My Guardian Angel *7

202 2 1
                                    

Sorry po kung matagal yung UD :)  #MBSS on Twitter

-----------------------------------------------

KATH'S POV

Kahapon lang kami nagkakilala ng mga bago kong kaibigan pero bakit ang gaan kagad ng loob ko sa kanila? Siguro namimiss ko lang yung mga katropa ko...

Habang nagkwekwentuhan kami kahapon, napansin ko na laging nakatulala si Ivan. Habang lahat kami ay laptrip sa kalokohan ni Mark, siya naman parangb malalim lagi ang iniisip.

Ngayon, nasa caffeteria 1 ako para i-meet yung mga bago kong mga kaibigan. Dito na ata yung meeting place eh.

Wala pa sila. 20 minutes na ang nakalipas sameeting time namin. Habang hinihintay sila ay nagbasa muna ako ng libro.

ANGEL'S POV

"30 minutes na! Pumunta na kaya tayo kay Patricia? Baka naiinip na yun!" sabi ko sa kanila. Naiinip na rin kasi ako dito eh. 

Kasama ko nga pala yung tropa. Nandito kami sa gym ng naalala ko si Patricia. Pupunta nga pala kami sa Cafeteria.

"Nakalimutan mo na ba? May gagawin kaming project. Yung sa arts? Kung gusto mo, mauna ka na muna dun. Naiinip ka na rin kasi eh." sabi ni Mae. Oo nga pala, may project pa sila na dapat tapusin. Kaya nga pala kami nandito sa gym.

"Ay sorry, nakalimutan ko. Sige, ako muna papalit habang wala kayo dun kay Pat. Kung makakahabol kayo, pumunta nalang kayo dun ha!" sabi ko nalang sa kanila. Totoo yung sinabi ni Mae, naiinip na talaga ako dito. Ako lang kasi yung walang ginagawa dito. Nakatapos na kasi ako sa project ko.

"Sige. Mabuti na yun. Mukhang hindi kami makakahabol eh. Pakisabi nalang kay Patricia na pass muna kami ngayon." sabi ni Otto. Nag-agree na rin si Kyra. Pero si Daniel, walang kibo parin.

"Sige, mauna na ako." paalam ko. Papunta na ako ngayon kay Pat.

Nandito na ako at nakita ko na siya. Nagbabasa nanaman siya ng libro. Nilapitan ko na siya.

"Patricia, sorry na-late ako. Kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kaniya. 

"Oo. Kanina pa ako dito. Ok lang yun. Wag ka na magalala. Nasaan nga pala yung iba?" Halata sa boses niya na bored na bored na talaga siya.

"Sorry talaga ah. Nasa gym kasi sila. Gumagawa ng project. Dun muna kami dumiretso kaya na-late ako sa pagpunta dito." 

"Ganun ba? Ok lang talaga. Wag ka na magsorry. Naiintindihan ko." sabi naman niya. Ang bait bait  talaga niya! Kung si DJ lang to, malamang galit na galit na to sakin. Hindi tulad nung mga bata pa kami, napakabait nun. Naalala ko nanaman si Chandria. Mabait rin kasi yun eh.

"Salamat. Ang bait mo talaga! At, by the way, sigurado gutom ka na. Bibilhan nalang kita ng food.  " Ililibre ko nalang siya para naman makabawi sa pagkalate ko. 

Nakabili na ako ng pagkain namin after 5 minutes. Eto, kumakain na kami. Nagkwekwentuhan parin kami hanggang sa maubos na namin yung food namin.

"Nag-yaya nga pala si Dan---- ay si Ivan pala. Sa uwian nga pala, treat daw niya. Sa Starbucks lang naman." Grabe, muntik na ako mabisto. Bakit nga pala kailangan ibahin yung mga pangalan namin?? Nakalimutan ko na! Eh! Mamaya na nga!

"Ah ganun ba? Sige sasama ako. Ok lang ba kung samasama tayo pumunta dun? Diba medyo malayo yun? Pwede bang makisabay?" tanong naman niya sakin. Sa totoo lang, wala talagang balak mag Starbucks ni Daniel. Sabi-sabi ko lang para kahit papano, may bonding naman sa bago naming friend. Mula nung nawala si Chandria, hindi na kami uli nakipagkaibigan. Miss ko na rin kasi yung "bonding time" ng tropa.

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon