RAIDEN'S POV
"For sure magugustuhan ni Jazz yan... " sabi ni Khloe habang nakatingin sa hawak niyang maliit na box.
"Tingin mo?" tanong niya.
"Oo naman noh! Lalo na pag nalaman niya kung paano mo nabili yan. Pinaghirapan mo yan Raiden..."
Napangiti siya, "She's worth it..." sabi naman niya at hinarap ito. "Okay lang ba na iwan kita dito?"
"Oo, papasundo na lang ako kay Ocean. Sige na, wag mo na pagtagalin pa yan... " sagot nito. Sinamahan kasi siya nito sa mall para bilhin yung sorpresa niya kay Jazzmin.
Tumango siya, "Thanks ulit. Bawi ako sa susunod..."
"Wag na..." sabi nito at ngumiti. "Go, alis! Tsupi na!"
Natawa siya at tinalikuran na ito. Binulsa na niya ang hawak na box at nagmamadali ng lumabas ng mall para puntahan ang nobya.
JAZZMIN'S POV
Inis na inis siya. At lalong naiinis siya kasi di niya mapigilan umiyak.
Isang buwan ng malamig ang pakikitungo sa kanya ni Raiden. Ilang beses na niyang tinangkang magtanong kung may iba na ba ito, pero lagi siyang pinanghihinaan ng loob.
Takot siyang marinig dito ang totoo. Takot siyang malaman na may iba na itong mahal.
Alam ba niya kung anong araw ngayon? Mothsary nila pero ni isang text ay wala siyang natanggap. Pinunasan niya ang mga luha at dinampot ang cp.
Tawagan ko kaya siya? Ipapaalala ko lang kung anong araw ngayon...
Eeew Jazz! That is just so low.
Napailing siya, pati sarili niya ay kinokontra na niya. She's losing her mind.
Nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at sumungaw ang ate niya.
"Nasa baba si Raiden, puntahan mo sa gazebo. Doon ka daw niya hihintayin..." sabi nito at iniwan na siya ulit.
Hindi naman niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib niya. Kinakabahan siya ng sobra. Hindi niya kasi alam kung maganda o masama ang mangyayari. For the first time in her whole life, ngayon lang siya naging unsure sa sarili niya.
Calm down... sabi niya sa sarili niya bago tumayo at inayos ang sarili. Nagpulbos lang siya at nagsuklay bago tuluyan itong pinuntahan sa gazebo.
Malayo pa lang siya ay natatanaw na niya ito, he was watching her. Somehow, he looked different. Mukha itong pagod at kulang sa tulog. Namayat din ito ng bahagya.
Hmp! Pakialam ko ba?!
Tama yan Jazz! Magpakipot ka ng konti!
Nang magkatapat na sila ay hindi niya ito agad nilapitan. Kahit gusto na niya itong lapitan at yakapin ay pinigilan niya ang sarili. She felt like she needed to protect herself.
"Napadaan ka?" tanong niya. It sure sounded cold, alam niya iyon.
"I have time..." sabi lang nito at gusto niyang magwala. Aminado pa talaga to at proud na wala itong oras sa kanya.
"Do I need to say thank you?" sarkastikong sabi niya.
Umiling ito at ngumiti, "Galit ka Jazzy?" tanong nito.
Ipinikit niya ang mga mata para kalmahin ang sarili. May gana pa talaga itong magatanong ng ganun?
Nang idilat niya ang mga mata ay nagulat pa siya ng makitang ang lapit ng mukha nito sa kanya. Nanlaki ang mata niya at agad lumayo dito. Tumawa lang ito at naupo sa ledge ng gazebo.
"Sit here please? Namiss kita..." malambing na sabi nito.
Tinitigan niya ito and something about him made her sit beside him. Gusto niya tuloy sabunutan ang sarili. May nalalaman pa siyang magpakipot muna pero hindi naman niya kaya.
"I know nagtatampo ka sa akin. I know nawalan ako ng time sa'yo..." sabi nito at hinawakan ang kamay niya. "Pero gusto kong malaman mo na sa mga panahon na hindi kita kasabay pauwi, o katext hanggang gabi, o kasama sa bawat sandali... I wish I was with you. Namiss ko ang bawat oras, minuto o segundo na magkasama tayo..."
Hindi niya mapigilan ang mapaluha sa narinig, "Pero bakit mo ginawa?" puno ng hinanakit na wika niya.
"Because of this..." sabi nito at mula sa bulsa ay kinuha nito ang isang maliit na box. Kinuha niya iyon at binuksan and what she saw took her breath away. Tuluyan na rin nanlabo ang mata niya sa nakita. Enclosed in the box was the necklace she wanted to buy.
All this time... it is still because he love her...
"Happy Monthsary my Jazzy..." bulong nito at dinampian ng halik ang noo niya.
Tumingala siya dito at umiiyak itong niyakap, "I hate you! Bakit ba ang bait at sweet mo sa akin?" umiiyak na sabi niya at sumubsob sa dibdib nito.
Naramdaman niya ng niyakap siya nito kaya lalo siyang napaiyak. Lahat ng sakit na kinimkim niya nitong nakakaraan ay bigla na lang naglaho.
"Tahan na Jazzy... I do not want to see you crying..." malambing na sabi nito.
"Kasalanan mo 'to eh..." reklamo niya at pinahid ang mga luha.
Natawa lamang ito at kinuha sa kanya ang kwintas, "Isuot ko sa'yo..."
Habang isinusuot nito sa kanya ang kwintas ay tinitigan niya ito, "Namayat ka, mukha ka rin pagod..." puna niya.
"If it's for you, everything's worth it..." sagot nito at bahagyang lumayo para tignan siya. "Beautiful..." puri nito.
She felt herself blushed, " Sabi mo noon panget..." sabi niya.
"I lied... gusto ko kasi ako ang magbigay sa'yo. If I told you then that it looks good on you, bibilhin mo na agad..." paliwanag nito.
Napangiti siya at kinapa ang kwintas sa leeg niya, "I love it.. Thank you so much..."nakangiting sabi niya at niyakap ito. Alam niya na hindi biro ang halaga ng kwintas na iyon kaya alam niyang pinaghirapan ni Raiden and bawat isang sentimo na ipinangbili nito doon.
Mahal na mahal talaga siya nito. Hindi na niya dapat pang pagdudahan pa iyon. And she love this man as much.
"Happy monthsary..."sabi niya at tumingkayad para dampian ng halika ang labi nito.
****
"You did what?" di makapaniwalang sabi niya ng ikwento ni Raiden ang mga pinagkaabalahan nito nung nakakaraan.
"Nagpart-time ako sa isa sa mga record stores nila Ocean..." ulit nito.
Kaya pala lagi itong nagmamadali na umalis after class at mukhang pagod. Lagi itong kinukulang ng tulog.
Hinawakan niya ang kamay nito, "Thank you for doing those things for me, love... Pero wag mo na uulitin ha? Ayoko na nahihirapan ka ng ganun maibigay lang yung gusto ko..."
"I want to give you things Jazzy... Wag ka mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko..."
Napasimangot siya, "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hay naku...."
Natawa ito at muli siyang hinapit para yakapin ng mahigpit, "Namiss kita ng sobra love..." he said then cupped her face. "I love you...'
"I love you too..."
![](https://img.wattpad.com/cover/38750882-288-k209857.jpg)
BINABASA MO ANG
The Drummer- Beat of My Heart
Ficção AdolescenteTheir relationship was the envy of many. Perfect Couple sabi ng lahat. Bakit hindi? Jazzmin is the campus queen, beauty and brains and every guy's dream girl. Raiden is a campus hottie. Drummer ng The Lazies. Varsity player. Crush ng maraming kababa...