Chapter Thirty Five

87 4 3
                                    

RAIDEN'S POV

"Bakit ba busangot na naman yang mukha mo?" sabi ni Ocean ng magkita sila sa The Lazies bar.

"Athene..." maikling sagot niya at umupo sa sofa.

"Ano na naman ang problema sa kanya?"

"Same old. Pero lalo siyang nagiging mahirap pakisamahan..." sagot niya at nilingon ang kaibigan. "You know Ram right?"

Kumunot ang noo ni Ocean, "Iyong assistant director ni Khloe? Oo naman..." sagot nito. "Bakit?"

Nagkibit-balikat siya, "Napansin mo ba na close sila ni Athene?"

"No, why?"

"Naabutan ko siya minsan sa condo ni Athene and from the looks of it, parang may pinagtatalunan sila. Though they acted otherwise nung nakita nila ako. Then, pumunta na naman siya kahapon..." sabi niya. "Both times, may pasalubong siya para kay Athene..."

Tuluyan niyang nakuha ang atensyon ni Ocean, "Have you asked her?"

"She said they're just friends..."

"And you don't believe her?"

Tumango siya, "I know she's hiding something from me..." sabi niya at nilingon ang kaibigan. "And you know me Ocean, hindi ako titigil hangga't di ko yun nalalaman."

"Then in that case, I'll help you..." sabi ni Ocean at dinampot ang celphone na nakapatong sa lamesa. " Do you want to meet up with him?"

Ngumiti siya, maaasahan talaga ito.


****

"I knew it, kakausapin mo ako. This is about Athene, right?" sabi ni Ram ng magkita sila ng araw na 'yun.

Napagkasunduan nilang sa isang coffee shop sa mall sila magkita. He decided to tag Ocean along just incase magkainitan sila.

"Nagdududa ka na ba?" dugtong pa nito.

Huminga siya ng malalim, "Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa Ram, just tell me what I need to know."

Nakipagtitigan ito sa kanya at maya- maya'y umiling, "As much as I want to tell you everything Raiden, I still respect Athene..." sagot nito.

"She'll just lie to me..." sabi niya.

"Alam mo naman pala na nagsisinungaling siya, bakit naguusap pa tayo?" sabi naman nito.

"If you need me to confirm your hunches, then I'm sorry..." sabi nito. "Let Athene tell you the truth, or better yet, wait for it... Wala namang kasinungalingang hindi nabubunyag..." sabi nito at tumayo na.

"Pasensya ka na pare, ayokong maging kontrabida pero lalake pa rin ako. May respeto ako kay Athene. I hope you understand..." sabi nito at tinanguan si Ocean bago tuluyang umalis.

Nagkatiniginan sila ni Ocean at sabay silang napabuntong-hininga.

"What do you think?" tanong niya.

"I think your hunches are true..." sagot ni Ocean.

Tumango siya, "I think so too..." sabi niya at ikinuyom ang kamao.

Kapag napatunayan niyang tama siya, hindi niya alam kung anong pwedeng magawa niya.




JAZZMIN'S POV

"Sige na Khloe, samahan mo na ako sa mall. Gusto ko naman mamasyal! Sayang naman 'tong beauty ko at nabuburo lang!" reklamo niya.

"Aba, kalalabas mo lang ng ospital Jazz! Baka nakakalimutan mo muntik ka na makunan!"

"Alam ko 'yun. Pero gusto ko talaga pumunta sa mall. Titingin na rin ako ng magagandang gamit ng baby. Sige na please?" sabi niya at nagpuppy eyes pa.

"Tse! Wag ka ngang pa-cute!" sabi nito at umirap. "Ok sige, pupunta tayo ng mall!"

"Yes! Teka magbibihis na ko!" excited na wika niya at agad pumasok sa walk in closet niya.




****

"Ay grabe! Na-miss ko mag- malling!" nakangiting sabi niya habang naglalakad sila sa Trinoma.

"OA mo lang Jazz!" natatawang sabi ni Khloe. "First time mo?" sarkastiko pang sabi nito.

Natawa siya at lumapit sa mga display ng mga cribs. Isa-isa niya iyong tinignan, hindi pa niya alam ang gender ng baby niya pero gusto niya may idea na siya para sa mga gamit na bibilhin nya.

"Hindi ka ba natatakot na makita ka ni Raiden dito?" narinig niyang tanong nito.

Natawa siya, "Imposible yan, hindi yun pupunta ng mall. Baka pagkaguluhan pa siya..." sabi niya at itinuloy na ang pagpili ng mga gamit.

She dismissed the idea because she knew it was next to impossible.


****

"Tara punta tayo sa coffeshop na 'yun, libre na kita!" sabi niya sabay hila sa kaibigan papunta sa coffee shop na natanaw niya.

"Dapat lang, ginawa mo akong alalay eh!" reklamo nito. Ito kasi ang nagbitbit ng mga pinamili niya.

Nagtatawanan sila ng makapasok sa coffeeshop. Huminto sila sa may entrance para tignan ang paligid. Napangiti siya dahil nagustuhan niya ang ambience.

"Anong gusto mo?" tanong niya kay Khloe.

"The usual, moccha frappe pa rin. Ikuha mo na lang din ako ng kahit anong makakain. Ako na maghahanap ng table natin..."

Tumango siya bago dumiretso sa counter para umorder.

"Thank you..." sabi niya at binitbit na ang tray. Tumalikod na siya at inihakbang na ang mga paa patungo sa pwesto ni Khloe.

"Jazzy?"

Agad niyang nabitawan ang hawak na tray. Nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi niya maigalaw ang katawan.

She knew that voice all too well.

Gusto niyang tumakbo, but she knew it's futile.

"Jazzy..." muling tawag nito.

God, namiss niya ang boses nito. Gaano na ba katagal mula nung huli silang nagkita?

5 months. 5 long months.

Ganun katagal na siyang nangungulila dito. Kinapa niya ang tyan.

Baby... Makikita ka na ni Daddy...

Nakita niya si Khloe na akmang lalapitan siya pero umiling siya para pigilan ito. Siguro ay panahon na para malaman nito ang totoo.

Huminga siya ng malalim at nilingon ito.

"Raiden..."




The Drummer- Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon