Pumayag ako sa alok ni Papa, at sumama sa kaniya. Wala akong ibang makitang daan palabas sa problemang nilulubos ako kung hindi ang kay Papa. Pagkauwi ko ng apartment ay nagsimula na akong mag empake matapos itong tawagan.
Mahirap iwan ang lugar kung saan ko natutuhang buohin ang aking sarili. Bago lumabas ng aking matanda at nabubulok na apartment ay isinaulo ko ang mga haligi nito. Pagkatapos, nagpaalam ako kay Mirna atsaka tumungo na sa airport.
People like me, don't we hate changes? Thousands of feet up in the air, I'm leaving the life I had built and spent well. Those were my good years. With good people. The one I treated my family.
For some reasons, I couldn't take myself with me. That all of me was unable to pack up and leave, and just simply stood there waving goodbye. She chose to stay because its so hard to leave the best years of my life.
Habang nasa himpapawid, pumikit ako sa pagsikat ng araw ngunit nagmulat ako ng mga mata nang bumaba na sa kotse, ang paglubog ng araw ay nasa aking gilid.
Ang mahabang driveway, at ang mga pumpon ng puno at anghel sa paligid nito ay hindi pa rin nagbabago. Ang mansyon sa aking harapan ay pareho pa rin sa aking naalala. Ang mala kape at abuhing kulay ng tore-toreng mga gusali, ang mga simbolong nakaukit sa mga haligi.
Parang walang pinagbago dahil heto nanaman akong nakatayo sa lupang ito. Gumagapang akong lumabas, at gumagapang paring pumasok.
"Ang alaga ko! Diyos ko, napakaganda at ang laki na! Bakit ngayon ka lang umuwi, bata ka?" Iyon ang naging pambungad sa akin ng isang maliit at matabang babae, ang kaniyang puting apron ay lumilipad sa kaniyang likuran.
"Nanang Thelma!" Sinalubong ko ng matinding yakap ang tagapagtanggol at taga pangalaga ko dati.
"Kamusta ka na, Chrissy? Alam mo, nang itawag ni Gov na dala ka na niya pauwi, hindi na kami mapakali! Ikaw ba naman kasing bata ka. Ang hilig mag-alsa balutan!"
"Nanang naman po..."
"O'siya, halikana sa loob. Naku, tiyak na mabubusog ka dahil marami kaming hinanda sa pagbalik mo! Andiyan ang paborito mong kare-kare at binangkal! Halikana!"
Nagpatianod na lamang ako sa paghila ng matanda ngunit nang lumingon ako sa aking likuran ay naroon si Papa, kausap ang kaniyang mga tauhang nagpapatrolya.
He looked up at me and his smile reached even beyond the highest towers of my home. Tumango ako rito at pumasok na.
Sa kaunting salu-salo ay nagkamustahan kami ng ilang mga dating maids at gwardya ng bahay, at napuna kong mayroon ding mga bago. Kalaunan ay sumalo rin si Papa at hindi ko napigilang hindi pansinin ang kasimplehan ng lahat. Pumanhik na lamang ako sa dating kwarto matapos.
Katulad ng mansyon, walang pinagbago sa aking kwarto. I was bombarded with pastel colors and complementary furnitures like I expected. Even the floral fragrance from my silky sheets didn't change. Nothing was touched as if preserving something from it.
My fingers traced the spiraling wood of my four poster bed while I scan the antique picture frames lined up. Ang kanang gilid ng aking kwarto ay sinasandalan pa rin ng aking puting cabinet kung saan nakalagay ang aking mga stuff toys and god knows how many pink girly stuffs are in there.
Tumalon ako at sumisid sa aking kama, at tulad ng dati'y para bang sumisid ako sa mga ulap.
This was my life before. Malaki ang pagkakaiba nito sa apartment na halos tatlong buwan bago ako makapagbayad ng renta. But I love my life there. I was a no one but a few someones not only gave me a job, but a home and a family. I built that life and I find it hard to let go.