JAZZMIN'S POV
"Wow!" tuwang sabi niya habang namimitas ng mga wildflowers sa loob ng gubat. Nakangiti siyang nakatingin sa hawak na pumpon ng bulaklak ng maramdaman niya ang pagpatak ng tubig sa mukha niya.
Kunot-noo siyang napatingala, naguumpisa ng dumilim ang kalangitan at tila nagbabadya ng malakas na ulan.
Napagdesisyunan niyang bumalik na sa pinanggalingan dahil alam niyang delikado kapag inabutan siya ng dilim sa loob ng gubat. Umikot siya at nagumpisang taluntunin ang direksyon na pinanggalingan niya.
"Bakit parang ang tagal ko ng naglalakad?" tanong niya sa sarili at huminto.
Hindi naman siya gaanong lumayo kanina sa bukana ng gubat pero ngayon ay mahigit kinse minutos na ang dumaan ay hindi pa rin niya nararating ang bukana. Inilibot niya ang paningin, pare-pareho ang nakikita niya.
Paano kung nagkamali siya ng daan na tinahak pabalik? Paano kung papasok pala lalo sa gubat ang tinatahak niya ngayon?
Naguumpisa na siyang kabahan, madilim na sa kinaroroonan niya at ilang sandali na lang at wala na siyang makikita sa paligid niya. Basang-basa na rin siya ng ulan at unti-unti ng nilalamig. Sumilong siya sa malaking puno na nakita niya at naupo sa malaking ugat. Napagdesisyunan niyang huminto na lang at maghintay.
"Hahanapin naman siguro ako ng mga kasama ko kapag napansin nila na wala ako. I better stay put..." pagkumbinsi niya sa sarili at niyakap ang sarili.
Isinandig niya ang ulo sa puno, "Hahanapin mo kaya ako Raiden?"
RAIDEN'S POV
"Shit!"mahinang mura ni Raiden habang hinahanap sa may dalampasigan si Jazzmin. Mahaba na ang nalalakad niya at hindi na rin niya matanaw ang mga kasamahan.
"Nasaan ka na ba?" nag-aalalang tanong niya. Malakas na ang hangin at ulan, tiyak na sumilong ito sa kung saan.
"Jazzmin!" sigaw niya sa pangalan nito pero wala siyang narinig na tugon.
Malamang ay takot na takot na ito ngayon. He knows what her fears are. Takot ito sa dilim, kulog at kidlat.
Napatigil siya ng biglang kumidlat at kumulog ng malakas at pagkatapos ay nakarinig siya ng malakas na sigaw mula sa gubat.
"Jazzmin!" sigaw niya at nagmamadaling pumasok sa loob ng gubat.
JAZZMIN'S POV
Hinigpitan niya ang pagyakap sa sarili, nanginginig na ang kalamnan niya sa sobrang lamig. Hindi sapat ang suot niyang manipis na cover-up para protektahan ang sarili niya.
Mula sa pagkakayuko ay itinaas niya ang ulo, sobrang dilim at wala na siyang makita. Wala rin tigil ang ulan. Takot na takot na siya. Tuwing kikidlat at kukulog ay sinisiksik niya ang sarili niya sa ugat ng puno na pinagtataguan niya.
Paano kung hindi nila ako makita? Paano kung hindi nila ako hinanap? Paano kung iniwan na nila ako? Sunod sunod na tanong niya sa sarili.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang kumidlat at kumulog ng napakalakas and she found herself screaming.
RAIDEN'S POV
"Jazzmin!!!" sigaw niya habang tumatakbo sa loob ng gubat.
Hindi niya alintana ang mga matutulis na sanga at halamang sumusugat sa balat niya. Ang mahalaga ay mahanap niya si Jazzmin. Sa lakas ng kidlat at kulog na yun ay siguradong lalo itong matatakot. May phobia ito sa ganoon.
"Jazzmin!!!" muli niyang sigaw habang patuloy sa pagtakbo. Ayaw man niyang aminin pero natatakot siya na may nangyaring masama dito.
JAZZMIN'S POV
Umangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko ng marinig niya ang pangalan niya. She couldn't be hearing it inside her head. Malinaw niya iyong narinig.
"Jazzmin!"
Napatayo siya, kilala niya ang boses na 'yun. Hindi siya pwedeng magkamali. "Raiden?" sigaw niya. "I'm here!"
Mula sa makakapal na mga halaman ay nakita niyang lumitaw ang pigura nito, he too is drenching wet. Hindi niya napigilan ang sarili niya at tumakbo na siya para salubungin ito.
RAIDEN'S POV
He felt relief ng makita niya ito, he held her close and hugged her back. Sa buong buhay niya ay ngayon ay ngayon lang siya natakot ng ganoon.
"Are you okay?" puno ng pagaalalang tanong niya.
Tumingala ito at sa tulong ng kidlat ay nakita niya ang mukha nito, umiiyak ito. "Yes, thank you. Thank you for finding me..." she cried.
Pagkatapos ng ilang minuto ay inihiwalay niya ang sarili dito, "Halika na, we need to get back to them. Kanina pa sila naghihintay..." sabi niya at hinawakan ang kamay nito.
He saw her looking at their joined hands but didn't say anything. Sa halip ay nagpatianod lang ito at sumunod sa kanya.
When they finally got out of the forest, nagmamadali silang tumakbo pabalik kung nasaan ang mga kasama nila. But both of them stopped when they saw nothing.
"They left..." she said.
"Shit!" he cursed and looked at her. "This is all you f*ing fault!" sigaw niya. "Kung hindi ka ba naman tanga at pumasok ng gubat mag-isa hindi nila tayo maiiwan!" he said and pointed a finger at her.
"You're ruining everything again! Bakit kasi bumalik ka pa!"
JAZZMIN'S POV
She looked at him in shock, hindi siya makapaniwalang nasabi nito iyon sa kanya. She felt her eyes water, naginit ang sulok ng mga mata niya dahil sa pagbabanta ng mga luha.
"My god! Bakit kasi hinanap pa kita!"
That ticked her, hindi niya na napigilan ang sarili nya. "Why are you blaiming me for this? I didn't ask for this! Sa tingin mo ba gusto kong mangyari 'to?"
Napahagulgol siya, "Kung ganyan lang din pala sana hinayaan mo na lang ako mawala at hindi mo na ko hinanap!" sigaw niya.
"I hate you!" she said and run away.
RAIDEN'S POV
Nabigla siya ng tumakbo papalayo si Jazzmin. Napatingala siya sa madilim na kalangitan at napapikit. Hinayaan niyang tunawin ng ulan ang lahat ng frustrations niya.
Yes, he was frustrated sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. He hated the fact that he had to be alone with her, but he couldn't stop himself from wanting to be with her.
Huminga siya ng malalim, alam niyang mali na ibunton dito ang inis niya. Alam din niya na hindi na tama ang ginagawa niyang pagsusungit dito but it was his only way of protecting himself. He can't be soft towards her, dahil alam niya kung ano ang mangyayari pag ginawa niya 'yun.
Dumilat siya at sinundan ng tingin ang papalayong pigura ni Jazzmin, ayaw man niyang aminin pero ganun pa rin ang epekto nito sa kanya.
Damn it!
Bakit ba hindi niya ito maalis sa sistema niya? Ano ba ang meron dito at hindi niya ito mapakawalan?
Don't be a fool Raiden, alam mo ang sagot sa tanong mo...
Hindi niya akalaing magiging ganito kadali ang lahat.
Huminga siya ng malalim at inihakbang ang paa para sundan ito.
Alam niyang natatalo na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/38750882-288-k209857.jpg)
BINABASA MO ANG
The Drummer- Beat of My Heart
Fiksi RemajaTheir relationship was the envy of many. Perfect Couple sabi ng lahat. Bakit hindi? Jazzmin is the campus queen, beauty and brains and every guy's dream girl. Raiden is a campus hottie. Drummer ng The Lazies. Varsity player. Crush ng maraming kababa...