Chapter Forty- One

149 4 0
                                    

RAIDEN'S POV

Raiden looked at her sleeping figure. Kanina pa siya nakaupo sa tabi ng kama nito at pinapanuod ang pagtulog nito. The doctors assured him countless times na okay lang ito at nakatulog lang dahil sa pagod.

He raised his right hand and gently caressed her face. 

Ang tagal na niyang gustong gawin iyon. He missed being next to her. Iyong kahit anong oras ay mayayakap at mahahagkan niya ito.

For months he tried his best to stay away from her. 

It was hard, but it was her wish. Kaya kahit mahirap ay ginawa niya. Nagkasya na lang siya sa pagtanaw mula sa malayo.

In his simple ways, sinigurado niya na nakasubaybay siya dito at sa pagbubuntis nito. He followed her anywhere, kahit sa bawat pagpunta nito sa doktor ay nakasunod siya. He even cried when he learned from the doctor na lalake ang magiging baby nila.

It was a dream come true.

Napangiti siya at masuyong tinitigan ang magandang mukha ni Jazzmin. 

She is his everything. 

At hindi na siya papayag na magkalayo pa silang muli.



JAZZMIN'S POV

Unti-unti niyang idinilat ang mga mata. Bahagya pa siyang nasilaw dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. Inilibot niya ang paningin. And that's when she realized na nasa ospital pala siya.

"How are you feeling Jazz? May masakit ba sa'yo?" sabi ni Khloe at nilapitan siya. Kasama nito si Ocean na lumapit din sa kanya.

"I'm okay..." sabi niya at maingat na umupo sa tulong ni Khloe.

"Congrats Jazz! Ang pogi pogi ng baby mo, mana sa akin!" sabi naman ni Ocean.

Siniko ito ni Khloe, "Tse! Bakit? Ikaw ba ang ama?" pangbabara nito.

"Hindi, malay mo ako ang napaglihian ni Jazzmin!" sagot naman ni Ocean kaya napailing na lang siya. Ganun kasi talaga maglambingan ang dalawa.

"Asus! Asa ka pa! Si Raiden ang kamukha!"

Pagkarinig niya nun ay nawala ang ngiti niya. Wala ito sa loob ng kwarto.

He's gone. 

Hindi man lang ito naghintay na magising siya para makapagusap man lang sila. 

Hindi na ba ako mahalaga sa kanya?

Wala man lang ba siyang pakialam sa baby namin?

But he was here last night...

Naiinis siya dahil sa mga naiisip niya. Hindi rin niya mapigilan ang malungkot dahil wala ito sa tabi niya.

"Jazz, alam namin kung ano ang tumatakbo sa isip mo..." agaw ni Khloe sa atensyon niya kaya napatingin siya dito.

"Nasa canteen lang siya at kumakain. He was actually waiting for you to wake up, ni hindi siya umalis sa tabi mo simula nung ilipat ka dito. Napilit lang namin kasi nangako kami na tatawagan namin siya pag nagising ka na..." patuloy na paliwanag ni Khloe at nginitian siya.

"Tinawagan ko na siya so pabalik na 'yun dito..." sabi naman ni Ocean.

Bigla naman bumukas ang pinto kaya napalingon silang lahat doon. 

He was panting.  Kitang kita niya ang malalim na paghinga nito. Malamang ay tumakbo ito pabalik sa kanya.

She caught his eyes. Katulad niya ay nakatitig lamang ito at walang kumikibo sa kanilang dalawa.

"So... maiwan muna namin kayo. Pupunta na lang muna kami sa nursery para tignan ulit yung baby. Text niyo na lang kami pag tapos na kayong magtitigan dyan..." narinig niyang sabi ni Ocean at hinila na nito si Khloe paalis.

Now they are left alone.

Nakatayo lamang ito sa tabi ng kama niya at siya naman ay nakaupo lang, pakiramdam niya ay kapwa sila naghihintayan. 

Funny how awkward the situation is.

Tumikhim ito, "Uhmm... how are you feeling?" he said.

She felt her eyes water. Iyon lang pero naiiyak na siya.

"May masakit ba sa'yo?" agad ang pagdalo nito sa kanya. Kitang kita sa mukha nito ang pag-aalala kaya lalo siyang napaiyak.

"Tatawag ako ng doktor Jazzy. Just wait here. I'll be back-"

Hinawakan niya ang kamay nito at umiling, "I'm okay..." sabi niya.

"How can you be okay if you're crying? Hindi, tatawag ako ng doktor..." sabi ni Raiden at akmang aalis na ng pigilan niya.

"I'm just happy you're here with me..." sabi niya at muling naluha. "Akala ko kasi iniwan mo na ako ulit... Na hindi na kita makikita... Na hindi ka namin makakasama ni baby..." sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

"I just miss you so bad..." sabi niya at humikbi. Sumubsob siya sa mga palad niya at umiyak.

Naramdaman na lang niya na ikinulong siya nito sa mga braso nito. She can feel him kissing her hair. 

God, it was a glorious feeling. Ilang buwan niyang pinangarap na mayakap muli nito.

"Hush love... H'wag ka ng umiyak.  Alam mo naman na hind ko kaya na makitang umiiyak ka di'ba?" pang-aalo nito sa kanya. He cupped her face and dried her tears.

Marahan siyang tumango at pinilit ang sariling tumahan. But her tears just can't seem to stop. Patuloy ang pagluha niya.

"I'm sorry... Namiss kita ng sobra eh..." sabi niya habang pinipilit ang sarili na tumahan. Tumingin siya kay Raiden and she can see tears brimming from his eyes too. Tulad niya ay umiiyak din ito.

"Why are you crying?' mahinang tanong niya.

He smiled through his tears, "Because I am here with you too..." sagot nito at hinaplos ang pisngi niya. "Hindi na lang ako nakatanaw sa malayo o pinapanuod ang anino mo sa labas ng bintana ng kwarto mo... I get to hold you now for real..."

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya akalain na ganoon ang naging sitwasyon nito. All this time pala, kasama niya lang ito. Hindi siya nito talagang iniwan.

"Bakit di ka nagpakita?" tanong niya.

"Kasi hindi ko alam kung pwede na ba. Hindi ko alam kung handa ka na ba ulit na tanggapin ako. Hindi ko alam kung nakalimot ka na ba sa sakit na binigay ko sa'yo..." sabi nito at naupo sa tabi niya.

" I didn't know if I deserve you..." dugtong nito at ginagap ang kamay niya. "Naintindihan ko naman kung bakit mo hiniling sa akin 'yun. Alam ko nasaktan kita ng sobra... Alam ko na kailangan mo lumayo kasi kailangan mo kalimutan lahat 'yun. But... during those time na malayo ka sa akin at tinatanaw lang kita, I realized that I never really deserved you. Hindi ako deserving sa pagmamahal mo..." he said while crying.

Muling namuo ang luha sa mga mata niya, "You know it's not true Raiden. You have loved me unconditionally and unselfishly. You are the only reason I believe in love. Oo, nasaktan mo ako. Pero nasaktan ka din. Kaya wag mong sasabihin na hindi ka deserving sa pagmamahal ko because you got it all wrong..."

Nilingon siya nito habang mahigpit na hawak ang kamay niya. They stared at each others eyes. Both of them crying at the same time.

"Pwede na ba akong bumalik sa'yo?" mahinang tanong nito. 

Unti-unti siyang ngumiti at tumango, "Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh..." sagot niya.

He smiled back. Parehas silang nakangiti habang umiiyak. Then he moved closer and embraced her.

"I told you I'll always come back to you..." he whispered to her ears. 

"I love you..."

Gumanti siya ng yakap dito. She inhales his scent. This is heaven.

"Welcome home my love..." bulong niya din at tiningala ito.

"I love you too" she whispered as his lips descended on hers.

Finally...

















The Drummer- Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon