Chapter Thirty Eight

106 4 0
                                    

ATHENE'S POV

"Saan ka galing?"

Nagulat siya ng marinig ang boses ni Raiden. Napatingin siya sa relos. Ala- una ng tanghali pa lang pero umuwi na ito.

"Ang aga mo ah..." sabi niya at inilapag ang bag sa sofa. Lumapit siya dito para humalik sana dito pero iniwas nito ang mukha.

"Hindi ba kayo magkikita ni Ram ngayon? Or should I say, nagkita ba kayo ni Ram?" sarkastikong sabi nito.

Alam na ba nito?

Kinabahan siya. Halos marinig niya ang kabog ng dibdib niya.

No, baka hinuhuli lang niya ako.

"Ano ba ang sinasabi mo?" patay malisyang sabi niya at ngumiti dito.

Umiling ito at binato sa kanya ang isang brown envelope. Hindi niya iyon nasalo kaya tumapon ang laman nun sa carpet.

Pictures....

Lumuhod siya para tignan iyon at nanlaki ang mata niya ng makita ang mga litrato.

"Nagulat ka ba?" sabi ni Raiden at may ibinato muli sa kanya.

Agad niya iyong tinignan at lalong nanlaki ang mata niya.

"Sino nga ulit ang ama ng anak mo?" malamig na tanong nito.

Naginit ang paligid ng mga mata niya. Hindi siya makakibo. Natatakot siya sa nakikitang anyo ni Raiden.

"Tangina Athene 'wag mo akong iyakan!" sigaw nito at ibinato sa dingding ang vase na nakapatong sa lamesa.

Napahakbang siya paatras dahil sa takot.

"Sorry-"

"Sorry?!" putol ni Raiden sa sinasabi niya at napatayo. "Iyon lang ang masasabi mo pagkatapos mo akong lokohin?"

"Nagsinungaling lang naman ako kasi ayokong mawala ka sa akin..." umiiyak sa na sabi niya.

"Hindi pagmamahal yan Athene! Tangina ang lakas mo maka-gago!" sigaw ulit nito at sinuntok ang dingding.

"Hinayaan ko na mawala sa akin si Jazz dahil sa'yo tapos malalaman ko na niloloko mo lang ako! Fuck Athene! I was so guilty knowing I cheated on you pero ganoon din naman pala ang ginawa mo!"

Napahagulgol siya ng makitang umiiyak na rin si Raiden.

"It was just a mistake Raiden, hindi ko naman 'yun sinasadya... Alam kong nagkabalikan na kayo ni Jazz. I was so afraid to lose you. Naglasing ako. Nakita ko si Ram, then it happened..." paliwanag niya habang umiiyak.

"Please maniwala ka sa akin, hindi ko yun gusto..." sumamo niya.

Umiling si Raiden, "I am not stupid Athene. Ginusto mo man o hindi, you lied to me. Walang nangyari sa atin sa Batanes pa lang..." sabi nito at tinignan ang tiyan niya.

"I was willing to give up my happiness because you made me believe that the baby was mine... I was willing to fix our relationship sa kagustuhan kong bigyan ng maayos na pamilya ang anak natin... Tinalikuran ko yung babaeng mahal ko para sayo... Pero ito ang malalaman ko?" puno ng hinanakit na sabi nito.

"Everything was a lie Athene..." sabi nito at nilapitam siya.

"Tapos na tayo..."

Muling namuo ang mga luha niya at hinawakan ito sa braso.

"Don't leave me Raiden... Please? 'wag mo akong iwan..." sumamo niya.

Umiling ito at tinanggal ang kamay niya sa braso nito.

He walked passed her.

Nilingon niya ito, hindi siya papayag.

"San ka pupunta? Kay Jazzmin? Hindi kayo magiging masaya! I swear hindi kayo magiging masaya!" banta niya.

Muli itong lumingon sa kanya. Nagaapoy ang mga mata nito sa galit.

"I know what you did to Jazzmin and to my baby, Athene. If you as much try to hurt her again, subukan mong kantiin kahit dulo ng buhok niya. Ako mismo ang makakalaban mo" banta nito.

"Try it Athene, I swear I'll make you pay for it. I'll make your life a living hell..." dugtong nito at tuluyan na siyang iniwan.

Para siyang kandilang unti unting nauupos. Napaupo siya sa lapag at humagulgol ng iyak.

Hindi siya makapaniwalang sa ganito lang matatapos ang lahat.

It's over now.




****

Hindi na niya alam kung saan siya pupunta. She felt alone. Pakiramdam niya ay magisa na lang siya at wala ng tatanggap pa sa kanya.

With everything she'd done, she doubt it kung mapapatawad pa siya ng mga ito.

Lalo na ni Raiden.

Aminado siyang naging masama niya.

Pero ginawa niya iyon kasi mahal niya ito.

But her love for him hurt them both. Her love was selfish.

Pero ganun naman talaga ang nagmamahal di'ba?

Nagiging sakim ka kasi gusto mo sayo lang ang taong mahal mo. Ayaw mong mawala sila sayo.

Kaya sa kagustuhan mong huwag silang mawala, you lose sight of everything else. Makakagawa ka ng mga bagay na makakasakit ng iba.

Hanggang sa di mo namamalayan, kinakain ka na pala ng pagmamahal na iyon.

Your once pure love slowly turned into poison.

And before you know it, you end up losing everything.

Even yourself.

At iyon ang nangyari sa kanya.

She walked on further. Hindi na nga niya alam kung nasaan siya.

Ang natatandaan niya ay lumabas siya ng unit niya at naglakad ng naglakad. Madilim na ang langit pero wala siyang pakialam.

Pansin niyang maraming tumitingin sa kanya. Siguro dahil nakikita ng mga ito na umiiyak siya.

And she didn't care.

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ang kalsada. An idea crossed her mind.

Walang sabi sabi siyang tumawid. She can hear people shouting and screaming.

But she continued walking until she saw this blinding light. Tinitigan niya iyon hanggang sa binalot na siya ng kadiliman.

There.

Siguro ngayon ay mapapasaya na niya si Raiden.

She's gone.

Forever gone.



The Drummer- Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon