Chapter 23: Sorry eyes

15 2 0
                                    


Pumasok ako na naka sun glasses anong trip ko noh? Keh aga aga naka sun glasses ako.

"Oh? Fes anyare sayo tirik ba ang araw ha?" Pambungad ni Kevsung sakin.

"Nakikita mo yan diba." Sabay angat ko ng konti sa sun glasses ko vens na feke.

"Yuck! Ano yan?!" Sabi nya nang natatawa.

"Tawa kapa sige, mahawaan ka sana sakin." Sabi ko sakanya.

"Kadiri naman kasi yang sayo pero inferness bagay mo ang walang eyelid hahaha" sabi nya, tinulak ko yung ulo nya.

"Ikaw ah nahahalata ko napapadalas pang aasar mo sakin nahawaan kana ba ni Yan--" bigla akong natigilan ganun din sya. Ilang linggo na din nakapipas simula nung nag chat kami ng ate nya. Tapos wala pa rin namang update patungkol sa pag kawala ng FB.

"Uy Faye paturo ako mamaya ah." Bati sakin ni elyssa, okey nakami nyan buti nga at okey na kami eh. Salamat sa retreat, tumago tango lang ako sakanya.

"Ay close kayo nun?" Tanong ni kevsung.

"Oo okey na kami, matatapos na nga yung school year di pa rin kami okey." Sabi ko sakanya.

Ang sakit nang mata ko pisting sore eyes tapos pati ulo ko. Naloloka nako sa utak ko! Hindi ko alam kung pano ko iexplain sa makitod kong hypothalamus na kahit mag lupasay ako hindi na kami mag kikita.

"Hayy" buntong hininga na lang ang nasabi ko.

Papuwi na ako ngayon, kakapasok ko lang pinauwi agad ako noh... may sore eyes daw kasi ako. Ang OA ng mga reaction nila para namang may nakakamatay akong sakit eh.

Pag dating ko sa bahay nag pahinga na lang ako.

3 days later ~

Hello

Wag kayong OA di ako mabubulag bakit ka pala napatawag? - kausap ko si kaye sa kabilang linya

Ano namang gagawin nila dito? Sige ipapasensos ko sila kay mama para sa lunch. - pupuntahan kasi ako nung mag pinsan na si Dada at Kevsung.

Pinasensos ko sila kay mama, sinamahan ko ang bunso kong kapatid na busy sa panonood ng cartoon network. Tapos bigla nyang nilipat yung channel sa disney.

"Ang landi kasi ni ana nakita nya lang yung prince pakakasalan nya na agad!" Never fall in love with a virtual guy hindi ko nga tinandaan ung number 1 rule na un.

Hello

Ayoko nga! Ang layo ng school mo tas ako pang may sore eyes pag dadalhin mo ng mga sandata mo tsaka ng project mo - tumawag kasi ang pinaka mamahal kung kuya. Pinapapapunta ako sa school nya at pinapadala ang T-square nya pati na din ang sketchpad nya.

Mag kano ba ibabayad mo sakin? 500 walang labis walang kulang. - sabi ko sakanya, at dahil sa no choice sya pumayag sya.

"Ma alis po muna ako may pinapahatid si kuya." Pag papaalam ko sa mama ko pumayag naman si mama.

Pag pasok ko sa school ni kuya, nakakita sila ng artista de joke lang para silang nakakita nang multo.

Mga international nga ang nandito iilan lang ang mga hindi pero mga mukhang rich kid ang lahat. Si kuya lang talaga ang naligaw dito eh... Pero gwapo kasi si Kuya Pi at may mukha din syang mayaman kahit na basurero lang talaga sya ang sama ko noh sa malamang ganyan din sya... Pero kahit na ganun mahal ko ang kuya ko.

"Oh Faye, what brings you here?" Bati ni Em Ji sakin.

"Ah hello, nandito ako para sa kuya ko may mga pinapadala kasi sya eh. Papunta ako ng Engineering building." Explain ko ng mahaba.

"Ah, okey samahan na kita." Sabi nya nang nakangiti. Habang nag lalakad kami may iniabot sya sakin.

"Thank you gift yan, mula saming dalawa ni Aristotle."

"Atchaka aalis na din kasi ako ng pinas eh. Kaylangan kona bumalik sa korea."

"What?! Edi ibig sabihin nun... LDR kau ni Aristotle?" Tanong ko sakanya oh diba chismosa lang ako.

"Hm... Something like that."

"Dito masusukat ang relasyon namin."

"The only connection we have is chatting and phonecalls. Meron naman ganung relationship na nag wowork diba?" Tinignan ko lang sya imperness sureball sya na mag wowork out ang LDR at chatting mode ah.

"Meron kasi akong kakilala nadevelop ang feelings nya sa ka chat nya so maybe mag work out kami sya nga na develop kami na in relationship na susuko pa ba?" Sabi nya nang natatawa ako naman nakatulala lang parang ako lang pala yun eh

"Hindi ba parang napakaharot naman nung kakilala mo?" Sabi ko kasi ang totoo nyan yun ang nararamdaman ko. Maharot ako...

"For me its a NO. Feelings ang nadevelop saeng." Then she give me a sweet smile as she patted my head as if i am a puppy.

"Eto na, maiwan na kita okey." Tsaka nya nako iniwan nang tuluyan... Ako lang ba pero yung presensya nya... Presensya ni ate Min.

"Sabi kona eh, babaeng hinugot sa pwet ni adan!" Tawag sakin nang pinaka mamahal kong kuya.

"Oh yes, lalakeng gawa sa putik." Sabi ko sakanya, itong kuya ko panira nang momeny ko.

"Amina--"

"Walang amina hanggat wala ang 500." Iniabot nya sakin nang padabog ang bayad.

"Okey ayan na... susunod ulit ha? Face at your service." Tsaka ko sya iniwanan dun.

Nung papalabas nako ng school ni kuya nasalubong ko ulit si President Em Ji.

"Uwi kana?" Tanong nya sakin, tumango tango naman ako.

"Pwede bang payakap sayo?" Tanong nya sakin, hindi pa man ako nakakasagot niyakap na nya ako agad. Ewan ko pero ang gaan din ng loob ko sa girlfriend ni Aristotle mabait naman kasi tong si ate em ji eh.

"dangsingwa nae dongsaeng-eun mannal geos-ida." Tsaka na sya bumitaw at sumakay sa taxi pero kumaway kaway muna sya sakin.

Ano daw? Wala akong naintndihan sa sinabi nya. Pero may dongsaeng ano yun? Hayy~~ nahawaan na ba ng prinsepe ng mga uling si ate em ji?

Noong maka uwi ako dapit hapon na tapos yung sore eyes ko lalo naging sore...

"Kadarating nyo lang?" Tanong ko sa mag pinsan na Dada nasa labas sila ng bahay.

"Kevsung wag mo ko pinag ttripan ha tanggalin mo nga yang sunglasses mo" sabi ko sakanya. Tumawa naman ng malakas si Dada.

"Tawa kapa da, di ka makakain ng cookies sa loob." Pag babanta ko sakanya.

"Nahawaan sya." Tinignan ko sya at tumawa ako ng malakas.

Sabi nga nila maliit lang ang mundo... Madami lang talagang species.

Sabi nila pag naglaro si destiny... Hindi mo din toh mamalayan. Kaya ba hindi ko namalayan na nahulog na ang loob ko sayo.

Kaya ba hindi ko din namalayan na ang mga taong importante sayo eh nakilala at nakita kona.

(Saranghae Online UPDATE)

---

A/N: This is a work of fiction names, characters, places and incidents are either the product of the author's imagination or, if real used fictiously. Any resemblance to actual real persons, living or dead is purely COINCIDENTAL. (To make it short WAG TAYONG PILING)

UnHolyCat

(A/N: malapit na tayo mag signing out, malapit nang matapos ang pag ttyaga nyo sa pag babasa nito.)

Saranghae OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon