My Guardian Angel *8 Birthday Planning

208 1 5
                                    

KYRA'S POV

Nandito na kami ni Kuya Otto sa bahay namin. Kararating lang rin namin galing sa Starbucks kanina. Naalala kong April 26 na nga pala ngayon at malamit na ang birthday ni DJ. Naisipan kong pumunta sa kwarto ni kuya para alalahanin siya tungkol dito.

*tok* *tok* *tok* "Kuya? Gising ka pa ba?" bungad ko sa pintuan niya. Nakahiga lang siya sa kama niya.

"Oo, gising pa ako. Bakit?" 

"Pwede ba tayong pag-usap?"

"Bakit? Tungkol saan? May problema ba?"

"Hindi kuya. Wala naman. Tungkol lang sa birthday ni DJ. Diba sa 30 na yun?"

"Ah oo nga pala. May plano ka ba?"

"Wala pa nga eh. Pagplanuhan kaya natin ngayon. Supresahin natin siya. Sabihan narin natin si Patricia."

"Sige tama. Party sa school?"

"Parang ang cheap naman. Sa resort kaya? Diba may resort sila Mae? Dun nalang!"

"Oo.Tama! Maganda yan! Ikaw na bahala sabihan si Patricia at sila Mae. Ako na bahala sa party niya dun."

"Sige kuya. Itetext ko nalang si Mae. Bukas ko naman sasabihan si Patricia. Sige kuya sabihin mo nalang sakin yung plano mo bukas ng umaga. Inaantok na ako eh. Goodnight!"

"Sige goodnight." At dumiretso na ako sa kwarto ko at pinagisipan kung papaano namin susupresahin si Niel. 

---Kinabukasan---

OTTO'S POV

"Oh, kuya! Good morning! Ano na plano natin!? Excited na ako!" Bati sakin ni Kyra. May naisip na kasi akong plano sa birthday ni Pareng DJ. Pati ako excited na rin!

"Good morning rin. Gusto mo na ba talaga malaman?" 

"Shempre naman kuya!" 

"Sige. Ganito kasi yun... Sa school, regular day muna. Kunwari nakalimutan na natin na birthday niya. Magpapanggap tayo na marami tayong gagawin na group projects at activities. Pero, ang totoo, pinaguusapan na natin yung program sa resort. Pakikiusapan natin yung ibang students na magreact na walang meron or walang cinecelebrate. Then, may magsasalita sa stage. At tayo yun. So, rinig sa buong university yung sasabihin natin. Gagawa tayo ng maikling speech para sa kaniya. At kakantahan natin siya ng Happy Birthday. Sa resort naman, kailangan muna natin kausapin yung mga magulang ni Mae para sa party. Overnight sana eh. Iimbitahan rin natin si Patricia. Tayo-tayo lang naman. Ok lang ba yung plano??"

"Grabe kuya! Ang galing mo naman mag-organize! Ok na yun para sakin. Gusto naman niya simple lang eh. Sasabihan ko nalang sila mamaya."

"Sus! Nambola ka pa!"

"Grabe kuya! Buti alam mo na binobola lang kita! Hehehe!!!" 

"Nakakainis nanaman tong kapatid ko na to! Grrrr!" sabi ko sa sarili ko. "Reyna ng Pambobola" kasi yng kapatid ko na yan. Nakakainis nga eh!

---FastForward---

Nasa school na ako. Plano kong ngayon ko na sasabihin kela Mae at Gelay yung plano para mapaghandaan na kagad.

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon