Love Dance

109 1 0
                                    

Dear: Mama.

Sorry kung ang salbahe ko sa kanya. Aaminin ko nung una nainis po talaga ako nung nasipa niya ko. Ang sakit kasi nun mama eh. Pero after nun, hindi naman na ko galit. Kaya ko lang naman nilagyan ng papel yung locker niya para mainis siya sa akin. Ang akala ko kapag ginawa ko yun ay unti-unting mawawala yung alam niyo na Mama. Pero mali ako eh. Alam nyo naman kung bakit diba? Nasabi ko na sa inyo yun mama. Alam ko galit pa rin sa akin si Daddy. Mama kaya ko na naman sarili ko eh, pero pakitulungan na lang ako kay Daddy. Thanks Ma. I love you so much. I miss you.

Pag kagising ko, tinatamad pa ako bumangon tapos naisip ko agad yung mangyayari mamaya sa amin ni Carlo. Baka asarin lang ako ng asarin nun. Nang mapasin ko ang oras ay alas otso na pala ng umaga at 8:30 ang first class ko kaya dali dali akong naligo at umalis ng dorm.

Dumaan ng mabilis ang mga oras. Busy din kasi sa mga classes ko sa araw na 'to. Tapos na last class ko ng maalala ko yung tungkol sa practice namin. Nakalabas na ko ng building. Itetext ko na sana si Carlo para itanong kung saan kami magkikita ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Hoy Miguel!" Si Carlo pala yun, naghihintay at kumakain sa mayfishbolan sa tapat ng building namin. Nilapitan ko siya kahit naiilang ako.

"Ang tagal naman matapos ng class mo! Nagutom tuloy ako!" reklamo ni Carlo habang sumusubo ng fishball na binili niya. Sa totoo lang, hindi bagay kay Carlo na may hawak na fishball. Halatang halata mo kasi sa pananamit niya na mayaman siya. Ewan ko nga kung bakit yung ugali niya eh parang pangkanto. Pero minsan narinig ko siya makipag-usap sa kaibigan niya, muntik na nga akong magkacrush sa kanya dahil ang galing niya mag-english. Bihasang bihasa din pala siya dun. Tapos na niya ng kainin yung binili niya ng bigla siyang naglakad papuntang parking lot. Sinundan ko na lang siya. Nagulat ako sa nakita kong kotse na dala niya. Ang ganda at halatang mamahalin.

"Hoy, bakit ka nakatunganga dyan? Sumakay ka na para matapos kagad tayo ng maaga sa pagpapractice natin." Sumakay na ko sa kotse. Pagpasok ko, ang daming figurine ng pusa. Natawa nga ko kasi parang naging pambabae bigla yung kotse niya dahil sa mga figurines na iyon. Tinitigan lang ako ng masama ni Carlo. "San ba tayo magpapractice?" Wala akong idea kung saan ako dadalhin ng lalaking mayabang na'to. Baka mamaya pagtripan lang ako nito. "Wag ka ngang maraming tanong."

Tahimik lang ako habang nagdadrive siya, hanggang sa nakatulog ako. Nagising lang ako ng bigla siyang prumeno at tumama ulo ko sa bintana ng kotse niya. As usual, tinwanan na naman ako ng gago. Hindi ko na alam kung na saan kami. Pero alam kong EDSA ang tinatahak namin. "San ba kasi tayo pupunta? Parang ang layo na nito ah!" pangungulit ko kay Carlo. "Dun tayo sa bahay namin magpapractice para malaki space."

Pumasok kami sa isang private subdivision sa may Makati. Hindi ko pinahalata sa kanya yung pagkamangha ko nang makita ko yung pangalan ng subdivision nila. Ang akala ko puro artista lang ang nakatira dito. Ang lalaki ng bahay sa subdivision nila at layu-layo sa isa't isa. Kahit ata sumigaw ka eh hindi ka maririnig ng kapitbahay niyo. Mga ilang liko pa at bumusina na siya sa tapat ng napakalaking bahay, na may kulay puting gate. Ito na ata yung pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong buhay ko. Nakailang busina pa siya bago may kasambahay na nagbukas ng gate. Pinapasok niya ko sa bahay nila. Grabe talaga sa laki. Yung garahe pa lang nila, kasing laki na ng bahay namin sa probinsya.

"Good evening po Sir Miguel. Akin na po yung mga gamit niyo at aayusin ko." sabi ng isang maid. Mukhang pinaalam ni Carlo sa kanila na may dadating siyang kaklase. "Manang, si Dad ba dumating na?" tanong ni Carlo sa isa sa mga kasambahay. "Maya-maya pa daw po yung dating niya. Sir Carlo. May dinner meeting daw po kasi siya."

"Ah ganun ba? O sige Manang, dun na muna kami sa kwarto ko, magpapractice kasi kami. Padala na lang po ng makakain at inumin dun. Salamat Manang."

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon