My Guardian Angel *6

248 2 1
                                    

Sorry po kung hindi natuloy yung UD kahapon. May pinuntahan po kasi eh.. Sorry!! 

--------------------

DANIEL'S POV

Dumaan ang ilang mga araw na nasa "normal" lang maman. Yung normal na GHOHO, Group HangOut HangOut lang sa tambayan. Kami naman ni Ms. Babs, nagpapansinan lang pag kailangan. Pag may school works at projects. At ako naman, ganto parin... Hindi ko parin talaga maipakita ang secret side ko. Yung pagiging goodboy sa ibang tao.

Nandito ako ngayon sa tambayan. Pumasok na yung apat.

"Oh, DJ! Bat parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong sakin ni Mae. Siya kasi yung laging nakakapansin ng mga feelings namin sa loob. Kahit na hindi mo pinapakita at di naman halata, nalalaman niya palagi. Ano siya manghuhula? Dejoke, ganun lang talaga yun!

"Ah. Ummm.. Namimiss ko lang kase si Cha-cha. Kung andito lang yun, edi sana kompleto tayo ngayon. Sana, hindi ko na kailangan gawin to." Sabi ko nalang sa kaniya.

"Ano naman kinalaman ni Cha jan sa..... Sa kung ano-anong.... Sa ginagawa mo?" Tanong sakin ni Gelay.

"Tanong mo kay Otto! Hmmph! >.< Nakakabadtrip kase! Pasensiya na guys, nakakabadtrip lang kase yung plano. Lalabas muna ako." Siguro, kailangan ko lang lumabas muna. Makahinga muna sa dami kong iniisip ngayon.

OTTO'S POV

"Nabisto na ako! Dapat kase hindi ko muna sasabihin sa mga babae yung plano namin ni DJ. Eto na yung giyera. Ang malala pa, iniwan ako sa ere ni DJ! Pambihira!"

"Hoy Otto! Ano nanaman yang pinaplano niyo ni DJ ha?!" Gelay.

"Kuya, bat mo naman hindi sinabi to samin?" Kyra.

"Eto ka nanaman! Magtapat ka nga! Ano yun? Ano nangyayare dun?" Mae.

"Teka, teka. Eto na, sasabihin ko na... Sabi ko kay Daniel......"

"...pare, kilala mo ba yung babaeng naka-3 points nung nag PE tayo? Yung natamaan ng bola sa ulo?"

"Hinde. Ano naman ngayon?"

"Ano?!?!? Ano naman ngayon?! Syempre, tutulungan mo akong makaporma dun! Expert ka pagdating sa ganun diba? Pre naman!"

"Ayoko. Gawin mo yun mag-isa."

"Sige na pre! Ganto nalang... Magbato-bato-pik tayo. Pag ako nanalo, tutulungan mo ako at gagawin mo kung ano ang sasabihin ko. Ok ba? Game?"

"Pag ako naman ang nanalo, hinding-hindi na natin pag-uusapan yung babaeng yun. Game na!"

At shempre... Ako yung nanalo.

"Oh, pano ba yan? Ako nanalo! Okay. Let's start. Ngayon, ang pangalan mo ay Ivan. Ako naman si Mark."

"Taktingyan! Bat naman natin kailangang ibahin yung pangalan natin? Ang lakas ng trip mo ah!"

"Wala lang! Tol, walang basagan ng trip dito, ok? Basta, magsisimula tayo next week."

-----Back to Reality-------

"Kayo rin may mga bagong pangalan. Ikaw Kyra, Kiara na ang pangalan mo. Si Mae, Mia. Si Angel, Gelie. At oo nga pala.. ngayon na tayo magsisimula!" sabi ko sa kanila habang nakangiti.

"Wala naman kaming choice eh. Si Niel kasi nagpatalo eh! Nakakainis!" inis na inis na sinabi ni Kyra. Siguradong agree narin yung dalawa. Ok lang naman yung plano diba?

MAE'S POV

Sa totoo lang, hindi ako agree sa plano ni Otto. Ayaw ko kasing makipagplastikan sa ibang tao eh. Siguro, yun din ang dahilan kung bat ayaw rin ni DJ yung plano ni Otto. Lahat naman kami sa tropa hindi pakitang-tao, ayaw na ayaw namin yung nakikipagplastikan sa iba. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyare kay Otto eh.

Kasama nga pala sa plano yung ibang students kasi nga diba nag-iba kami ng pangalan? Eto yung nangyari...

---Flashback---

Nagpatawag si Daniel ng meeting sa stage hall. Lahat ng teachers pati students nandoon maliban lang sa girl na popormahan ni Otto. Sinabihan ni Daniel yung guard na hindi siya papapasukin at sasabihing bukas nalang siya uli pumasok. At ayun! Ok pa naman..

Sa meeting...

"Alam niyo ba kung bakit ko kayong lahat pinapatawag? Ito ay dahil mula ngayon, Ivan na ang tawag niyo sakin. Kay Dimitri ay Mark. Kay Kyra ay Kylie. Si Alyssa naman ay Mia at si Angel ay Gelie. Maliwanag ba? At kung sino man ang hindi sumunod dito, pwede na kayong maghanap ng bagong university na papasukan. Uulitin ko lang. Ako na ngayon si Ivan. Si Dimitri ay si Mark, si Kyra ay si Kiara, si Alyssa ay si Mia at Si Angel ay si Gelie. Pwede na kayo bumalik sa mga klase ninyo." At sa sinabi ni DJ na ito, sumunod naman lahat ng mga guro at istudyante. Official na ang mga pangalan namin!

---BackToReality---

-Snack Break-

KATH'S POV

Nandito ako sa Caffeteria 1 at nagbabasa ng libro. Nagulat nalang ako ng may biglang lumapit sakin. Magkakabarkada ata. Lima sila. Dalawang lalaki at the rest ay girls. Nakita ko na sila pero nagpapanggap parin akong nagbabasa.

"Umm.. Excuse me? Pwede bang makipagkaibigan? Ako nga pala si.... Mark." sabi nung isang boy na naka varsity jacket na silver at black.

"Ako naman si... umm... ako si Patricia. Nice meeting you!" Sabi ko nalang sa kanya pero Kath talaga ang pangalan ko iniba ko lang. Tutal, wala pa naman akong friends dito eh. Mga firsts sila.

"Nice meeting you too Patricia. Ako naman si Ivan." sabi nung boy na naka shades. Parang kilala ko tong lalaking to. Ah, oo. Si butiki!! Yung kapartner ko sa science class at yung naghatid sakin sa bahay nung natamaan ako ng bola. Ivan pala ang pangalan niya.

"Hello. Ikaw pala si Ivan. Matagal na kitang kapartner sa science class pero ngayon ko lang nalaman yung pangalan mo. Anyways.. nice meeting you too." Nice nalang, tutal hindi naman na ako mashadong nayayabangan dun.

"Ako nga pala si Mia." sabi nung girl na may sweet smile. Nginitian ko nalang siya.

"I'm Kiara, by the way. Good to meet you." sabi ni girl with a soft-curl hair. Nginitian ko nalang rin siya.

"Hello! Ako si Gelie." at ang last girl na may glasses.

"Ayan. Magkakakilala na tayong lahat. Pwede ba kaming umupo with you here?" sabi ni Mark.

"Yes, sure! Kwentuhan muna?" and I gave off my sweetest smile. At lahat pala kami ay nakasmile.

"That's good! Gusto niyo ng food? Don't worry, ako manlilibre." sabi ni Ivan. Pero nung sinabi niya yun... Parang ang may pinagdadaanan siya..

"Sige! Oh eto na order ko.. Isang burger, isang fries....." sabi ni Mark na mukhang PG sa sobrang dami ng inoorder. Nakatingin ako kay Ivan habang tinatype nya sa phone niya yung sinasabi ni Mark. Halatang may tinatago siya eh.

Habang kumakain kami, nagkwekwentuhan na rin. Hindi ko alam kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanila habang nagkwekwentuhan. Eh diba ngayon lang kami nagkakakilala?? Ngayon nga lang ba?? Hmm...

---------------------

Hindi ko pa po alam kung kelan yung next UD eh. Abangan niyo nalang po! :)))

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon