Chapter 24: D

16 2 0
                                    


Hm ano Yan, gusto ko lang sabihin bago man lang mawala ang FB crush kita yun lang. Alam ko mali pero... Hindi ko din alam kung pano nag umpisa ang lahat. Hindi ko din alam ang rason basta ang alam ko pag kausap kita masaya ako, pag naiinis moko kinikilig ako, pag may problema ako sinasabi mo na pwede ako mag kwento sayo. Sige matawa kana sa mga pinag sasabi ko pati na sa ka corniehan ko. Mag ingat kana lang parati. Saranghae Online signing off.

"What seriously?! Sinabi mo lahat yun saeng anong kinain mo at kumapal ang mukha mo na ganun?" - sabi ni ate kaythie sa kabilang linya mag kausap kami ngayon.

"Hindi nya pa naman nababasa kaso hindi ko alam kung pano ko idedelete yun." Sabi kona paikot ikot na sa higaan ko.

"Ang masasabi ko lang eh good luck. Pano kong hindi naman pala totoong tatanggalin ang FB? Kung ako sayo mag umpisa kana mag balat ng patatas." Natatawang sabi nya sakin.

"Eh ate kaythie anong gagawin ko pag nabasa nya yun?" Nababalisa na talaga ako.

Bat di ko nga naman naisip na baka di naman matuloy ang pag banned sa FB.

"Sa tingin ko okey na yun atleast mag kakatoo na ang FACEBOOK pair ko diba?" Inaasar na po ako.

"Teka diba may date ka ngayon? Dapat mag bihis kana. Mag uupdate muna ako. Tawag ako mamaya bago ka umalis." Tsaka nya na pinatay.

Si ate Kaythie eh isa sa mga V FRIENDS ko na parang kapatid kona sa sobrang close namin... Ireto ko kaya sya kay kuya? Baka tumino si kuya Pi pag nameet nya si ate Kaythie.

"AY PALAKA!" Sigaw ko nagulat kasi ako biglang bumukas yung pinto nang makita ko kung sino ang pumasok si Kaye at Dada pala.

"Pwede ba! Uso kumatok!" Bulyaw ko sakanilang dalawa.

"Sabi na eh, mukha ka ngang mamalengke."

"OA mo Da hindi naman mukha lang syang bagong gising."

"Pinag sasabi nyo? Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa dalawa pumunta sila sa may cabinet ko at kinuha ang dress na binili sakin ni mama.

Pinasadahan muna nila ako ng tingin. "Palitan mo yan! Perst date mo toh teh kaya ayosin mo naman." Sabi ni dada tsaka ako tinulak papasok ng banyo.

"Ayoko nito!" Sigaw ko kahit nasa loob nako ng banyo. Pinasuot kasi nila yung dress na binili ni mama sakin. 1 inch above the knee toh me is not komportable.

"Hindi ka makakalabas dyan pag di mo sinuot yan." Sigaw naman na sagot ni kaye.

"Wahhh after 123456789 minutes lumabas ka din. Oh bagay mo naman pala eh." Sabi ni Dada sakin tsaka nya naman ako inupo at kinulot ang buhok ko.

"Totoo JS PROM ba pupuntahan ko ha?"

"Lakas nyo maka korean novela ah... General make OVER ang ginawa nyo sakin."

Pag rereklamo ko pero wala lang sakanila. Hinatid nila ako sa mall note naka suot ako ng doll shoes na white at light orange na dress. At nilalamig na ang legs ko sa mga oras na toh baka mag ka sipon ako.

Hinanap ng mata ko si Kevsung sabi nya sa harapan ng starbox mauubos kona tong americano na 150 ang presyo ang mahal butas nanaman pitaka ko.

May nakita ako na nakaupos sa french bread cafe naka tingin sya sakin, naka ngiti din sya. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin baka mukha na kong clown ano kasing alam na make up make up eh.

"Uyy" napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si kevsung. Hinampas ko sya sa braso.

"Grabe ka naka dress kana lahat lahat nang hahampas kapa. Babae ka ngayon diba?" Hinampas ko ulit sya.

"Kanina kapa?" Tanong nya sakin, pinanliitan ko sya ng tingin.

"Sabi ko nga kanina kapa, sige na ililibre na kita ng ice cream." Tumayo na naman ako sa kinauupuan ko. Nandun pa rin yung lalake at naka tingin pa rin sakin. Nahihiya na tuloy ako baka mukha na pala akong ewan sa suot ko.

"Saan pala tayo pupunta nyan?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw?" Pag pasa nya ng tanong habang kinakain namin yung ice cream cake.

"Teka may tanong ako bakit mo pala ako inayang mag date?" Tanong ko sakanya.

"Friendly date toh." Pag kocorrect nya sakin

'wag kang maniwala na friendly date yun may dahilan kaya ka nya inaya baka mang ngungutang sya sayo'

'Baka naman may hihinging pabor.'

'Basta may rason.'

"Utot mo! Sabi ni dada wag daw ako maniwala sayo." Sabi ko sakanya at pag minamalas ka nga naman may naka bundol sakin na lalake dahilan para tumapon ang cake sa damit ko!

Nilingon ko yung lalakeng gumawa nun na hindi man lang nag sorry.

"Hoy kuya! Sorry ha!" Sarkastiko kong sabi sakanya.

"Bitter mo may date kana nga eh" rinig kong sabi nya. Tinignan ko sya ng masama sya naman nag lakad na ulit.

"Halika na nga baka makipag suntukan kapa, ibibili na lang kita ng damit. Para mas komportable ka alam ko naman na hindi ka komportable sa suot mo eh." Sabi ni Kevsung na nag iba ang itsura. Kanina kasi naka ngiti pa sya pero ngayon iba na talaga eh.

Noong matapos akong bumili ng mga damit hindi na sya ganung ngumingiti pilit na lang.

"May problema ba? Wag kang mag alala babayaran ko tong damit na binili mo sakin." Tumawa sya pero pilit lang ulit.

Natapos ang friendly date namin na awkward.

Habang nag lalakad kami papauwi tinanong ko kung nay problema sya pero hindi nya ako sinagot nag lakad lang sya ng naka pamulsa.

"Fes ano tingin mo sakin?" Tinignan ko sya.

"Ayan na tinignan na kita." Pinitik nya ang noo ko. "Ano ba sabi mo ano tingin ko sayo edi tinignan kita."

"What i mean ano ako sayo?"

'Nang itanong nya kung ano sya sa akin hindi ko magawang sumagot kasi alam kong masasaktan ko sya sa oras na sumagot ako. Napaka sama ko para hayaan kong mahulog ang sarili ko sakanya dahil lang sa mag kamukha sila.'

Okey wag kang piling noh! Mag kaiba kayo ng sitwasyon nung bida sa story.

"Ano bang klaseng tanong yan... Kuya kita slash kapatid, slash bestfriend." Sabi ko nang naka ngiti sakanya.

"Gusto mo ba syang makita?" Tanong nya sakin. Nag isip ako kung sino pero... Si Yan lang ang naisip ko.

"Matagal ko ng sinuko na hindi kami mag kikita nun. Bahala na si Destiny samin."

"Naka book na ako next week, sa Singapore nako mag aaral. Ingatan mo si Dada ah. Itali mo yun lalo na pag nakaka kita ng orabang yun naloloka sya."

"Pero bakit?" Tanong ko sakanya..

"May mga taong umaalis para sa pag babago... May mga taong bumabalik para sa wala lang." Tumingin sya sa buwan.

"May mga tao namang dadating sa buhay mo bilang kapalit sa nawala." Dugtong nya.

"Sige na pumasok kana, babye na." Sabi nya sakin at nag umpisa nang mag lakad.

Anong ibig nyang sabihin sa mga HUGOT nya?

"Alam mo saeng baka naman gusto ka nya di nya lang masabi sayo kasi nga si RP ang gusto mo at hindi sya." Sagot nya sa mahaba kong kwento.

"Anong gagawin ko kung totoo man na may gusto sya? Sabi nya nga aalis na daw sya eh." Sagot ko.

"Hindi ko din alam basta ang alam ko nasasayo ang sagot." Sabi nya sakin. Pinatay kona yung tawag kasi matutulog na ako.

Hayyy buhay parang gulong na paikot ikot nakakahilo na.

---

A/N: This is a work of fiction names, characters, places and incidents are either the product of the author's imagination or, if real used fictiously. Any resemblance to actual real persons, living or dead is purely COINCIDENTAL. (To make it short WAG TAYONG PILING)

Saranghae OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon