Ang Pang-Labing Dalawa

42.2K 877 136
                                    

"Ito na 'yung bayad..." 

"Nagbayad ka pa, Chrissy? Wala ka rin naman lang ginagawa! Sus," irap ni Pia na aking kagrupo.

Tinanggap pa rin naman nito ang aking kontribusyon. Masyado na akong busy kagabi. Napabuntong hininga ako nang bumalik muli sa aking upuan. Doon ako dumukdok para tahimik na umungol. Pakiramdam ko ay lantang-lanta ako dahil hindi wala akong tulog kagabi.


Natapos ang iilang subject namin na hindi ako maka-focus. Pinipilit kong ipundar sa aming mga lessons ang aking konsentrasyon ngunit ayaw ng aking utak.  Hinilot ko ang sentido habang kumakain kami ngayon ni Lucy ng lunch.

"Stressed ka, Chrissy?" kyuryuso niyang tanong.

"Mukha ba?" sabi ko atsala sinilip ang sarili sa repleksyon. Dry ang aking mukha at may eyebags na ako. Damn!


Hanggang ngayon ay inuulit pa rin sa akin ng aking utak ang nangyari kagabi. Hindi ko makakalimutan ang lakas ng intensidad ng mga mata ni Sir Ram at kung paano ko ito nasagot na lamang ng ganoon. Muli akong napamura ng mahina. 


Hindi ko iyon sinasadya. Napapagod lamang ako at napupundi! Ayaw kong sagutin si Sir Ram dahil boss ko pa rin iyon ngunit sumusobra na rin siya.

At nang maalala ko naman ang pangunahing suliranin ay tingin kong hahabulin ako noon hanggang panaginip. Paano ko ba matatanggihan ang aking kapatid at ang kaniyang alok?

Kung sana ay pwede kong sabihin na tatanggi ako dahil ayaw kong magsuot ng makating gown!


"Don't worry, Chrissy. I'm sure tanggal ang stress mo mamaya." ani Lucy atsaka pumalakpak habang naglalakad na kami patungo sa susunod na klase.

Napatingala na lang ako sa nadaraanan naming mga punong magkakaakbay. "Bakit naman?"

"Naku, pupuntahan ka raw ni Eamonn mamaya! Ang sweet niya talaga, ano?" Kinikilig si Lucy ngunit ibig ko na itong bigwasan.


Kung sakaling totoo man ang sinasabi ni Lucy ay bakit ako nito pupuntahan? Dahil ba nitong mga nakaraang pagtawag niya? Baka kung ano na ang isipin noong si Eamon...

Dahil masakit na ang aking ulo ay ayaw ko na itong isipin pa. Nagpokus na lamang ako sa aking mga prayoridad.


Hapon na nang matapos ang aming klase sa university. Ang susunod ay ang madugong duty. Ito ay ang mga gabing sa sobrang antok ko ay hindi ko na alam kung multo o tao pa ba ang aking mga pasyente. 

Malaki at kilala rin ang ospital na kaakibat ng aking school. Puting-puti ang mga dingding at ang aking suot kaya naman mas lalo akong nagiging maputla dahil sa natural na maputing kulay. Ang amoy ng disinfectant ay masyadong matapang at imbes na kalinis ang pumasok sa aking isip ay puros mga death scene.


"Good evening, Chrissy! Ang ganda mo talaga sa white..." Ngumisi sa akin si Jaime nang makarating ako ng nurse station.

"Oh? Bakit ganyan ka makangisi?" Inikutan ko ito ng mga mata. Hinanda ko na ang aking mga gagamitin para mag round sa mga pasyente.

"Alam mo namang tropa ko si Eamonn, hindi ba?" Nakangisi pa rin ito.

"Oo naman." Napakamot na lamang ako sa ulo. 

"So...mabagal yata ang progreso--" 

Eksaktong tumunog ang buzzer kaya naman nagtungo ako sa ward. Nakatakas ako kay Jaime na mahilig ding mang-usisa. Kay lalaking tao ay tsismoso! Palibhasa, delikado ang grupo ng mga lalaki dahil ang bawat detalye ng mga pangyayari ay ora mismo nilang ipinagkakalat!

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon