My Guardian Angel *13 The locket full of revelations.

153 2 4
                                    

Yo! Vas Happenin mga pips! #MBSSKN on Twitter. :)

------------------------------

[A]NGEL'S POV

[P]atapos na rin yung party. Kaso, hindi pa tapos ang inuman ng boys. Shempre, hindi mawawala ang inuman at pulutan diba?

 .

"Meron..... pa ba?" lasing na lasing na tanong ni Otto kay DJ. Naubos na yung iniinom nilang Antonov. Sampung bote ba naman!? Hay...

"Hoy, pare. Lasing ka na! Awat na! nakasampu na tayo oh!" Tapos biglang nagsuka si DJ. At  sumunod rin si Otto. Kami naman tuloy pa rin sa margarita.

At tumayo na yung dalawang lasing. Sumunod na rin kami. Antok na antok na ako! Pumunta na kami sa mga kwarto namin.

Nag-ayos muna ang girls bago matulog. Shempre. Samantala, umupo muna ako sa kama. Nakaupo naman sa chair si Pat malapit sa cupboard. May napansin akong something. Something familiar. Kaya, lumapit ako sa kaniya. Napansin kong may inaalis siyang necklace. Locket. 

"Uhmm... Patricia... Pwede ko bang matingnan yung necklace mo?" sabi ko sa kaniya.

"Ah, sige. Eto oh." At inabot niya yung necklace niya sakin. Binuksan ko ito at...

"Whaaaaaatttttttt!?!?!?" 

"Umm.. May problema ba Gelie? Bakit?" tanong niya.

"Umm... Ah, wala." sabi ko nalang... Ganito kasi yung necklace na binigay ni DJ kay Kathryn dati. Birthday present niya sa kaniya. Necklace locket na may letter "D" sa loob. ( See Picture ---> )

"Umm.. Pat? San mo nabili to?" And I crossed my fingers. Kinakabahan ako sa isasagot niya!! Oh my!

"Ah. Bigay yan sakin ng bestfriend ko. Bakit?" 

"Annnoooooo?!?!" gulat na gulat na sigaw ko.

Dahil sa lakas ng sigaw ko, nagsilabasan sila Mae at Kyra sa cr.

"Bakit?! Ano nangyari?!" sigaw ni Mae.

"Uh, guys? Ah, bumalik na kayo sa cr baka may makakita pa sa inyo." sabi ko sa kanila. Nakatowel pa kasi sila eh.

"Umm... Gelie, bakit nga pala uli?" tanong ni Patricia sakin.

"Diba sabi mo, galing to sa bestfriend mo?" Cross fingers uli!

"Ah,oo." 

"Pwede ko bang malaman yung pangalan ni bestie mo?" 

"Uh, umm...Mukhang may malalim siyang iniisip. Parang may naaalala siya.

"Si.... si Daniel. Daniel Padilla." she said finally.

"Anoooo!?" OA nanaman... Pagpasensiyahan niyo na! :P

"Si Daniel Padilla. Yung bestfriend ko. Kalma ka lang." 

"Ok.. Kalma lang ako. Pero------- Whhhuuutt!?!?" 

"Hay nako, Gelie. Stop shouting. Ok? Kalma ka lang."

"Ok. Ok. Kalmado na. Pero kasi ... Nevermind." 

"Sige, iwan muna kita ha. Maliligo lang ako."

"Umm.. Lalabas lang kami muna nila Kiara at Mia, ha? Jan lang kami sa lounge, sa baba. Kung may kailangan ka, tawagan mo ako or baba ka nalang." Kailangan kong sabihin kela Kyra at Mae ang tungkol dito! Ohmygadge!!

She nodded and entered the comfort room. Dali-dali ko namang pinuntahan sila Mae na nagpapatuyo ng buhok sa blower ngayon. And FYI, sabay silang naligo. Wag GM!!

"Wuuuyy!! May sasabihin ako sa inyo. Tara, dun muna tayo sa lounge." aya ko sa kanilang dalawa.

Nakaupo na kami dito sa lounge ng hotel. Wala masyadong tao rito kaya mas pinili kong dito kami mag-usap kaysa sa rooftop.

"Oh, Gel. Ano nanaman ang chismis mo ha?" tanong sakin ni Mae.

"Ah, importante lang kasi. As in importanteng importante!!!" 

"Oh, ano na yun? Go! Say it! Spit it out!" sabi ni Kyra.

"My golly! Nakita ko na si Ria! Nakita ko na siya! Nandito siya!" excited na sabi ko. Ria. Ria ang tawag ko sa kaniya. From her second name ChandRIA.

"Ano? Nandito siya? Saan? Nasan siya?!" sabi ni Mae.

"Oh my Monay!!" sabi naman ni Kyra.

"Ganito kasi... kanina nakita ko yung necklace ni Patricia nung inaalis niya ito. At yung necklace na yun, ganun na ganun yung kay Kath dati. Yung may letter "D"? Diba sila lang yung meron nun? Pinagawa yun ni DJ diba? Tinanong ko rin siya kung sino yung nagbigay sa kaniya nun, sbi niya si DJ daw. Daneil Padilla. Siya yun! Siyang siya!" paliwanag ko sa kanila. Kung may necklace si Kath, si DJ naman ring. Ring na may letter "C". Letter C for Cha.

"Siya nga. Siya nga yun." Masayang masaya na sinabi ni Mae. Habang si Kyra naman O.O ganun parin. Hindi ko naman sila masisisi kasi mas malala yung reaction ko kanina, diba? Syempre, agree naman kayong lahat. Ok lang, tanggap ko naman na OA ako... Hay, drama talaga! Hmmph!

"Sasabihin na ba natin kagad kay Niel?" tanong ni Kyra.

"Sa tingin ko, wag muna. Siguro yun ang makabubuti sa lahat. Baka kasi mangyari nanaman yung nangyari dati... nung nalaman ng iba na friends tayo ni Daniel.... baka mapa-away nanaman tayo." sabi ni Mae. At umagree rin kami ni Kyra. Siguro nga mas makakabuti yun...

PATRICIA'S POV

Ano kaya ang nangyayari dun kay Gelie... Ano naman kung galing yun sa bestfriend ko? Bat gulat na gulat siya? Kapag bumaik na kami sa Manila, hahanapin ko na sila.

Tapos na ako maligo. Nakaupo ako dito malapit sa cupboard. Tinitignan ko yung necklace na binigay sakin dati ni best. Bigla nalang tumulo yung luha ko. Marahil dahil iniisip ko sila... Yung mga katropa ko...

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon