Dumaan ang mga araw sa mabilis na panahon. Ang dating iniintindi kong pagtatrabaho at pag-aaral ay nadagdagan na. Ngayon, pati ang aking mabilis mag overheat na boss ay isa na rin sa aking mga iniintindi. Sa kaniyang pamamalakad sa bistro ay ay humigpit ang mga patakaran dito. Naging mahirap na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.
Ilang gabi rin akong hindi pinatulog noong huling nangyari sa amin. At kung makapagsalita naman ako ay para bang totoo ngang may nangyari!
Sa bawat gabi, bago ako matulog at sa bawat umaga, bago ako umalis ay naalala ko ito. Ang baritonong boses ng aking boss noong gabing iyon, at ang gahiblang layo namin sa isa't isa. Napeperwisyo na ako dahil ang kahit na anong init na aking nararamdaman ay hindi tumumbas sa init ng kaniyang mga bisig noon.
Ahh, naalala ko nanaman!
Mahina akong napamura sa hanging namamayagpag dito sa oval. Dito naisipang magpatipon si Zelda, ang aming group leader na puros project ang nasa bokabularyo.
"Chrissy! Nakikinig ka ba?" Minulagatan niya ako ng mga mata habang sa inaayos ang mga cut outs.
Napanguso ako rito at tumango. Kung anu-ano pa ang kaniyang sinabi tungkol sa mga hindi pagsipot sa mga overnights. Hala, siya kaya ang magkaroon ng boss na utak ostrich at ang puso ay nagliliyab sa lamig! Hindi ko na ito pinakinggan sa kaniyang mga dada.
Natagpuan ko ang sarili na nagbabasa ng mga texts ni Eamonn. Mabait naman ito at mukhang hindi palamunin. Kung sana ay pagiging kaibigan ang habol niya.
Sa aking pagbabasa ng mga texts ay mayroong dumating na bago. Agad ko itong binuksan.
Mirna:
Punta ka na now sa bistro. ASAP.
Kumunot ang aking noo. Huwag niyang sabihing...my goodness! Sa broad daylight talaga? As in ngayong napakataas ng tirik ng araw?
Mabilis akong nag-reply.
Ako:
Naglasing ka ba kagabi o ASAP iyan talaga?
Nagulantang ako habang naghihintay ng pagdating ng reply nito. Ding!
Mirna:
Ulol umaga lang pasok mo ngayon. Magpunta ka na rito. ASAP.
Napamura ako ng tuloy-tuloy habang malakas na dumukdok sa bakal na mga upuan. Si Sir Ram! Si Sir Ram nanaman ang dahilan! Iyan nanaman kasi ang dahilan, si Sir Ram nanaman ang dahilan, ang boss naming needy nanaman. Needy na, at clingy pa!
"Zelda...Uy, Zelda..." Kinalabit ko ang aming leader habang nakangiti nang pang-anghel.
"Ugh! Ano nanaman, Chrissy? Aalis ka nanaman? Palagi ka na lang MIA!" bulyaw nito sa bistado kong mga alibi.
Minura ko si Mirna sa isip dahil nasa kaniya ang aking schedule. Alam niyang bumawi lamang ako sa free day ko para makatulong dito sa project namin.
Sa maikling byahe ay nakadukdok lamang ako sa aking mga hita, nagkukunwaring tulog upang hindi makapagbayad. Ganoon din ang ginawa ko kaninang papunta dahil hindi naman kasama sa budget ang panggastos ko ngayong araw.
Nang datnan ko ang bistro ay para itong sinabugan ng granada at ang mga nasa loob ay palakad-lakad dahil hindi alam ang gagawin.
Naglaho ang aking planong magpaulan ng apoy sa second floor ng bistro dahil sa aking nasaksihan.