Retreat namin ngayon isang buwan ko nang hindi kinakausap si Yan naiinis kasi ako sakanya tawagin ba naman akong psychotic. Kung di ka ba naman ma-imbyerna sakanya diba?
"Hey Faye kasama tayo sa kwarto hahahahaha" tuwang tuwa na sabi ni Dada sakin.
"Tabi tayong matulog ah? Ay alam mo ba kasama natin sa retreat house yung mga taga W.U" sabi nya sakin na kinikilig kilig pa.
"Susumbong kita kay Tita sasabihin ko na lumalandi kananaman." Sabat ni Kevsung ah oo nga pala alam kona na sya ang GONG CHAN RP na nakaka chat ko.
"Hoy KEVIN wag kang OA dyan noh wala naman akong gagawin eh." Sabi ni Dada sabay hawak sa braso ko "tara na Faye sakay na tayo sa bus." Pag aaya nya sakin.
First time tong retreat kona toh kaya kagabi...
"Ingat ka dun baka maligaw ka ah"
"Kuya Pi wag kang OA may lugar na pwede kaming puntahan at hindi pwedeng puntahan atchala parang VILLAGE yun kaya di ako maliligaw."
"Naniniguro lang na makakabalik ang pabebe kong kapatid"
"Wala kang pake payatot!"
"Obessed"
Oh diba akalain nyo yun mahal pala ako ng kuya ko.
"Oh Face itong lotion na toh para hindi ka lamukin. Pag dika makatulog kasi alam ko naman na namamahay ka. Ito yung gamot mo vitamins yan pinadala ni daddy di daw kasi makakatulog ang piglet nya"
Oh diba si mama at daddy naman parang di na ako babalik ng bahay.
"Hoy kanina kapa tahimik dyan ah, hindi paba kayo nag uusap ni RP ha?" Pambasag ni Dada sa pag babaliktanaw ko.
"Ha?! Hindi noh? Bahala sya psychotic ako eh." Sabi ko sabay tingin sa may bintana ko.
Girl nag uusap na kau? - Jampichie
Ha? Hndi n bhala sya PSYCHO daw ako eh tsss... - ako
Nako ewan ko sainyong dalawa may pa LQ-LQ pa kayong nalalaman. - Jampichie
Sabay LogOut... Wait ano yung LQ? "Dada? Ano yung LQ?" Tanong ko kay Dada.
"Tama oo... May LQ kayo ni RP aww... Kinikilig naman ako haha-- aray ko naman wag kang mangurot" pag rereklamo nya sakin.
"Umayos ka kasi, ano yung LQ?" Tanong ko ulit.
"Alam mo Faye kahit mag damag ko pang sabihin sayo ibig sabihin ng LQ hindi mo toh iintindihin kasi nasa INDENIAL stage ka." Sabi nya sabay akap sa unan nya na may picture ni Gongchan at pumwesto para matulog.
Indenial ako? Bakit crush ko ba sya hindi naman ah?! Imposible akong mag ka gusto sa isang VIRTUAL GUY masyadong masakit.
Itulog kona nga lang toh.
Pag dating naman sa retreat village eh pinakain kami agad hahaha. Pag katapos namin kumain nag karoon kami ng activity. Natapos yon mga 7 PM na. Pinakain na kami ng DINNER tapos pinapasok na sa mga retreat house namin.
Ang nakasama ko sa retreat house eh si Dada, Angelica a.k.a manager, ako, at si elyssa.
"Inaantok naba kayo?" Tanong ni dada sa mga kasama namin.
"Hindi pa" sagot ni manager sakanya, tumingin naman sya sakin. "Oo" sagot ko at kunyare hihiga na kaso hinila nya ang kamay ko.
"Wag kang sinungaling NOCTURNAL ka." Kaya ayon bumangon na lang ako.
"Mag kwento kayo ng love story nyo." Sabi ni Dada sabay tingin sakin
"Wala ako nun" sagot ko.
"Meron ako." Sabat ni Manager.
"Elyssa?" Tawag ko sakanya pero bigla na lang syang lumabas.
"Hayaan nyo na sya wala dito yung mga kabarkada nya kaya sige umupo na tayo mag kkwento nako." sabi ni manager, ang sama kona atang talaga para kamuhian ako ni elyssa ng ganun.
"Yung crush ko NEVER ko pang nakita. Hindi ko sya crush actually LOVE na ata yun eh." Sabi ni manager
"Love? Eh di mo nga sya nakikita eh tas LOVE agad?" Sabat ko
"Makinig ka muna Faye bumabanat kana ng ka bitteran mo dyan wala pa man eh." Sabi ni manager sakin.
"Hindi ko din alam kung dapat ko bang i-consider ito na LOVE. Dahil nga sa di ko pa sya nakikita, pero diba sabi nila 'Love has no face, doesn't know any rules. Only reaches you, when you don't expect it to.' Sa madaling sabi hindi mo alam kung kailan ito darating..." kumurap kurap lang naman ako sa sinabi ni manager. "Walang may alam kung kailan ito dadating, baka sa sitwasyon ko eh dumating ito via text nga lang pero may takda din namang panahon para mag kita kami hindi nga lang talaga ngayon... at hindi ko alam kung kailan." Sabi ni Manager, ewan ko pero naiilang ako sa TOPIC namin kaya...
"Eh paano mo malalaman kung totoo siya?" Tanong ni Dada, tinignan ko lang naman siya.
"Sabihin na lang natin na — I take the risk of trusting and believing someone..." sagot ni Angelica samin.
"L--labas muna ako" sabi kona nauutal.
Pag labas ko nakita ko si Elyssa, na hawak sa kamay ang isang lalake. Lumapit ako para makita kung sino ito kaso baka mahulog naman ako dito—
Umalis na yung lalake, nakita ko si elyssa na nag pupunas pa ng luha nya. Lumapit ako sakanya, "Anong nangyare?" Tanong ko sakanya.
"Kung sasabihin koba babalikan nya ako? Diba hindi naman?" Kung ganun broken hearted pala sya kaya pala masungit sya.
"Hindi mo din naman sya kilala kahit na sabihin ko pa sya sayo."
"Pasensya kana kung nagalit ako sayo. Pero pinakikitunguhan mo pa rin ako ng maayos kahit papaano." Mahaba nyang sabi tsaka, na nag lakad papasok ng retreat house namin.
Umupo muna ako sa may fountain dito. "May crush nga ba ako sa RP na yun?" Nabulalas ko sa sarili ko. Bakit kinalimutan ko yung NUMBER 1 RULE? Na 'never fall from someone you've just met on social network'
Naawa naman ako sa sarili ko.
Wishing POND
Piso per wish
Ay wow naman itong wishing POND na toh ang mayaman. Sa dami ng piso na meron dito eh kung iipunin mo yun eh mayaman kana.
"Sana mawala na ang feelings ko kay Yan"
Kahit san pa ako mag punta nag simba nako sa quiapo, sa binondo chinese church. Ipinag dasal ko na sana mawala na ito... pero mukhang hindi talaga mawala wala...
BINABASA MO ANG
Saranghae Online
General FictionSa Facebook may warning na lumalabas sa tuwing may i-accept ka na friend request. Ang mga katagang iyon ay... "Don't just accept request to someone" "Do you know this person?" Iyon ang mga warning ni Facebook. Sabi pa... There is a rule in Virtua...