My Guardian Angel *33 The Chosen One

100 2 0
                                    

[D]ANIEL'S POV

Dream.

"Kuyang anghel? Pwede bang magtanong?" Cha-cha.

"Nagtatanong ka na nga eh." pagjo-joke kong sinabi.

"Tsk. Ikaw naman eh." 

"Sige na nga! Pero, sa isang kondition."

"Magtatanong na nga lang, hihingi ka pa ng kondition."

"Basta, madali lang naman yun eh. Wag mo lang ako tawaging kuya. Hindi naman ako masyadong matanda para tawagin mong kuya eh."

"Ok. Yun lang pala eh. Ako naman ang magtatanong. Pano kung may tinatago siyang isang bagay na hindi niya masabisabi sakin pero mas pinili pa niyang itago. May tiwala naman siya sakin pero hindi niya talaga kaya sabihin yun sakin. Anong gagawin ko?"

"Edi hayaan mo nalang muna siya. Kung ako ikaw, hindi ako magagalit. At lahat naman ng sikreto nabubunyag eh. Kaya, hihintayin ko nalang yung pagkakataong yun. And ikaw, wag ka nalang masyadong mag-alala. Wag mong problemahin yun!"

"Ok! Sabi mo eh! Eh, ano nalang ang itatawag ko sayo?"

"Hmmm....  Batman! Batman nalang."

"Batman? Sige na nga! Uso naman yun eh. Goodnight, Batman!"

------------------------------------------------------------------

[R]OMMEL PADILLA'S POV

Nasa bahay kami ng anak kong si Daniel kasama na rin si Allen. Nang naalala kong may nakalimutan akong kunin sa kwarto niya. Iniwan ko kasi ang susi ko sa kaniya at kukunin ko. Umakyat na ako at pumunta sa kwarto niya. Binuksan ko ang pintuan. Parang hindi ako makahinga. Parang hindi ko na maramdaman yung katawan ko. O_O

Umiilaw ang singsing na binigay ko sa kaniya. Yun ang singsing ng propesiya. Ang ibig sabihin nun, nananaginip siya. At hindi lang nananaginip, nagiging anghel pa. Ginising ko na siya kaagad.

"O, pa? Bat niyo 'ko ginising? May problema ba?" Daniel.

"Kasi nananaginip ka eh." Ako.

"Eh, ano naman po ngayon?" 

"Ang masama pa, hindi ka lang nananaginip, nangyayari rin sayo ang nangyari sakin."

"Ha? Anong nangyari?"

---FlashBack---

Ang kwento sakin ng lolo ko, nagiging anghel daw tayo pag nananaginip. May lahi daw tayong ganun. Nangyari yun nung. . .

"Kasi yung lolo ko, (TATAY NG LOLO NI DANIEL) [ Tatay ng lolo ng lolo ni Daniel, Lolo ng lolo ni Daniel, tatay ng lolo ni Daniel, lolo ni Daniel, si Rommel na ang tatay ni Daniel, at si Daniel] nasumpa ng isang hindi tumatandang mangkukulam, pero matanda na ang itsura niya. Nakatira kasi kami ng lolo ko sa isang gubat. Sa sobrang kapos sa pera at walang makain, ninakaw ng lolo ko ang mga pananim ng mangkukulam. Nakakita kasi siya ng isang bahay kubo na maraming tanim na hindi kalayuan sa kubong tinitirhan namin. Akala niya, walang tao sa kubo kaya kinuha niya ang mga hinog na gulay at prutas. Sa sobrang kapos, nagnakaw rin si lolo ng ilang gamit mula sa kubo. Nang biglang may lumabas sa harapan niya ang isang matandang babae." sabi ni lolo.

"Hoy! Anong ginagawa mo sa gamit at mga pananim ko?!" sabi nung matandang babae.

Hindi na nagsalita si lolo at agad siyang tumakbo papalabas. Nang napansin niyang hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya pero tumatakbo siya.

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon