Chapter Thirty Six

112 4 0
                                    

RAIDEN'S POV

Napabuntong-hininga siya, iniisip niya kung paano niya huhulihin si Athene. Alam niyang hindi makakabuti sa relasyon nila ang pagdududa niya but he can't just ignore all the signs. Hindi siya matatahimik hangga't di niya nalalaman ang totoo.

"Pare, kumain ka muna. Pagkatapos niyan tutulungan kita magisip ng mga gagawin natin..." sabi ni Ocean na marahil ay nahalata ang pagiging balisa niya.

Dinampot niya ang tasa ng kape niya para sana uminom ng mapatingin siya sa entrance ng coffee shop. Mula doon ay nakita niyang pumasok si Khloe kasama si Jazzmin.

Nabitin sa ere ang tasa niya. He watched her every move. Her laugh, her smile. She looked the same and different at the same time.

Hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito at di nakaligtas sa mata niya and umbok ng tiyan nito.

His heart raced.

Could it be?

Pero bakit hindi ko nalaman? Bakit hindi niya sinabi?

No, hindi na iyon mahalaga. Ag importante a nakitana niya ito ulit.

God how I miss her.

His eyes are misty just by thinking na anak niya ang dinadala nito. She's carrying his child. Their child.

Pinahid niya ang mga luha at akmang tatayo na ng pigilan ni Ocean ang kamay niya.

Napatingin siya dito, his eyes etched with worry.

"Gusto ko siyang lapitan..." sabi niya at tinanggal ang kamay nito. Inihakbang niya ang mga paa palapit dito. Bawat isang hakbang ay tila tambol. His heart beat racing so fast.

Nakita niya ng umalis na ito sa harap ng counter bitbit ang tray, she even walked past him.

Hindi na niya napigilan ang sarili niya. He called her name, "Jazzy..."

Nakita niya ng huminto ito at nabitawan ang bitbit na tray. She just stood frozen, hindi rin ito lumilingon.

"Jazzy..." muli niyang tawag sa pangalan nito.

And that's when she faced him. Katulad niya ay puno din ng pangungulila ang anyo nito.

"Hi, Raiden..." she said and smiled.

"Love-"

She took a step back, "H'wag tayo dito mag-usap..." pigil nito sa kanya.

Naintindihan niya ito, they can't be seen together.

"You know where to find me..." sabi nito at muli siyang tinalikuran. Nilapitan ito agad ni Khloe at sabay ang mga itong umalis.

Naramdaman naman niya na nakatayo sa tabi niya si Ocean.

"Raiden..."

"Pupunta tayo sa condo niya..." sabi niya at lumabas na ng coffeeshop kasunod ang kaibigan.




****

"Dude, seriously! Thirty minutes na tayong nakatambay dito, wala ka bang balak bumaba ng sasakyan at umakyat sa unit ni Jazz?" naiinip na sabi ni Ocean na nakaupo sa passenger's seat.

Kanina pa sila nasa parking lot ng condominium building and he cannot muster enough courage to face her. Kinakabahan siya na excited.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Ocean.

Tumango siya, "Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito..." sabi niya.

"H'wag mo muna kasi isipin kung ano ang mangyayari after nito, ang mahalaga ay magkausap na kayo. Hindi mo ba siya gustong makasama kahit sandali man lang? Ngayon na lang ulit kayo nagkita, so don't spoil it..."

The Drummer- Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon