Chapter Nine

79 3 0
                                    

JAZZMIN'S POV

"Tig-isa tayo..." sabi ni Khloe at inabutan siya ng donut, nasa canteen sila para mag-recess. Tinanggap naman niya iyon pagkatapos magpasalamat. Sabay nilang tinungo ang isa sa mga nalililimang cemented benches sa quadrangle na kung tawagin nila ay batibot.

"Uuwi ka na ba agad mamaya after school?" tanong ni Khloe sa kanya.

Nagkibit-balikat siya, "It depends, baka mamasyal kami sandali ni Raiden..." tugon niya at nilingon ito. "Pupuntahan mo ba ulit si Ocean?" Maysakit kasi ang ang bestfriend nito at ilang araw ng absent.

"Oo, alam mo naman yun. Hindi iinom ng gamot hangga't di ko pinipilit..."

Napatango siya, "Khloe, bakit hindi na lang maging kayo ni Ocean?"

Nanlaki ang mata nito at nilingon siya, "Ano ba naman 'yang tanong mo? We're just friends, Jazz. Narinig mo ang sinabi niya noon, magkaibigan lang kami. Period."

"Oo, at alam ko rin na nasaktan ka sa sinabi niya. At 'wag mo ng i-deny, babae rin ako. You love him," giit niya.

Umiwas ito ng tingin sa kanya, "Ano naman kung mahal ko siya? It wouldn't change a thing, Jazz..."

"Why don't you tell him? Who knows, he might feel the same way towards you at naghihintayan lang kayo..."

Umiling ito, "Nah, I don't think so. He has Lizelle now, at mukhang seryoso na siya. You can see the changes in him..." Khloe said and smiled sadly. "Ayokong kaawaan niya ako kaya pilit kong inililihim ang totoo. So don't tell him anything, okay? Kuntento na ko sa ganito. Atleast sa pagiging bestfriend niya ay wala akong kaagaw..."

Bumuntong-hininga siya, "Wala na akong masabi..." nanghihinayang na wika niya at tinitigan ang kaibigan. "You're beautiful, you know. Mas maganda kang higit kesa sa Lizelle na yun..."

Natawa ito sa sinabi niya, "Wow, ha? Coming from the campus queen herself, I feel honoured..." Khloe joked. "Thanks anyway, kaibigan nga kita. Itinataas mo ang moral ko... "

Natawa na rin siya at napalingon sa bandang kaliwa nila. Nakarinig kasi sila ng nagtitilian, may pinagkakaguluhan na naman ang mga kababaihan.

"Hindi mo rin masisisi ang mga babaeng 'yan, gwapo talaga si Raiden at mabait despite his badboy image..." sabi ni Khloe habang pinapanuod nila ang komosyon. Tila artista kung pagkaguluhan ito. Buti na lang at absent si Ocean, kundi ay lalong mas maingay at magulo.

Ngumiti siya, "You're right, marami ang nagtataka kung bakit sinagot ko ang panliligaw niya noon. Even my other friends are against it, hindi raw kami bagay dahil sa social status. Mayaman daw ako at mahirap lang siya. Ang pangit pa daw ng image ni Raiden. But who cares? Alam kong mahal ako ni Raiden..." she said and looked at Khloe.

"Hindi lang nila alam, Raiden's the sweetest guy ever. At wala akong pagsisisi na minahal ko siya..." dugtong niya at tinitigan ang papalapit na anyo ng kasintahan. Nakangiti ito sa kanya.

Nang makalapit si Raiden ay agad nitong ginagap ang kamay niya at yumuko para dampian ng halik ang noo niya. "Hey, beautiful..." sabi pa nito na lalong ikinainggit ng mga nakakita.

Khloe rolled her eyes and smiled to them both, "Show off..." pabirong bulong nito.

She laughed and winked at her, "Inggit ka lang..." she mouthed.

****

"Huh? Di tayo sabay uuwi ngayon?" nagtatakang tanong niya at nilingon ang nobyo.

"Oo, may lakad ako eh..."maikling sagot nito.

Lakad?

Nagatataka man ay tumango na lang siya, "E di ihahatid mo lang ako ngayon sa bahay?"

Umiling ito, "Hindi muna Jazzy, kailangan ko umalis agad after class. Ihahatid lang kita mamaya sa sundo mo. Tinawagan ko na kanina si Manong Roger, he'll fetch you later."

Lalong kumunot ang noo niya, simula nung maging sila ay never itong pumalya sa paghahatid sa kanya sa bahay after school. Gusto kasi nitong makasiguro na makakauwi siya ng ligtas. Mas gusto rin nito na inihahatid siya kasi mas mahaba pa ang oras nilang dalawa na magkasama.

"Saan ba yang lakad mo?" tanong na lang niya.

Umiwas ito ng tingin, "Basta... dyan lang..." magulong sagot nito at tumayo na. "Balik na ako sa classroom ha? Kita na lang tayo mamaya.." paalam nito bago yumuko at dinampian ng halik ang noo niya at umalis na.

Wala na siyang nagawa kundi mapabuntong-hininga na lang. Narinig naman iyon ni Khloe na seatmate niya.

"Ang lalim naman nun..." puna nito.

"Parang may kakaiba kasi kay Raiden... " nagaalalang sabi niya tska niya kinuwento ang pinagusapan nila ngayon lang.

Nang matapos siya magsalita ay tinapik siya nito sa balikat. "Wag ka naman paranoid, girl. Malay mo naman may lakad lang talaga siya... "

Nagkibit-balikat siya, "Ewan ko. Sana nga napaparanoid lang ako", sabi niya at unayos na ng upo dahil nakita niyang pumasok na ang teacher nila.

****

Hindi nawala ang pagaalala niya. Lumipas kasi ang tatlong linggo ay ganoon pa rin ang set up nila ni Raiden.

Nawawalan na ito ng oras sa kanya. At hanggang ngayon ay wala pa rin siyang idea kung ano ang pinagkakaabalahan nito.

Everyday after school ay hinahatid lang siya nito sa sasakyan na naghihintay sa kanya at pagkatapos ay nagmamadali ng aalis. Kung dati ay palagi sila magka-text, ngayon hindi na. Madalang na itobg magtext, pag siya naman ang nauna ay parang nagmamadali pa ito at maikli lang lagi ang reply sa kanya.

Katulad na lang ngayon, weekend na. Dapat ay magkasama silang magsimba at pagkatapos ay mamasyal pero heto siya at buong araw ng nakahiga sa kama.

Nakakainis na talaga!

Dinampot niya ang cp at tinignan kung may text na galing dito pero katulad kanina ay good morning lang ang natanggap niya.

Urgh! Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan niya?

Paano kung may iba na pala siya?

Natigilan siya sa iniisip. Posible kaya yun? Di kaya pinagpalit na siya ni Raiden sa iba?

Iniisip pa lang niya iyon ay naiiyak na siya. Huminga siya ng malalim.

No! Tiwala lang Jazzmin. Mahal ka niya, di niya yun gagawin sa'yo!

Pinilit niyabg kumbinsihin ang sarili niya pero nang hindi na niya makaya ay muli niyang kinuha ang cp at tinawagan si Khloe. Kelangan niya ng kausap.

Naka-ilang ring bago nito iyon sinagot. Mukhang busy pa ata dahil naririnig niya ang ingay sa background.

"Busy ka ba?" tanong niya

Hindi naman. Naglalaro lang kami ni Ocean ng PS4...

Buti pa si Khloe at Ocean laging magkasama.

"Ganun ba? Alam mo ba kung nasaan si Raiden?"

Hindi eh.. Hindi ba nagtetext sayo?

"Hindi eh. Pakitanong naman kay Ocean, baka alam niya... " pakiusap niya. Narinig naman niya na tinanong nito ang bestfriend.

She heard him say no kaya nanlumo siya.

Narinig mo? Sorry Jazz, hindi namin alam eh...

"Oo, sige okay lang. Thanks Khloe, sige baba ko na to..."

Don't worry Jazz. He loves you...

Mapakla siyang napangiti, "Sige na, babye... " sagot niya sabay patay ng tawag.

Napatulala siya sa kisame ng kwarto niya at hindi niya napigilan ang mapaluha. Ayaw niyang magduda pero wala siyang magawa, iyon talaga ang nararamdaman niya.

Hindi mo na ba ako mahal?



The Drummer- Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon