My Guardian Angel *21 TBKD...

116 1 2
                                    

[D] J'S POV

Nagising ako sa pagkakaring ng cellphone ko sa may cupboard.

"Hello?" Antok na anotok pa ako kaya hindi ko masyadong nakita kung sino ang tumatawag.

"Hello, sweetheart! Musta na ang vacation natin ha?" hindi ko sigurado kung kaninong boses ito. Boses BABAE. Pero alam kong pamilyar na pamilyar.

"Teka, sino to?" tanong ko sa kausap ko.

"Uy, sino pa ba ang tumatawag saiyo na sweetheart? Nagbakasyon ka lang nakalimutan mo na kami..." sabi nito. Pero, naging lalaki na ang boses niya.

"Teka, ikaw ba yan Otto!?" sigaw ko dun sa kausap ko sa telepono.

"Hay nako. Bat ngayon mo lang nalaman, ha sweetheart? Anyways, our deal is cancelled na sweetheart. Diba yun yung gusto mo? Then, yan na ang gift ko sayo." sabi ni Otto. Kumpirmado, dahil siya lang ang tumatawag sakin na "sweetheart". Nagbabakla-baklaan nanaman si Otto! Pssshh...

"Teka, ano ba yung deal natin? Pero, may deal ba tayo?" Hindi ko talaga matandaan kung nagkaroon kami ng deal.

"Hay, nako. Yung kay Patricia, shempre!!" boses lalaki "You don't remember na sweetheart? Awww... You're old na talaga... Hi-hi-hi" ginagaya ni Otto ang boses ni Kris Aquino.

"Hoy, tigilan mo nga ako, Otto! Inaatake ka nanaman ng kabaklaan mo ngayon! Ang aga-aga pa oh! Sus!" badmood nanaman ako. Ang aga-aga kasi tas may nagbabaklabaklaan pa tas--- basta, ewan ko kung ano problema nung si Otto!

"Oh, ayan na. Matino na'ko ha. Basta, eto lang yun, we're stopping the deal. I cancelled it. Sa tingin ko, masyadong maganda si Patricia para sakin. Mas bagay nga kayo eh!" asar pa niya. Pero atleast, na-stop na rin yung kabaklaan nito.

"Hoy! Mabuti na yung tinigilan mo na yung kalokohan mo, pero parang dinadagdagan mo pa eh! Pero pre, kamusta na kayo jan? Yung tropa? Alagaan mo yung girls ha, tandaan mo, kuya ka nila. Malalagot ka sakin kapag may mangyari sa isa sa mga babae sa tropa natin!" sabi ko sa kaniya. Yung mga babae na yun, sila talaga yung tinuturing kong mga kapatid. Dream ko kasing magkaroon ng kapatid na babae lalo na't mas bata sakin. Yun yung dahilan kung bakit malapit na malapit ako kay little Chandria at kay Janella. (Si Janella yung lost girl sa hotel nila Mae)

"Oo nga, dre. Miss ka na rin ng mga kapatid natin dito. Lalo na, kuya ka namin. Miss ko na rin yung mga lakad natin, kuya. Bumalik ka na kagad dito ah!" sabi ni Otto. Siya na yung tinuturing kong JC (mas nakababata na kapatid na lalaki na nasa amerika) sa tropa namin. Hindi ko kasi naramdaman yung pagka-sincere ng pagiging kuya sa kapatid ko marahil dahil din kasi nasa amerika sila ni mama.

"Oo, pag nakaget-over na ako dito. Nasa Pampanga nga pala kami ni papa. Abangan niyo nalang ako sa TV ha? Yun na yung magiging suprise ko sa inyo. Sabihan mo na rin yung girls.... with Patricia..." sabi ko sa kaniya. 

"Sige, basta, gandahan mo yung suprise ha?" request ni kapatid.

"Ahahaha. Ou, pero kailangan ng PATIENCE. Tandaan niyo lagi na ang PATIENCE IS A VIRTUE. BAGO GUMAWA NG MALI, PAG-ISIPAN MUNA. Sige, good-bye na, ikamusta mo nalang ako sa mga kapatid natin. Basta balitaan mo nalang yung tropa. Ingat kayo." at binaba ko na yung phone. Nag-ulat ako kasi biglang sumigaw si papa.

"ANAK!!! ANAK KO!! DANIEL!!!" sigaw ni papa. Tumayo na kaagad ako sa kama at pumunta sa kwarto niya. 

"Oh, pa. Ano nanaman po ba? Bakit sigaw kayo ng sigaw?" tanong ko kay papa na hawak hawak ang cellphone niya. Nakita ko ang saya sa mga mata niya. 

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon