Kung paano kami nakauwi nang gabing iyon ay wala na sa isipan ko. Tuluyan akong nilamon ng hilo't panghihina na ang pakiramdam ng kama sa aking likuran ay sapat na para ako'y makatulog.
Ngayon ay bukas ang aking mga mata sa marahas na mga sikat ng araw. Hinarang ko kaagad ang palad sa mukha at binangon ang sarili, nag-iinat habang nakatingin sa banyagang paligid.
Ang kulay rosas na mga pader ng aking kwarto ay napalitan ng puti at maginhawang abo. Ang aking mga puting unan ay napalitan ng asul.
My eyes drifted further and towards an unfamiliar set of heavy drapes, an abstract triptych canvas, and a small coffee table. Ang abuhan na nasa ibabaw nito ay mukhang gamit na gamit base na sa mga upos na naroon.
Where am I?
I distinctly remembered Arjuna fetching us last night. But not before releasing a statement for filing a case against the four men that harassed Ramona and me. Nasa huwisyo pa ako dahil tanda ko pa ang mga mura ni Judah habang detalyadong nagsasaad sa isang abogado.
I remembered us taking the route to our estate, then to Ramona's. After that, nada.
So, where am I, exactly?
Isang panaginip lamang bang sinagupa ni Judah ang mga lalaking iyon at ang pagdedemanda sa kanila ay nauwi sa walang katarungan?
But, then, I frowned at the large comfy shirt I'm wearing and underneath it was my cute hello kitty shorts. Nothing feels wrong in my body, excluding the pounding in my head.
Marahan kong tinulak ang comforter at bumaba ng kama. Patingin-tingin ako sa mga munting disenyong naririto habang tinutungo ang pintuan palabas. Laking gulat ko na lamang nang mapasok sa isa pang silid, ngunit mas nagulat sa nakita.
The bedroom was connected with this study room. Monochromatic shades of wood encased the interior, and in the middle of the room was Ram. He's sleeping, looking very uncomfortable in that one-seater sofa.
Para bang nananaginip lamang ako, ngunit kay bilis ng tibok ng aking puso. Ang makita siyang naririto ay nakapagpigil ng hininga sa akin.
Noong isang araw ay narito siya, ngunit wala pa yatang bente cuatro oras ay nakabalik na siya ulit.
He's here again. In flesh.
I tried to remain calm, but that was turning near impossible. How was it deemed possible that he was at the other side of the country yesterday, and now, here he was again by my side.
Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang suit na nakasabit sa likuran ng isa pang upuan. His wristwatch, phone and wallet was there too, at sa tabing lamesa ay naroon ang baso at bote ng alak.
Sa pinakamarahang paraan ay umikot ako rito, ang mga mata ko'y tahimik at pagod habang siya ay sinusuri.
Kunot-noo, puno ng pagod ang paghinga, at nakasapo sa noo. Nakataas ang dalawang paa sa kalapit na stool, may pagalit na arko sa mga labi.
His tie wasn't in place. Like, he's trying to discard it but it still didn't came off so he just let it. Hinayaan na lamang niya siguro dahil tulad nito'y pagod na siya at ubos na ubos na.
He should be ruling the company he's left. He hould be acting king, and not playing soldier right now.
Boy, I couldn't quite believe this...
Naging ebidente sa aking paningin ang perpektong pagkakahulma ng mga kaniyang mga braso at hita sa long sleeves at slacks. Ang balikat niya'y tila ba kakawala ngunit nagbaba ako ng tingin sa kaniyang mabangis na mukha.
"Ram," I whispered breathlessly.
But, should I wake him up? That means I'll interrupt his sleep. Maybe, he'll decide to go against it to demand questions.