako ng tubig.Haaisst...Abnormal nga siguro talaga ako?Di kaya?

Naramdaman kong kinakalabit ako ni Megs kaya napatingin ako sakanya.

"Bestie...alam ko kasing di ka papayag kaya pinakidnap na kita."ngumiti siya at nagpeace sign sakin.Nako!Pacute pa!Effective naman.=_=

EX-BOYFRIEND'S REVENGE [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon