Ang Pang-Anim

55K 1.1K 61
                                    

Mabilis ang paglipas ng mga araw. Hindi ko na namamalayan dahil sa umaga ay walang humpay ang aking kakaaral at sa gabi ay wala ring tigil ang aking pagtatrabaho. Sanay na sanay na ako sa ganitong mga araw.

"Aga mo sa next subject!" Ngumisi sa akin si Lucy nang makapasok na sa eskwela.

Umiling ako at kinawit ang buhok sa tenga. Luminga-linga ako sa maingay na classroom. May ilang inikutan ako ng mga mata nang makatagpo ko ang tingin nila.

"Saan ang prof, Lucy?"

"Ah! Nag-text daw sa president natin. As usual, absent," aniya.

Tumango ako at naupo sa kanyang tabi. Wala naman pala kaming prof ay sana ay pumasok na lang ako sa next subject dahil mahaba ang vacant pagkatapos nito. Binunot ko ang binder sa bag.

"Nagre-review ka na kaagad?" Hinablot iyon ni Lucy.

"Oo. Lucy, amina." Nilahad ko ang palad. Malamang ay magre-review ako dahil next, next week na ang exam.

Ayaw ibigay ni Lucy ang babasahin ko. Pilit siyang nakikipaglaro at nang may iilang tumikhim sa katahimikang nanaig sa room ay nanghina ang mga kamay ko sa ere. May nangyayari ba?

"Dude! Ano naman ito? That girl..." May humalakhak sa pamilyar na grupo ng mga lalaki.

"Ano, Karlo? I'm not hitting on her."

"Oh, yeah? Nakita ko kayo, mga ravers! Nag-grind daw si-"

"Shut up, man! Nakikinig ka nanaman sa mga issues. Iyan ang problema sa iyo."

Isang langhap ng mabangong pabango ang nasalap ng mga ka-block ko at nilunod nila iyon ng iilang tili at mga bulong. Sinundan ko ng tingin ang grupo ng mga lalaki ngunit may partikular kong tinitingnan. 

"Karlo! Anong ginagawa niyo rito?" Hinawi ni Clarisse ang kanyang buhok sabay ngiti ng malapad.

"Mag-aanounce lang. Pwede ba?" kindat ni Karlo.

Inulan ng kantyaw ang aming presidente mula sa kanyang mga kaibigang nakapalibot at mga lalaking kausap niya. Hinigit ni Lucy ang aking siko at doon ko lang naiwas ang tingin kay Jerard.

Panay ang ngisi ni Karlo nang rumampa ito sa harapan. Sumusunod si Jerard na kahit tahimik ay talamak pa rin ng pagtingin galing sa mga babae kong ka-block. Nagtalak na si Karlo tungkol sa official theatre group ng university at ang mga pa-auditions nila.

"Free dorm, free tuition...free kiss!"

"Kanino ba? Pwede sa auditions lang? Kahit hindi mapasok?" kisay ng isa kong classmate.

"Kay Jerard! Ngayon na? Hi, Jerard!"

Ang malakas na dating na mga tingin ni Jerard ang nakapagpaasiwa sa'kin. Mas humaba ang taas ng kaniyang buhok ngunit ang atletang pangangatawan ay hindi nagbago. Kailangan ba lahat ng nasa classroom na ito ay bibiyayaan niya ng painosenteng tingin at ngisi? Iyon ang Jerard Tan!

"Tapos na kayo sa freshmen? Bakit andito kayo?" sigaw bigla ni Lucy.

Natigil ang mga hiyaw. Nanlaki ang mga mata ko! Napangisi si Karlo at lumakad papunta sa lokasyon namin. Mariin ang titig sa amin ng mga tao sa classroom. Shit ka, Lucy!

"Yup! Tas na kami sa freshies. Bakit? Ayaw mo bang andito kami?"

"Huh? Eww! Yabang, e!" Tumingin sa iba ang kaibigan ko.

Namuo na ang bulungan sa classroom. Si Karlo ay nakanguso sa akin. Sa pagkabalisa, napataas na lang ako ng titig kay Jerard. Nakatingin na sa akin ang kanyang singkit na mga mata, nakakorte ng padiretso ang mamula-mulang labi.

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon