My Guardian Angel *27 It's Chandria

113 2 0
                                    

[D]ANIEL'S POV

Nakabalik na kami ng Manila. Ang P5, buo na ulit. Hindi na kami mag-iiwanan. Si papa naman, bumalik ng amerika para sa isang business meeting. Ang barkada, ganun parin. 

Dahil sa pagod, natulog muna ako. I hoped for another dream about Cha para malaman ko kung bakit siya umalis.

------------------------------------------------------------

Naririnig ko nanaman siya. Pero, tulad ng dati, umiiyak. Tinignan ko kung anong date ngayon sa panaginip ko. April 22. Ang araw bago niya kami iwan.

Nasa isang ospital ako. Pero, may iba pang tao maliban kay Cha at hindi siya ang naka-confine dito. Nakahiga sa kama ang isang 30's na babae. Si Cha-cha naman, naka-headsdown sa paanan ng babae. Umiiyak nga siya.

May pumasok na lalaki sa kwarto. Nasa 30's na rin. 

"Tito!" tawag ni Cha-cha sa kaniya at niyakap niya yung lalaki. 

"Kamusta na ang mommy mo? Ok na ba siya?" tanong nung tito niya.

"*hik* *hik* Sabi po nung doktor, may gamot na pong makakatulong kay mama." Chandria.

"Oh, yun naman pala eh. Bakit ka pa malungkot?" tito niya.

"Sabi rin po niya, mahal ang gamot na yun. Galing pa daw pong ibang bansa." Chandria.

Kaya pala. . . Kaya siya umalis ng Pilipinas dahil sa nanay niya. At dahil sakin. Ako rin ang dahilan.

Naalala ko na may tito akong doktor sa amerika. May kakilala rin siyang doktor na makakatulong sa karamdaman ng nanay ni Chandria. 

Lumabas muna ang tito niya. Bumalik na siya sa inuupuan niya kanina at yumuko muli.

"Chandria, magpagamot kayo sa amerika. Hanapin niyo si Dr. Jay Padilla. Makakatulong siya sa karamdaman ng nanay mo." Ako.

Napatingin siya sa kisame. Tapos sa nanay niya. Tumingin siya ulit sa kisame.

"Salamat po. Alam ko naman pong hindi niyo kami pababayaan." Chandria.

At ngumiti na muli. Alam kong hindi ko kayo kayang biguin.

"Salamat, Chandria. Kasi, kahit na alam mong hindi naman ako masyadong nag-eexist, naniniwala ka parin sakin. Sana balang araw, patuloy mo parin akong pagkatiwalaan." Ako.

"Shempre naman po! Kayo na nga lang po ang tumutulong sakin palagi eh! Alam ko naman pong nandyan lang kayo at binabantayan niyo ako. Nagpapasalamat rin po ako sa inyo." Cha-cha.

Nagblur na ang paligid. Tinatawag ko siya. Pero, wala nang sumasagot. Now, I want to be awake. As soon as possible.

---------------------------------------------------------------------------------------

Pagkagising ko, nakita kong nasa sala si Allen. Nanonood ng TV. Pinayagan ako ni papa para tumira muna siya dito. Para may kasama naman ako.

Nagluto na ako ng makakain at kumain na kami nitong makulit na bata.

------------------------------------------------------------------------------------------

Gabi nanaman. Gusto ko nang matulog. Ano na kayang nangyari kela Chandria at yung nanay niya?

Blurred nanaman ang paligid. Pero, unti-unting lumilinaw. 

Nasa isang playground ako. Tinignan ko ang buong paligid. Hindi lang pala playground. Sementeryo. Gabi rin.

Malamig ang klima dito. Nasa Amerika ata ako.

Pinuntahan ko yung isang maliit na chapel. Nakita ko dun yung lalaking yumakap kay Chandria noon nung nasa ospital siya. Medyo tumanda na ang itsura. Nakaputi silang lahat.

Nag-iiyakan sila. Hinanap ko si Chandria. Pero, may isang babaeng pamilyar ang nakita ko dito. 

Kamukha niya si. . .

Si Patricia.

Umiiyak rin siya. Nasa harap siya ng isang kabaong. 

At ang laman ng kabaong ay ang bangkay ng nanay ni Chandria.

Imposible! Siya si. . .

"Chandria! Halika na!" sigaw ng isang matandang babae sa likod niya.

Lumingon si Chandria at sumama dun sa babae. Umupo sila sa pinakaharap na upuan.

Biglang bumilis ang pangyayari. Ang huling nakita ko ay tumakbo si Chandria palabas ng chapel. 

Sinundan ko siya. Nakita kong nagsu-swing siya sa playground habang umiiyak.

Lumapit ako para i-comfort siya.

"Chandria, huwag ka nang umiyak. Alam ko ang nararamdaman mo." I lied. Hindi ko man nararamdaman ang nararamdaman niya ngayon, naiintindihan ko naman siya.

"Alam mo, mahirap mawalan ng mahal sa buhay. Lalo na kung magulang mo pa ito." Ako.

"Wala na nga po si papa, tapos, iniwan na ako ni mama. *sob* " Chandria.

"Gusto mo bang mapag-isa?" Ako.

"Hindi na po. Kailangan ko kayo. Wag niyo po akong iiwan ah!" Chandria.

"Oo, naman! Promise!" Ako.

"Promise!" Chandria.

Ngumingiti na rin siya ngayon. Tumigil na siya sa kaiiyak.

"Heads up!" sinunod niya ako.

"Lagi mo lang tignan ang mga stars. Lalo na, pag malungkot ka. Tapos, isigaw mo lang, 'WALA NA ANG BAD MEMORIES!!'" Ako.

"WALA NA ANG BAD MEMORIES!" sigaw niya.

"Guardian Angel? Salamat ah! Wala na nga! Ang galing mo! Sana, buhay ka. At kung buhay ka, sana magkakilala tayo, kahit na matanda ka na. Para may Guardian Angel din ako dito sa lupa." Cha-cha.

"Buhay naman ako eh! Nakakausap nga kita oh!" Ako. Ang gusto ko talaga sabihin sa kaniya, buhay talaga ako. Kahit hindi sa panaginip.

"Ikaw naman eh! Ikaw na nga ang nagsabi sakin na iniisip lang kita eh! Pssshhh! Sige na nga! Uuwi na po ako!" Cha-cha.

Nagdidilim nanaman ang paningin ko. 

"Pshhh! Eto nanaman! Gigising na ba ako?! Ayoko pang magising eh! Tsk!" sabi ko sa sarili ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon