My Guardian Angel *34 Played by a Mythical Person

107 2 0
                                    

[O]TTO'S POV

Nakatanggap ako ng text mula kay DJ. 

Text Message from Bespren DJ:

Pumunta ka dito sa bahay. Ngayon na.

Kaya ngayon, nagbihis na ako at pupunta sa bahay ni Daniel. Hinila ko na ang pintuan.

"Teka, kuya! Sandali!" Si Kyra pala.

"O, bakit?"

"Sama ako sayo kuya! Please?"

"Ha? Wag na!"

"Eh, nakabihis na nga ako eh. Dali na! Sama mo na ako!!"

"Sige na nga! Tara na!"

Sinama ko na si Kyra papunta sa bahay nila DJ. Pagpasok namin sa loob, hinanap ko kagad si Daniel, pero ang tatay niya ang nakausap ko.

"Sir, nasaan po si Daniel?"

"Ikaw ba si Otto?"

"Ah, opo. Ako nga po. Si Kyra po, kapatid ko."

"Ah ok, nice meeting you two. Nasa taas si Daniel. Puntahan niyo nalang. Sige."

"Sige po. Salamat."

Dumiretso na kami sa kwarto niya. Kumatok ako. 

"Sino yan?"

"Si Otto to."

"Pati si Kyra! Kuya naman, bat hindi mo ako sinama?"

*PAK*

"Sige, kayo pala. Pasok."

Pumasok na kami at nakita ko siyang nakahiga sa kama niya habang nilalaro ang paborito niyang bola ng basketball.

"Bakit nga pala kayo nandito?" DJ.

"Ano? Ikaw tong nagyaya tas hindi mo alam? Ayus ang trip natin ngayon, brad!"

"Ano?! Hindi ko naman kayo niyaya ah! Anung bang pinagsasabi mo?"

"Hoy! Ano kaba! Tinext mo pa nga ako eh! Nagka-amnesia ka na ba?"

*PAK*

"Sige, eto phone ko. Check mo kung may tinext ako jan."

Hinanap ko sa saved messages ang tinext niya pero wala.

"Sus! Wag ka na mag-deny. Dinelete mo lang eh."

"Ni hindi ko pa nga nagagamit yang phone ko mula nitong umaga eh. Sige, tignan mo pa yung bag ko. Wala pang nagagalaw na application jan."

"Ay, oo nga pala. Nawawala kasi yung pinaka-importanteng bagay sa mundo eh. Nakita mo ba? Feeling ko kasi, may nagnakaw eh."

"Ha? Yung binigay ba ni sweetheart Michelle? Yung favorite dogtag mo na may picture niya?"

"Uy! Andito si Kyra!"

"It's okay kuya. I know it already. Long time ago pa." Kyra.

"Okay. Oo yung dogtag. Kung sino man yung nagnakaw na yun. Bubugbugin ko talaga."

"Sorry, pare. Hindi ko nakita eh."

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon