Naka higa na ako kakatapos ko lang kumain, maligo at mag hugas ng pinag kainan namin. Nang maisipan kong mag OL, isang buwan ko ng hindi nakakausap si Yan... Isang buwan nga ba? Ah hindi dalawa na.Hindi ko alam pero ang ginagawa ko ngayon eh. Binabasa ko ang mga past messages namin, habang ginagawa ko toh di maalis sa utak ko ang takot.
Takot na baka mag de-activate sya pag nang yari yun mawawalan kami ng communication.
Takot na baka ibanned na sa PILIPINAS ang facebook dahil sa, patuloy na pag laganap ng cyber bullying.
Takot na---
Saranghae Online updated.
Oh nag UD na din sya, babasahin ko muna ito.
Ang daming lalake sa paligid ko na pwede akong magka gusto sa lalake pang hindi ko nakikita. Sa lalake na hindi ko naman alam kung pareho ba kami nang nararamdaman... kung importante din ba ako sakanya.
Ang daming lalake pwedeng mahalin... Teka pag mamahal naba ang tawag dito?
Yung... Natatakot kana mawala sya, nalulungkot ka pag di kayo nag kausap, namimiss mo sya, nag baback read sa mga messages? Pagmamahal naba ito? Siguro magulo lang talaga ngayon ang sitwasyon ko. Kaya nalilito ako... ayoko namang iadmit ang nararamdaman ko dahil sa pano na lang ang— though shall not fall to someone you've just met in virtual world.
"Pag mamahal agad...agad?! Pag mamahal nga ba yun? Love naba talaga yun... Teka yung mga SIGN"
Nag tatago ako sayo kasi gusto ko ikaw ang mag start ng conversation natin. Pero ano ako ngayon? Eto binati ka nang Hi, gumawa pa at nag isip ng bagong topic.
"Hindi FACE umayos ka!"
Nag HI ako sa GC naman sa RP account ko tapos nag reply ang isa sa mga RP.
Oh! Nandito ang FaceBook OTP - sandeul
FaceBook? Bulalas ko sa sarili ko.
Face? Ayos ba yung OTP name nyo ni Yan? - sandeul
Manahimik ka dyan ha! Bibingo kana sakin at anong OTP ang pinag sasabi mo - ako
Pakipot pa eh, if i know na miss mo din si hyung - sandeul
Ewan ko sayo mamaya tayo mag usap - ako
Katulad nang sa isang normal na crush... na eventually mapupunta sa in love... Pinigilan ko ito na mapunta sa INLOVE. Kasi natatakot ako sa pwedeng maging resulta pag hinayaan ko ang nararamdaman ko...
Pero katulad ng mga normal na istorya ng pag ibig...
Masyadong mapusok at mapangahas ang pagibig.
Para itong sakit hindi mo alam kung kailan darating o isang aksidente... Walang makakapag sabi kong anong mang yayare o kailan mangyayare. Kung sinong ang magiging masaya, mapupuruhan at masasaktan sa kataposan nito.
Siguro sa kaso ko eh dumating ka sa mga panahon na halos mawalan na ako ng kaibigan na halos maging mag isa ako...
Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. "Spell BALIW?" Rinig kong sabi ni Kuya Pi.
"P-I." Dugtong ko
Tsaka na sya lumabas ng kwarto, ako naman nag punas ng luha. Lakas maka hugot ni ms. Author di ko kinaya tinamaan ako ang lalim. Panahon ba ng patatas at kamote ngayon kaya humuhugot sya?
Sineen-zone lang naman kami ni Yan, nag log out na din si Sandeul RP.
Nung tinignan ko yung chat sa spazz account ko OL sya.
Unnie eottokae?! ASDGHH - ako
Yes saeng? Bakit anyare? - ate kathie
OL si RP anong gagawin ko diba hindi ko sya iPPM.q
Tama hindi ko nga sya kakausapin.
Teka bakit tinatanong ko kung anong gagawin ko? - ako
"ARAY!" Sigaw ko nalaglag kasi ako sa higaan kaya ayon ang sakit ah.
"What the na send yung HI ko?! Anak tokwa pagka nga naman since birth ang ka shungaan ohh!!!"
Hello - Yan
nag reply sya... OMG okey di ako kinikilig isip ka ng topic yung hindi agad matatapos... Teka?! Ano toh?
Nag iisip ako ng TOPIC na hindi matatapos agad kasi ayokong matapos ang pag uusap namin.
Napa nganga ako nang maalala ko yun HINDI! "FAYE CELINE ESCOTO HINDI PWEDE!!! PARANG UTOT YAN KAYA MO DIN YANG PIGILAN!" Hindi nako nag reply... Syempre joke yun ang sabi ko eh bye~ tas yun na nag LOG OUT nako.
Pag katapos kong gawin yun eh humiga nako. Inilayo ang cellphone ko sa tabi ko para di na ako mag log in pa.
Iiwas ako tama!! Kaya ko toh hindi ako mahuhulog sakanya katulad ng bida sa saranghae online hindi ako mag kakagusto sa isang V GUY kasi mahirap.
Itutulog kona lang muna ito.
---
A/N: This is a work of fiction names, characters, places and incidents are either the product of the author's imagination or, if real used fictiously. Any resemblance to actual real persons, living or dead is purely COINCIDENTAL. (To make it short WAG TAYONG PILING)
UnHolyCat
BINABASA MO ANG
Saranghae Online
General FictionSa Facebook may warning na lumalabas sa tuwing may i-accept ka na friend request. Ang mga katagang iyon ay... "Don't just accept request to someone" "Do you know this person?" Iyon ang mga warning ni Facebook. Sabi pa... There is a rule in Virtua...