My Guardian Angel *9 The day before...

173 2 2
                                    

Sorry po kung sa story na to ay na-move yung birthday ni DJ sa 30. Sinadya ko po talaga. :))

-----------------------------------------

DANIEL'S POV

Kanina ko pa hinahanap yung mga katropa ko pero hindi ko sila makita. Kahit sa cafeteria wala rin... Ano kaya nangyayari dun? Wala naman kaming mga school works... Ano naman kaya meron? 

May naalala nanaman ako... Magbibirthday na naman kasi ako. Kung sa ibang tao, masaya, sakin, hindi. Hindi ko pa kasi nakakasama yung mga magulang ko na magbirthday. Kaya yung mga katropa ko lang yung lagi kong kasama. Minsan, lalabas lang kami at magdidinner. Pag kasi nagkikita kami nila mama, parang hindi nila ako kaano-ano. Parang hindi nila ako anak. Pag birthday ko naman, either nasa US sila o nasa bahay na parang regular day lang. Mabuti nga, kahit papano, binabati ako ng kapatid ko. Minsan, lumalabas pa nga kami eh. Pero yung mga magulang ko, "Happy Birthday anak" na walang ka-emotion-emotion. Ang tamlay-tamlay. Kaya, kahit na anong greet nila sakin, parang wala rin.....

*BOOOGSHH*

Hindi ko namalayan na nauntog na pala ako sa poste habang iniisip yung mga sinasabi ko sa utak ko. Andami pang nakatingin sakin.

"Anong tinitingintingin niyo jan ah!" galit na sigaw ko. Ayoko kasing napapahiya. Hiyanghiya na kasi ako sa sarili ko. Wala na rin akong tiwala sa iba. Feeling ko mag-isa ako palagi... Kung hindi lang nag-abroad yung bestfriend ko...

"Ay wala po. Sorry po." sagot ng lalaking sinigawan ko. Pero sa totoo lang, nahihiya ako sa kanya kahit na hindi ko siya kilala. Hindi naman talaga ako ganito eh. Mabait talaga ako sa kalooblooban ko. Hindi ko lang mapakita. Lalo na sa iba.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Nakita ko na si Mae at Kyra. Tumakbo ako papunta sa kanila.

"Uy! Saan ba kayo nagpunta? Kanina ko pa kayo hinahanap." tanong ko sa dalawa. Pero bat parang kabado sila? Anyareh?

"Pumunta kami sa caffeteria" (Mae) "Pinatawag kami ni Ms. delos Santos" (Kyra) Sabi nila. Magkasabay ah! As in sabay na sabay. Sino ang panniwalaan ko?

"Ano ba talaga?" tanong ko sa kanila. 

"Umm... Pumunta muna kami sa cafeteria then pinatawag kami ni Ms. delos Santos. Tama! Yun nga!" sabi naman ni Mae.

"Ah oo. Tama!" sagot naman ni Kyra. Hmm..

"I smell something fishy..."

"Ah ganun ba? Ok." sabi ko nalang. Hindi ko pinapahalata na alam ko na may tinatago sila.

"Bakit mo nga pala kami hinahanap?" tanong ni Kyra. Kaya ko sila hinahanap para tanungin kung pwede sila sa 30. Yayayain ko sana silang lahat. Kahit treat lang sa mall... Bahala na! Kahit na anong gimik na gagawin ko!

"Pwede ba kayo sa bukas?" tanong ko sa kanila. Sana naman hindi pa nila nakakalimutan yung birthday ko... Sila na nga lang yung mga nag-aatend sa birthday ko eh.....

"Bakit? Ano ba meron?" tanong sakin ni Kyra. Ah may----- Whuuttt?!? Nakalimutan mo na Kyra? 

"Oo nga. Ano nga bang meron?" tapos si Mae naman. Whuttt?!?!? Pati ikaw Mae?! Nagka-amnesia na ba kayo?

"Hindi niyo alam? Uh, umm.. I mean. Baka lang naman gusto niyong gumala sa mall." sabi ko lang naman. Pero, bat nila nakalimutan? Ay oo nga pala, bihira akong magbirthday. Pero bakit sa birthday ko pa? Ano ba yan! >.<

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon