Chapter Forty

123 4 1
                                    

A/N: Pagpasensyahan na po sa napakatagal na update. Naging busy lang plus the fact na nahirapan ako dito. E kasi naman... Hahaha!

Anyhow, ito po ay sabaw... Bawi next chapter! :)

Happy Reading! :)



JAZZMIN'S POV

Napangiti siya habang inililibot ang mga mata sa loob ng nursery na siya mismo ang nag-ayos at nagdisenyo.

Everything is in baby blue color.

Yes, it's a baby boy.

Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng kalungkutan.

Mas masaya sana kung kasama niya si Raiden ngayon. Alam niyang matutuwa ito na lalake ang baby nila. Highschool pa lang kasi sila noon ay madalas ng sabihin ni Raiden na lalake ang gusto nitong magiging unang baby nila.

Nangyari nga pero wala naman ito sa tabi niya.

For months, he stayed away from her. Tinupad nito ang pangako nito sa kanya. She was grateful for it because she was able to heal from the pain. But at the same time, nangungulila siya dito. There were times that she will just lie awake in bed and cry.

Gusto niyang makasama ito sa araw-araw. She wanted to share the joy of her pregnancy with him. Gusto niya na nasa tabi niya ito nung unang beses niyang narinig ang heartbeat nito, unang pagsipa nito sa tiyan niya, at unang beses na nalaman niya na lalake ito.

Gusto niya na kasama niya ito na namili ng mga gamit ng baby nila, na kasama niya ito sa pagaayos ng nursery because she knows Raiden would be happy to share that experience with her.

But she knows that they needed that time apart. Masyadong maraming nangyari. And it was very painful for her. She knows that they needed time to heal.

Mahal niya si Raiden. Mahal na mahal niya ito. Wala naman nagbago eh. She still want to be with him, kailangan niya lang unahin ang sarili nya. Pakiramdam niya kasi ay hindi na niya kilala ang sarili.

Her love for him changed her. Naging siya yung taong sinabi niya na never magiging siya. She felt that she abandoned herself because she loved him more than she loved herself. She loved him to the point na ibinigay niya ang lahat at walang natira sa kanya.

And she needed herself back. Kailangan niyang hanapin ang sarili niya. Pinag-aralan niya ulit mahalin ang sarili niya para kapag muli silang nagkita ni Raiden, handa na siya na mahalin ulit ito.

Kinapa niya ang umbok ng tiyan niya at marahang ngumiti. Alam niyang naghihintay lang si Raiden kung kailan siya muling magiging handa na mahalin ulit ito.



****

Napadilat siya ng maramdaman ang matinding paghilab ng tiyan niya. Agad niyang kinapa ang tiyan, hindi niya maipaliwanag ang sakit.

Dahan-dahan siyang naupo habang humihinga ng malalim. Nabasa niya kasi yun sa libro.

Nang makaupo siya ay noon lang niya napansin na basa ang kama niya. Noon siya kinabahan ng todo. Hindi pa man ay alam na niya ang nangyayari.

"Yaya!!!" she screamed at the top of her lungs. Kailangan madala siya agad sa ospital. Hindi pwede na magtagal pa siya dito sa bahay.

"Yaya!!!" muli niyang sigaw at napapikit. Muling sumakit ang tiyan niya.

"Naku Jazzmin!" bungad ng yaya niya ng pumasok ito sa kwarto niya. Agad siyang dinaluhan nito.

"My water broke, yaya. Masakit na rin ang tiyan ko. We need to go to the hospital..." hirap na wika niya.

The Drummer- Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon