Ang Pang-Labing Pito

38.3K 757 143
                                    

"Go, Isidro! Kaya mo 'yan!" 

"Hindi mo naman alam kung paano ang soccer..." tikhim ko sa mga sigaw ni Lucy.

Nilingon ako nito nang may iritasyon. "Che! Basta alam mo ang mga kulay ng bawat panig, okay na 'yun, Chrissy!"

Sa ilalim ng mga puno ng mangga na aming sinisilungan at mahangin at malilim. Malakas ang hampas ng hangin. Liblib dito at tanaw na tanaw ang soccer field kung nasaan ang kursunada ni Lucy. Nakahiga lamang ako sa damuhan. Ang mga sigaw ng audience sa bleachers ay bula lamang sa aking tainga.

Napapikit ako sa sarap ng hangin. Ilang minutos ding hinihiyaw ni Lucy ang pangalan ng kaniyang crush. Kasarapan ngayong linggo dahil intramurals na.


"Lucy...Chrissy...kayo pala..."


Naalimpungatan ako sa mga nag-uusap. Binukas ko ang isang mata upang masilaw lamang sa langit na tinitingala ngunit habang tumatagal ay lumilinaw ang maputing mukha ni Jerard.

"Oy! Jerard...hello!" Ngumisi si Lucy at bumawi ng kindat sa'kin.

Napaupo kaagad ako nang tuluyang rumehistro ang mukha ni Jerard. Nakaramdam ako ng pait. Kumunot ang noo ko rito ngunit matama niya akong tiningnan na tila ba sinasabi sa aking hindi niya limot ang nangyari sa amin nitong nakaraan.


"Hello, Chrissy..." Naging diretsong linya ang kaniyang mapulang mga labi.

"Hi..." Iniwasan ko ito ng tingin. Pinagsingkitan ko ng mga mata ang manlalaro sa napakaluwang na soccer field.

Ano bang ginagawa ni Jerard dito at paano niya nalamang narito kami? Dito ko na nga niyaya si Lucy dahil liblib dito. Kung iniisip niya ang tungkol sa nangyari noong gabi, huwag na siyang mag-aalala pa dahil naiintindihan ko naman. 

Naiintindihan ko na nasasaktan lang siya sa nangyari kaya nagkaganoon. Naiintindihan ko na katulad ko ay mayroon pa ring puwang sa kaniyang puso at siguro ay hindi siya makatulog sa gabi. 

Naiintindihan ko.


Sa gilid ng aking mga mata ay pilit akong dinudungaw ni Jerard. Namulsa ito sa kaniyang faded jeans. Bumuntong hininga ito at lumupagi.


"Bakit ayaw ninyo sa bleachers maupo? Baka matamaan kayo ng bola rito..." utas ni Jerard habang tinatanggal ang ilang lumipad na dahon ng mangga sa buhok ko. 

Nilingon ko kaagad ang kaniyang nagsusumamong mukha. Naroon ang kainosentehan at sinseridad. Naniniwala akong hindi siya makakagawa ng masama dahil ang isang taong katulad ni Jerard ay masterpiece ng langit. Purong-puro.

Nang maramdaman niyang malamig ang aking pakikitungo ay binawi ang niya ang kamay na tila ba nasugatan sa aking tingin.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nanunuod.

"Okay lang kami rito, Jerard. Dito ang mas magandang pwesto para malamig. Sa bleachers, kailangan pa ng telescope!" singit ni Lucy.


Habang nag-uusap sila ay hind ako mapakali. Mayroong bumabagabag sa aking sistema. Binunot ko na lamang ang cellphone para malibang ngunit kumunot lamang ang aking noo rito. Ang text ni Sir Ram kagabi ay wala pa ring reply.


Tumikhim si Jerard kaya naman napatingin akong muli rito. Ngayong nakatingin ako sa kaniyang mga mata ay naguguluhan ako. Magulo ang lahat sa akin sa isang tingin pa lamang nito at iyon ang pinakatotoo sa lahat ng aking nararamdaman.

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon