RAIDEN'S POV
"Nakausap ko yung wedding planner natin, hindi ka pa raw nagpapasukat para sa suit mo..." sabi ni Athene ng lapitan siya.
"Sorry, you know how busy I've been. Dadaan na lang ako doon kapag nakalibre ako..." sabi niya at isinuot ang polo shirt niya.
"You're always busy Raiden. Kailan ka ba nagka-oras?" sarkastikong sabi nito.
Huminga siya ng malalim para hindi kumawala ang pasensya niya. "I have priorities-"
"At sinasabi mong hindi mo priority ang kasal natin?" she said as she cut him off.
Muli siyang huminga ng malalim. This past few weeks, Athene had been acting strange. Mainitin ang ulo nito at laging ginagawang big deal ang lahat. She wasn't like that before.
Isa pa ay bigla nitong minadali ang kasal. Ni hindi na nga nasunod ang orihinal nilang plano. The wedding was supposed to be held next year, pero ang plano nito ngayon ay next month na.
"Look Athene, I do not want us to fight. Hindi ko sinasabi na hindi ko priority ang kasal. It's just that hindi ko pwedeng hindi siputin ang trabaho ko. Besides, dapat ay next year pa ang kasal natin. Bakit ba nagmamadali ka?"
She looked apalled, "Ano naman kung mas mapaaga ang kasal? Hindi mo ba naisip na lalaki na ang tyan ko? Sino ang gustong magpakasal na parang nakalunok ng pakwan?" halos pasigaw na tugon nito.
"We can delay it hanggang sa bumalik sa dati ang katawan mo"
She smiled bitterly, "Para ano Raiden? Para magkaroon ka pa ng pagkakataon na hanapin si Jazzmin?"
Nanlaki ang mata niya, "A-anong sabi mo?"
Athene smirked, "Sa tingin mo ba hindi ko alam na nagkikita kayo ng palihim? That she was your mistress?" she said and crossed her arms.
"Bilib din ako sa inyong dalawa. I didn't think you will resort to that kind of relationship. Lalo naman siya, nagagawa pa niyang humarap sa akin, acting like an angel when all the while she was nothing but a slut!"
Nagpantig ang tenga niya sa sinabi nito. Kasabay nun ay nagdilim din ang paningin niya. Hinaklit niya ang braso nito, "Bawiin mo ang sinabi mo!"
Napangiwi ito dahil sa higit ng pagkakahawak niya sa braso nito, "Ang alin? Yung slut? Bakit, hindi ba totoo naman? Pumapatol siya sa lalakeng may sabit na!"
Lalo niyang diniinan ang pagkakahawak niya sa braso nito, "H'wag kng magsalita na parang alam mo ang lahat. Because you don't understand-"
"Tama! Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa mo sa akin 'yun!" she said and cried.
"Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang at nagawa mo akong pagtaksilan. I love you Raiden, binigay ko naman sa'yo lahat. Kaya sabihin mo, paano akong hindi magagalit?" sabi nito at humagulgol.
He couldn't speak. Ito yung iniiwasan niyang mangyari. Ayaw niyang umiyak ito dahil sa nagawa niya. He didn't want to hurt her like this.
"Nasasaktan ako Raiden. Tell me, what wrong have I done to deserve this?"
Siya naman ang natauhan sa sinabi nito. She has a point. She has every right to get mad.
"I'm sorry Athene..." iyon lang ang nasabi niya.
"I'm sorry..." he said and hugged her.
![](https://img.wattpad.com/cover/38750882-288-k209857.jpg)
BINABASA MO ANG
The Drummer- Beat of My Heart
Genç KurguTheir relationship was the envy of many. Perfect Couple sabi ng lahat. Bakit hindi? Jazzmin is the campus queen, beauty and brains and every guy's dream girl. Raiden is a campus hottie. Drummer ng The Lazies. Varsity player. Crush ng maraming kababa...