Pagkatapos ng nangyari ay nanumbalik na kami sa tent. Patay malisya na lamang ako kahit na ang pinakamainit na buga ng katimugang hangin ay walang binatbat sa aking leeg at dibdib na pinag-ukitan ng mga buntong hininga ni Ram.
Still, Ram proceeded with the business in superiority. He was looking at me every five seconds like I might disappear, his eyes turning cold and lifeless every glance.
Nanatili akong mulat at pinipiling maging ignorante sa kaniyang mga tingin. I once again busied myself with my phone. Gabi na rin nang makauwi kami sa kaniya-kaniyang mga bahay.
Sa mga sumunod na araw ay ganoon ang ginagawa naming magpipinsan. Nakasunod kami kay Arjuna tungkol sa proyekyo at kaniyang mga desisyon. Ang isa ko pang pakay ay obserbahan kung ano ang susunod na mga mangyayari.
Its been days since my incident with Ram, and he'd been resilient. Ang mga tingin niyang binabato sa akin ay nananakit at nang aakusa, pinapakitang nasaktan ko talaga ang kaniyang damdamin.
Minsan ay gusto ko na lamang itong kumprontahin, sabihing wala akong pakielam kung nasaktan ko siya ngunit mas pinipili kong ignorahin na lamang ang kaniyang pettiness.
It was a shady morning today and I was finished with my morning jog. Nilapag ko ang aking water bottle sa counter atsaka nagsimulang tanggalin ang sintas ng aking puting sapatos. Ang aking side braid ay dumudungaw sa aking pisngi kaya naman tinabig ko iyon.
My phone beeped on my armband. It was Sean saying his good mornings. Umakyat na muna ako sa kwarto upang mag shower. I wore a white racerback and pambahay shorts. Bumaba ako pagkatapos mag shower at habang kumakain ng salad ay nag request naman itong makipag FaceTime na aking inaprubahan.
"Hi, Chrissy! Miss me?" his flashing smile beamed at me.
Umikot ang aking mga mata. "What?"
Hawak ko ng isang kamay ang iPhone habang ang kabila naman ay ang tinidor na pang subo. Matama ko siyang tinitigan sa screen. Tila ba kagigising lang din nito. Nakauwi na iyan dito galing Manila.
"No? That's okay, I guess." Sean pouted at the screen and looked really really sad.
"What's the problem?" sabi ko habang pinagmamasdan ang kaniyang paligid. Nasa kama pa rin siya atsaka gulo-gulo ang buhok. Tumagilid ang aking ulo.
"You're not replying again, Chrissy." He grinned lazily at me and put an arm behind his head. Bumaba ng kaunti ang kaniyang kumot and I saw that he's half naked.
Well, if you put it that way...
"I'm busy," I paused dahil nagbaba ako ng tingin sa aking bowl. "Well, busy eating."
"Ouch! Really, Chrissy! Pinagpalit mo ako sa food?"
"Food is necessary, unlike men," ngisi ko habang patuloy na sumusubo ng pipino.
"Hey! If it weren't for men, we'll have zero population, no legacies, no next generations. I'm important too more than your poor excuse of a breakfast."
"Bakit, lalaki ba ang nanganganak?" Humalakhak ako nang mahinang nagmura si Sean. Umiling na siya sa akin, at dahil napatawa na niya ako ay nakangisi na rin siya. Silly boy.
"Fine, fine. You win. So tell me, how was your day yesterday? Will something entertain me again?" ngisi ni Sean.
This was becoming his hobby. He likes asking me about how everything went. Kumikintab ang kaniyang mga mata kapg nagkukwento na ako. It all started ever since Arjuna's project. Hindi ko ko naman kinu-kwento kay Sean ang aking kaso ngunit iyong mga parteng hassle ngunit nakakatuwa lang. He enjoys it every time.