Ang Pang-Dalawampu't Siyam

37K 733 142
                                    

Habang nasa daan kami ay sumabay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ito ang nanaig sa buong byahe. Mas lalo ko lang naramdaman ang dagundong ng aking mga emosyon. 

Tumigil ang sasakyan ni Ram sa harapan ng aking apartment. Nagpasalamat ako rito bago bumaba, bago sugurin ang umaatikabong unos.

Sa ilalim ng ulan ay walang humpay ang pagtindig ng aking mga balahibo. Pinapasukan ng tubig-ulan ang aking mga mata kaya mas lalong hindi ko masusian ang kandado ng apartment. Nanginginig na ang aking mga kamay sa galit.

Napaawang ang aking bibig nang mayroong mga kamaong sumakop sa nanlalamig kong mga kamay. Hirap kong tiningala si Ram.

Kahit tumatama sa kaniyang katawan at mukha ang mga malalakas na patak ng ulan ay ebidente pa rin ang nananaig na emosyon sa kaniya. 

Nang hilahin niya ako pabalik sa kaniyang kotse ay wala akong nagawa. Nanlambot ang aking mga tuhod sa kaniyang paanyaya.

"Basa na ang car seat mo," puna ko.

"Nevermind that. You'll stay with me..." Pumikit ng mariin si Ram, kunot ang noo at nagdidikit ang makakapal na kilay. Napasuklay ito sa buhok.

Nanatili akong nagmamasid sa kaniya habang patungo na kami sa kaniyang bahay. Patuloy ang kaniyang paghingang malalim at dahil doon ay mas lumalapad pang lalo ang kaniyang dibdib. Matayog ang lakas ng intensidad sa kaniyang mga mata. Hindi man lang ito natinag sa lamig ng ulan.

Nang ito ang nagbalik ng tingin sa akin ay tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Ganoon na lamang kalakas ang lagabog sa aking dibdib. 

"You're cold," inis niyang saad at muling binalingan ng tingin ang daan.

Pakiramdam ko ay maiiyak na ako dahil hindi na niya ako tinitingnan ulit. Halos mapugto ang aking hininga sa panghihina dahil ako itong nakasulyap sa kaniya, at siya itong nakatingin sa iba.

Napamura ako sa aking isipan dahil ganoon kalakas ang epekto sa akin ni Ram. Ultimo kaniyang tingin ay hinahabol ko na kaagad.

Hindi iyon nakakabuti. Nagmamarka kaagad at nakakabaliw. Nakakawala ng kontrol.

Hindi rin kalaunan ay nakarating na kami sa kaniyang bahay. Sinenyasan ako nito na huwag muna akong bumaba. Bumaba ito at sinugod ang buhos ng ulan. Sinangga niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtaas ng braso sa mukha.

Pinanuod ko itong buksan ang gate ng garahe. Basang-basa ito nang pumasok muli upang ipasok na ang sasakyan.

"Si Kyen?" mahina kong sabi nang makapasok na sa kaniyang bahay. Walang nabago noong huli kong punta rito. Malinis at maayos pa rin. 

"She's clubbing," iling ni Ram habang tinatanggal ang sapatos. Dahil bukas ang lahat ng ilaw dito sa bahay ay kitang-kita ang bakat na bakat ang hubog ng kaniyang katawan. Ang bawat matitigas na haligi ay nadedepina sa basang t-shirt.

Tumahimik na lamang ako.

"Sit. Kukuha lang ako ng towels," aniya at mabilis na pumanhik sa itaas. Tumango ako rito kahit na hindi na niya nakikita pa.

Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ang ginaw. Naupo na akong sofa at binaba ang bag sa aking paanan. Medyo basa iyon ngunit sigurado akong hindi pati ang loob. Dinampot ko ang cellphone nang makita iyon.

Mabilis kong dinutdot ang keypad. 

Ako:

Jaime. Nagkita kami ni Eamonn sa field at nagkaaberya sila ng kasama ko. Check him please. Lasing iyon.

Walang atubili kong pinadala ang mensahe. Ngayong umuulan ay mas lalo akong kinakabahan sa kalagayan ni Eamonn. Hanggang ngayon ay hirap pa ring magproseso ang aking utak dahil sa nangyari. Ayaw kong mag-isip ng masama tungkol sa kaniya dahil kaibigan ko siya. Sinusubukan kong kahit katiting ay huwag pagbintangan siya ng kung anu-ano.

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon