Chapter 25: False alarm

20 2 2
                                    


Nag lilinis ako ng banyo ngayon, naisahan nanaman ako ng kuya ko. Hindi ko alam na wala sila mama at ang lulutuin nya lang sa tanghalian eh fried chicken!

"Hoy! FAYE bilisan mo najejebs ako!" Kalabog nya sa pinto lumabas muna ako.

"Ayan na istorbo ka." Tsaka ako nag punta ng kusina.

May dyaryo pala na dumating? Himala.

FACEBOOK HINDI NA IBABANNED SA PILIPINAS MADAMING KABATAAN ANG NAG DIWANG.

"What?! Anak baboy pano--"

*kringg
*kringgg

"Hello?"

"Oyy faye!!! Mag diwang ka hindi pa tapos lovestory nyo ni fafa chaek. FACEBOOK is real" sigaw nya sa kabilang linya.

"Anong diwang nakalimutan muna ba kung nong ginawa ko?! Nag confess ako sakanya!" Sagot ko na balisang balisa.

"Ay patay pero okey na din yun." Tsaka nya ko binabaan ng tawag.

Noong matapos akong mag linis ng banyo mag hugas ng pinggan eh nag kulong ako sa kwarto ko.

Nag paikot ikot sa higaan ko. Naka tanggap ako ng text mula kay kevsung.

[Buks na alis ko mamimiss kita. :)]

[Para namang hindi ako kasama sa pag hatd sau e. Ako din mamimiss ka ingat ka dun.]

[Hindi na pala ibabanned ang FB dito sa PH may communication n kau nyn ni Yan. Ayiehhh]

[Ewn ko sau XD naloloka na nga ako eh, diba sabi ko sainyo nag confess ako kasi akala ko ibabanned na sya.]

[Lols. False alarm lang yun 'nuka ba.]

[Anong gagawin ko?]

[Harapin muna lang yan, di mo pdeng taksan yan eh. Kaya nga ako hindi nag confess sa kras ko eh. Kasi natatakot ako sa sagot nya...]

Teka ano nanaman tong iniisip ko? Wag mo ng itanong okey assuming ka eh!

[Sino ba yung crush mo?]

[Itanong muna lang kay Dada pag wala na ako. Para naman di nako masaktan pa. Sige mag iimpake pako mag OL kana baka OL sya.]

Humiga ako ng maayos ako kaya yun? Pero bakit ako pa? I don't deserve to be love. Boom manes! Ano nanaman naiisip ko makapag OL na nga lang.

May 1 message ako.

Please hindi sana si Yan ito!

Traydor na FaceBook!

Hindi ko alam kong matatawa ako o magugulat ako sa sinabi mo. Pero nung nakita kita nag iba ang lahat, naisip ko na kung close ba tau outside this V world eh ganun ka din kaya ngumiti? Ganun ka kaya din kalapait sakin? Nakaramdam ako ng inggit. Naisip ko na gusto kitang mameet gusto ko maging close din tayo. Ah hindi mali! Naisip ko na sana ako yung lalakeng kasama mo, sana ako din ang dahilan kung bat ka tumatawa, kung bat ka naiinis. Pag ba inaya kita na mag meet tau papayag ka? Dont worry hindi ko kayalangan ng sagot. Kasi destiny always plays. - jinyoung

Anak baboy-- anong ibig sabihin nya sa destiny always plays? Nag kita na kami papano? Saan? Kaylan? Nalilito na ako.

*ring
*kring

"Hello hoy babae tignan mo friend request mo." Pag kasagot ko sa tawag ni Kaye yun ang sinabi nya.

"Sayo ba account yang FACEBOOK kingina ka di ka pumayag mag pa selfie samin ng naka dress tas yang DP mo dyan naka dress ka!" Hindi ako makapag salita kasi yung picture eh nung nasa starbox ako.

"Di ko alam toh. Hindi din ako may gawa nyan at bat naman ako gagawa ng FB na ang UN e FACEBOOK!" Sagot ko sakanya.

"Teka... Hindi kaya-- ma chat nga toh." Tsaka nya na ako binabaan ng tawag.

Hello
Gulat ka noh!
Ako toh si Yan.
Umalis na si ate Min a.k.a ate em ji.

Anong nang yayare? Mag ka--

"Faye! Nandito si Aristotle." Tawag ni kuya Pi sakin mula sa labas ng kwarto.

"Pa connect sa wifi nyo."

"Nag punta ka dito para maki connect? Eh kung kayang batukan kita dyan!" Sigaw ko sakanya.

"Joke lang oh si Em Ji gusto ka nyang kausapin." Kinuha ko yung CP ni aristotle.

Lumunok muna ako ng laway, huminga ng malalim. At sumagot nga "he---"

"Uyy Face sorry kung hindi ko sinabi sayo na mag kapatid kami ni Yan. Sabi ko sayo diba mapag laro ang tadhana, yung mga taong malapit sayo hindi mo alam na may koneksyon na pala sa kakilala mo. Sa tingin ko nakita ka na ni Yan pero ikaw baka nakita muna sya di mo manlang napansin siguro. Alam mo ba na nag trend ang ALDUB ngayon 26 Million tweets lang naman ang nabuo nila wag kang mag alala mag ttrend ang FACEBOOK ko sa TAMANG PANAHON. Gusto ko lang sabihin na congrats kasi di na mawawala ang FB kung di pa pala mawawala yan hindi kapa mag koconfess hahahaha sige paki balik na sa uling ng buhay ko." Hindi ako makapag salita sa haba ng sinabi ni ate Min, nakatulala lang ako dun hanggang sa makaalis sya.

Sabi nila pitong bilyon and counting pa daw ang tao sa buong mundo. Kaya naisip ko na napaka imposible na mag kita tayo sa dami ng tao. Pero wala talagang imposible pag binalak na ni Destiny.

Ngayong nag kita na tayo ano kayang mang yayari sa atin? Sana mas maging malapit pa tayo sa isat isa.

Ikaw oo ikaw nga nag babasa nito! Hintayin no ang tamang panahon okey! Hanggang dito na lang muna tayo mag papaalam nako.

Saranghae Online by; unholycat signing off

"So nag meet sila in the end? Anong gagawin ko? Pag sakin nangyare toh? Teka hindi dapat yun ang pinoproblema ko eh! Yung mga pinag sasabi ko!" Tumawag ako sa 911 unnie love hotline.

Kaythie unnie anong gagawin ko nabasa nya nag reply din sya? - ako

Hahaha nabasa ko nga message mo sasagot na sana ako kaso tumawag ka eh hahaha - kaythie

Well ang masasabi ko eh, lets wait. - kaythie

Anong wait unnie? Nahulog nako wala na na ngang sumalo sakin sugatan na ko pilay pilay pa. - ako

Saeng? What is love? - ang out of the blue ng tanong ni unnie.

LOVE is hurt... Love is always like that. Kaya dapat kang masanay kasi part nang falling ang love.

Wala na talaga... malala na nga ako.

Itulog kona lang toh baka imbis na pilay pilay lang ang inabot ko mula sa falling in love na yun. Mag 50-50 pa ako.

--

A/N: This is a work of fiction names, characters, places and incidents are either the product of the author's imagination or, if real used fictiously. Any resemblance to actual real persons, living or dead is purely COINCIDENTAL. (To make it short WAG TAYONG PILING)

UnHolyCat

Malapit na tau sa ending next chapter: Bye kevsung!

Saranghae OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon