Chapter Thirty

89 4 1
                                    

RAIDEN'S POV

Napakislot siya ng maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod.

Jazzy?

Lalo niyang ibinaon ang mukha sa unan niya. He must be dreaming.

"Namiss kita..."

Napadilat siya at napabalikwas para lingunin kung sino ang nasa likod niya.

"Athene..."

"Disappointed?" tanong nito.

Yes he was disappointed. Umasa siyang hindi iyon panaginip. That it was Jazzmin.

Gago ka talaga Raiden! You know she's gone!

Napabuntong hininga siya at muling umupo sa kama.

"Nagulat lang ako. I was sleeping Athene..." pagsisinungaling niya.

She just looked at her, tila inaarok nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. So he stared back at her. This past few days, he realized he's becoming good at this.

Nasasanay na siyang magkunwari.

Si Athene ang unang nagbawi ng tingin, "Sorry I woke you up..." sabi nito.

"It's okay. Oras na rin ng gising ko.." sabi niya at nilingon ito. "Bakit ka nga pala nandito?"

"If Moses won't come to the mountain, the mountain will come to Moses..." sabi nito.

"Sorry I've been very busy lately. Pag lumuwag na ang schedule ko masasamahan na kita..." sabi nito. "How's the baby? Hindi ka ba nahihirapan?"

She smiled, tila nagustuhan nito ang tanong niya.

"We're fine.. Mabait si baby, hindi naman ako masyadong pinahihirapan..." sagot nito at muling yumakap sa kanya.

He stopped himself from cringing. Ayaw niyang mahalata iyon ni Athene.

"I miss you..." bulong nito sa kanya.

"I miss you too..." sagot niya. It's true, namiss niya yung mga panahong nakakapag-usa sila ng wala siyang nararamdamang guilt. He felt guilty by acting that he's still into her.

How he wish he can erase the guilt feeling.

"Kapag hindi ka na busy, lumabas naman tayo. Nabuburyo na ako sa condo ko..." sabi nito.

Tumango siya, "Sige..." pagpayag niya at muling tumayo. "I'll shower, may photoshoot ako ngayon..." sabi niya at dumiretso na sa banyo.




ATHENE'S POV

Agad nawala ang ngiti niya ng mawala si Raiden sa paningin niya. Hindi naman siya manhid. Alam niyang may nagbago na.

Mula ng makabalik ito mula sa isla ay napansin na niya ang pagbabago mula dito. Yes, mas madali na para dito ang ngumiti. His laugh became more lively. Tila isang parte ng buhay nito ang muling nabuo at nabuhay.

And she is not stupid. She knows it was because of one girl. Isang babae mula sa nakaraan nito. Nakaraan nito na hindi nito magawang makalimutan.

And now that Jazzmin is gone again, he shifted back to his old self. Mas lumala pa nga.

And it hurts her. It hurts to think that he will never love her.

Pero hindi siya susuko, she will never let him go. Kahit anong mangyari.

She heard her celphone beeped. May nagtext sa kanya.

Eto na naman...

Kinuha niya iyon mula sa bag, number pa lang ay kilala na niya kung sino iyon. HIndi na niya kailangang basahin ang mensahe dahil pare-pareho lang ang sinasabi nito.

Magkita tayo...

Agad niya iyong binura. 

Ilang linggo na itong nangungulit at hindi niya pinapansin. Hindi niya kailangan ng gulo. Hindi niya kailangan ng multo na gugulo sa buhay niya.

Minsan lang naman siyang nagkamali. And she won't let that one mistake ruin everything.




JAZZMIN'S POV

"Miss Jazz, narito na po ang bisita niyo..." sabi ng katulong ng puntahan siya nito sa garden kung saan siya nagpapahangin.

"Sige Manang, dito mo siya papuntahin..." sabi niya at muling ibinaling ang tingin sa mga bulaklak sa garden nila.

Pagkatapos ng paguusap nila ni Raiden ay umalis na siya sa condo niya at muling umuwi sa Bulacan. Dito malayo siya sa lahat.

"Jazz!"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya at nginitian ito, "Khloe!" sabi niya at tumayo mula sa pagkakaupo niya.

She saw how Khloe's eyes widened ng mapansin nito ang umbok ng tiyan niya. Napatakip ito ng bibig at naluha, "Oh my god... you're pregnant..." di pa rin makapaniwalang sabi nito at mabilis na lumapit sa kanya.

Niyakap niya ito, "I miss you too..." natatawang sabi niya. Alam niyang magugulat ito pag nakita siya. Dapat ay ililihim niya ito sa lahat, but she decided otherwise. Sinabi niya iyon sa Daddy at Ate Jessamyn niya, and now Khloe.

Mahigpit siyang niyakap nito, "Nagtatampo ako sa'yo. Una, di ka nagpaalam na aalis ka. Pangalawa, buntis ka pala! Hindi ka man lang nagsabi. I was so worried Jazz!" sunod- sunod na sabi nito kaya lalo siyang napangiti. Ibang klase talaga magalala ang kaibigan niya. Tatalakan ka.

"And why are you smiling? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa akin?" inis na sabi nito.

Natawa siya, "Oo, ikaw lang ang nagiisa kong kaibigan kaya 'wag ng mainit ang ulo mo. Tinawagan nga kita para magkita tayo di'ba?"

"Hmmmp! E bakit ngayon lang?"

"I felt like I needed to be alone kaya ganun... Wag kna magtampo. Buntis ako, bawal ang stress..."

"Oo na, kung hindi ka lang buntis nasipa na  kita!"

Natawa siya, "Ang sweet mo talaga Khloe!" pangiinis niya.

She rolled her eyes at her, "Whatever..." sabi nito at sumeryoso. "Does he know?"

Umiling siya, "Ikaw at sila Daddy at Ate lang ang nakakaalam..." sabi niya.

"Why didn't you tell him? He deserves to know too..."

"I know, pero hindi ngayon Khloe. Ikakasal na siya, magkakaanak na din sila. Ayoko ng gulo..."

Tumango ito, "Naiintindihan ko..." sabi nito at huminga ng malalim.

"How is he?"

Umiling ito, "Nahihirapan siya Jazz..."

Umiwas siya ng tingin, "He will be okay... Makaka-move on din siya..."

"Bakit Jazz? Ikaw ba makakamove-on ka?"

Umiling siya, totoo naman iyon. For her, Raiden is her greatest love. At hindi na iyon magbabago. She will always love him.

"Ganun naman pala, e di don't expect na makakamove-on din siya sa'yo..." sabi ni Khloe na nagpagulo ng isip niya.

"What do you mean? He has Athene..."

"He may have Athene but how sure are you na kaya niya itong mahalin?" balik-tanong nito at bumuntong- hininga.

"Jazz, kayang magmahal ng maraming tao ng puso natin, sa magkakaibang lebel. Pero isang tao lang ang kaya nating mahalin ng buo. Trust me Jazz, I'm talking from experience..." sabi nito.

"You know I loved Mikhail, but look at what happened when I saw Ocean again. Di ba akala ko naka-move on na ako? I was wrong. Very, very wrong. Because Ocean is my one true love. Cheesy man pero 'yun ang totoo. Kahit gaano ko ideny at itago, wala akong nagawa. Mas lalo ko lang nasaktan si Mikhail..." sabi nito at nilingon siya.

"Same goes for both of you... Habang pinagtatagal niyo, mas lalo kayong masasaktan, mas lalo kayong makakasakit..."

The Drummer- Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon