My Guardian Angel *19 Sikat na nga Talaga Ako!

144 3 0
                                    

[D]J'S POV

[N]ananaginip nanaman ako...

Naririnig kong umiiyak si Chandria. Maliit pa rin siya. Pero, nasa isang kwarto siya na napakadilim. Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sinundan ko yung hikbi niyang mahina.

"Chandria?" bulong ko. 

Hindi siya sumasagot. 

"Chandria, huwag kang mag-alala, tutulungan kita." sabi ko.

Ngunit hindi pa rin siya sumasagot.

Pero narinig ko na hindi na siya umiiyak.

"Sino po kayo? Nasaan ka?" Tanong niya habang lumilingon at tinitignan ang buong kwarto.

"Nandito ako. Basta, nandito lang ako. Bakit ka umiiyak?"

"*huk* Kasi po... *huk* nag-aaway po... *huk* sila *huk* kuya at *huk* mama..." sabi niya habang humihikbi.

"Huwag ka nang umiyak, ha? Tahan na." Nakita kong nakangiti na siya nung nailawan ang kaniyang mukha ng kaunti.

"Sino po ba talaga kayo?" sabi niya "Kayo po ba yung tatay ko?" 

"Hindi, basta huwag ka nang umiyak. Tutulungan kita." sabi ko nalang sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Baka akalain niya na multo ako o monster o ano man.

"Gusto mo bang pagbatiin natin sila mama mo?" sabi ko

"Opo. Tulungan niyo po ako." sabi niya habang nakangiti at hinahanap parin kung saan nanggagaling ang tinig ko.

Lumabas na siya sa madilim na kuwarto at pumunta sa kusina kung saan nandoon ang kaniyang nanay at kuya na nagtatalo.

"Oo nga. Pinalaki niyo nga ako! Pero wala kayo dito sa tabi ko sa tuwing kailangan ko kayo. Ngayon, wala na si Papa wala nang magtatanggol sakin. Wala nang mag-aalaga sakin!" sabi nung kuya niya na parang 12 years old. 

"Aba! Yan ba ang tinuro sayo ng tatay mo? Ang sumagot ng bastos? Ha? Akala mo ba na madali magtrabaho?!" sagot naman nung nanay niya. 

Tinignan ko si Chandria, umiiyak ulit. Hindi siya gumagalaw pero nakayuko.

Binulungan ko ulit, "Chandria, kausapin mo si mama at si kuya mo. Sabihin mo sa kanila na tama na ang pag-aaway."

Good thing at nakinig siya sakin. Lifted her head up and shouted, "Mama! Kuya! Tama na po!" habang umiiyak pa rin.

Ngunit naawa ang nanay nito at niyakap siya. 

Tumingin siya sa kuya niya at sinabing, "Kuya, tama na po. *sob* Magsorry ka na kay mama."

Sabi nung kuya niya, "Ma, sorry. Sorry sa mga nasabi ko. Pero, ginagawa ko ito para kay Chandria." at biglang umalis papunta sa kwarto niya.

Niyakap ng mahigpit ni Chandria yung mommy niya. Ngayon, pareho na silang umiiyak.

"Anak, sorry ah. Pati ikaw nadamay sa mga pinaggagagawa ko. Patawarin mo ako anak." sabi ng mommy niya.

"Ma, okay lang po ako. Pumunta na po kayo dun kay kuya." sabi niya sa mommy niya. 

At binaba na niya si Chandria. Pumunta na yung mommy niya sa kwarto ng kuya ni Chandria.

My Guardian Angel ~ KathNiel [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon